Chapter 24: Face off
LEANDRO’S POV
“TAKE a break first, Leandro. Don’t keep making things hard for yourself. No matter what you do, no matter how much time you pour into work, you can’t change the wrong decision you made before. It’s better to just forget the past. You’re the one keeping yourself locked up.” Isang araw, iyan ang sabi sa akin ni dad. Minsan niya lang akong kausapin, kasi alam kong masama pa rin ang loob niya.
Hinding-hindi niya makalilimutan ang kasalanan ko noon. Siya ang higit na nanghinayang at ako, saka ko lang napagtanto ang lahat ay iyong wala na. Tapos na, tapos na nga ang laban na wala man lang akong ginawa.
Napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa mataas na gusali na bago naming proyekto. Kasama ko rito ang matalik kong kaibigan. Si Mark, na mabuti na lang ay hindi nasira ang pagkakaibigan namin.
“Lee.” Napapitlag ako nang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay si Mark lang pala. Humahangos pa siya, na halatang tumakbo pa para makarating sa puwesto ko.
“Bakit?” tanong ko. Inayos ko ang suot kong hardhat.
Itinuro niya ang cell phone niya. Kunot ang noong napatitig lang ako roon. Ibabalik ko na sana sa kaniya ang tingin ko ng mabasa ko ang pangalan sa contact number niya.
“Leighton?” sambit ko. Naramdaman ko agad ang mabilis na pintig ng puso ko. Alam ko naman na may komunikasyon pa sila ni Leighton. Minsan ay sinasadya niyang iparinig sa akin ang boses nito.
Ngunit kusa akong umaalis. Dahil malaking sugat ang iniwan nito sa akin, na wala namang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Kahit gustong-gusto ko pang narinig ang boses nito, hindi ko lang kaya dahil nauuwi lang sa pagsisisi.
“She’s here, bud.” Napaiwas ako ng tingin. Hindi na naging normal pa ang t***k ng puso ko. Parang nanlamig agad ang mga palad ko. “Lee, bakit? Bakit hindi ka man lang nag-react diyan?”
“What reaction do you expect from me, Mark?” I asked him, firmly.
“I thought you wanted them to come back here? Why do you look like you’re not happy at all?” he asked me back, confused.
“Why should I be happy, Mark? What can I possibly do now that they’re here? You know I can’t approach them anymore,” naiiling na sabi ko at napabuntong-hininga siya.
“Okay, nakuha ko na. Hindi ka naman literal na magpapakita sa kanila. As if din na papansinin ka pa ni Leigh. 6 years na, Lee. Anim na taon na ang nakalipas simula nang maghiwalay kayo at may asawa na rin siya. Malamang nakalimutan ka na nga rin no’n,” mahabang sambit niya. Isa ito sa ayokong marinig. Pero ano pa ba ang magagawa ko?
“Nasaan sila?” tanong ko na halos hindi na marinig pa ang boses ko.
Nang sabihin sa akin ni Mark kung nasaan sila ay agad na akong umalis para puntahan sila. Sa biyahe pa lang ay kinakabahan na ako, but I can’t deny that I truly wanted to see them. Seeing them from afar would be enough.
Pagkarating ko sa SM ay napatitig pa ako sa building. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. “Calm down, Leandro. Titingnan mo lang sila kahit ilang sandali lang.” Tuluyan na akong pumasok sa loob para hanapin sila. Sabi ni Mark baka sa playhouse ay makikita ko roon ang hinahanap ko.
Si Leighton na lang ang hinanap ko. Kasi wala pa akong idea kung ano ang hitsura ng—alam kong masyado ngang makapal ang mukha ko para sabihin pa ito. Ngunit gusto ko pa rin siyang tawaging anak ko.
Maraming bata sa loob, hindi ko rin naman malalaman kung siya na ba anak— Natigilan ako nang makita ko na si Leighton. Agad akong nagtago para hindi niya ako makita.
Hindi nga ako dapat magkamali. Si Leighton na ang nakikita ko ngayon, kahit maikli na ang buhok niya. She’s wearing a white dress with pink tulip designs. She’s just standing there, smiling so brightly. She’s as beautiful as ever.
At iba na ang kislap sa mga mata niyang nakikita ko noon. She seems to be living a good life now, and maybe things with her husband are just as good.
Ano pa nga ba ang in-expect ko? Na hindi siya magiging masaya sa piling ng asawa niya?
“Momma! Buy mo po kami ng ice cream.” Sinubukan ko namang tingnan ang batang babaeng lumapit sa kaniya.
The child was wearing a purple dress and boots. She also had a headband on, and her voice sounded energetic. She was also a bit chubby.
Siya na kaya si Astrid?
“Okay, anak. Make sure na hindi ka aalis doon, okay? Diyan lang ako bibili ng ice cream, oh,” narinig kong sagot naman ni Leighton.
I shut my eyes when I heard her voice. Darn it. Why is my heart reacting like this? It was confirmed na si Astrid ang batang kausap niya.
Agad akong tumalikod, humarap sa pader at nagkunwaring busy sa cell phone. Dahil dadaan siya mismo rito sa side ko. Ayokong makita niya ako rito. Ayoko rin namang magpakita pa sa kaniya.
Narinig ko pa ang yabag ng sapatos niya. Nilingon ko lang ulit siya nang makita kong nakalayo-layo na siya.
Hindi naman siguro ako mahuhuli kung lalapitan ko ang anak ko, right? Bahala na nga. I just want to see her. Kahit saglit lang.
Nagtungo na ako sa puwesto nila kanina. Tinandaan ko lang ang damit ng anak ko at ang purple headband niya. Pero ang daming mga bata, hindi ko sila maisa-isa. Malaki ang playhouse, kung ano-ano na rin ang laruan na makikita mo sa loob.
Nang makita ko na nga ulit siya, takbo nang takbo pero napako naman ang tingin ko sa isang batang babae.
Makukuha talaga ang atensyon ko, dahil iyong drawing niya ay hindi pang-ordinaryong drawing lang ng batang kaedad niya. Bahay ito na gumamit siya ng pastel color.
Nakaupo siya, at hindi focus sa ginagawa dahil ilang beses siyang nag-aangat ng tingin na parang may binabantayan.
“Ate Ast, pahingi po ng tubig!” Isang batang lalaki ang lumapit sa kaniya. Nakaputing polo-shirt at khaki shorts. May bimpo sa likuran nito para sa pawis nito.
Ibinigay ng batang babae ang tumbler at agad na uminom doon. Pagkatapos ay nagpaalam na agad ito.
Nakita ko na lang ang sarili kong naka-squat para makita ko lalo ang drawing niya. Maliit din kasi ang mesa at inuupuan niya. Gawa ito para sa mga bata lang.
“You’re really talented, your drawing is stunning,” I uttered.
“Thank you. It’s one of my hobbies,” she said. The moment our eyes met, my heart raced uncontrollably. I was certain I had never met her before… so why did she feel so familiar?
The little girl was wearing a simple pink dress with white lace along the hem, perfectly suited for her young age. Her long hair was neatly braided, with a small pink clip tucked on one side. Her skin was fair and smooth. Her cheeks were slightly round, giving her an innocent and endearing look. She had almond-shaped, expressive eyes, and a small, perfectly shaped nose.
When she smiled, her small but even teeth showed, and her eyes sparkled as if hiding a story of their own. Her dimples.
“You’re so handsome, I almost forgot that my mom told me not to speak with strangers.” Napakurap-kurap ako, umiwas na lang ako ng tingin sa bata at hinanap ko na lang si Astrid, kahit parang ayokong iwan ang batang babae.
Kinuha ko na ang pagkakataon na makalapit sa anak ko at nang makita kong na-out balance siya ay agad ko siyang dinaluhan. Tinulungan ko siyang makatayo.
“Are you okay?” nag-alala kong tanong. Sinuri ko pa ang binti niya kung hindi siya nagalusan.
“I’m fine po, thank you,” sagot niya at nang tiningnan ko ang mukha niya ay nakapagtatakang wala akong nakitang similarity ng mommy niya. Ni hindi rin nag-react ang puso ko, hindi kagaya kanina na noong napatingin ako sa mukha ng batang babae.
“Ast—”
“Sino ka? Ano’ng ginagawa mo sa anak ko?” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Leighton mula sa likuran ko.
Mariin akong napapikit. Kasasabi ko pa lang na wala akong planong. But do I have any choice? Nandito na, e. Wala ng atrasan, kailangan ko na talaga siyang harapin.
Dahan-dahan na akong lumingon, kasabay ang mabilis na pintig pa rin ng puso ko. Kitang-kita ko kung paano rumehistro ang gulat sa mukha niya.
“Leandro?” sambit niya. Ewan ko kung bakit natuwa ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Dahil siguro hindi pa niya ako nakalilimutan?
“Leighton,” I uttered her name. Lumipat ang tingin niya sa bata at mabilis siyang humakbang para siguro hilahin ito. Ngunit maagap na nahawakan ko ang kamay ng bata.
“What are you doing?” walang emosyon na tanong niya. Nahawakan na rin niya ang kaliwang kamay nito.
“Leigh, alam ko... Alam kong masyadong makapal ang pagmumukha ko para hilingin ito sa ’yo. Pero puwede bang...puwede ko bang makilala ang anak ko?”
“A-Anak mo? Ano’ng pinagsasabi mo?! Hindi mo siya anak!” sigaw niya sabay hawak sa braso ko para mabitawan ko na rin ito, ngunit hindi ko siya hinayaan. “Let her go!”
“No. Please, hindi naman ako manggugulo. I just want to meet her, please...” pagmamakaawa ko.
Salubong na ang kilay niya, sa gulat na marahil ngayon lang ako nagkainteres na kilalanin ang anak ko na pinagtabuyan ko noon.
Wala na akong pakialam kung ano na ang mga salitang ibato niya sa akin. Pero gusto kong makilala si Astrid, gusto kong makabawi sa kaniya. Kahit hindi na niya ako kilalanin na ama.
“You’re crazy, Leandro! Hindi mo naman siya anak!”
“O-Ouch, momma! It hurts na po!” sigaw ng bata, dahil sa pag-aagawan namin ng mommy niya ay talagang masasaktan siya.
“Let her go, Leandro. Sinasabi ko na sa ’yo na hindi mo siya anak. Bakit ba hindi ka nakikinig?” Kalmado na ngayon ang boses niya. Ngunit mariin ang bawat katagang lumalabas sa bibig niya.
“Please, Leigh. Hayaan mo naman akong makilala ang anak ko.”
“T@nga ka ba, Leandro? Anak namin siya ng asawa ko.” Umiling lang ako. Alam ko naman na dini-deny niya ito, dahil sa ginawa ko noon. Ngunit hindi niya ako mapipigilan sa nais kong makilala si Astrid.
“Ngayon lang, Leighton. Pagbigyan mo ako kahit ilang sandali lang. Gusto kong makilala pa ang anak ko, gusto kong makasama na muna si Astrid,” pagmamakaawa ko pa rin at napailing siya. Sa mga mata niya ay malinaw ko nang nakikita ang galit doon.
“Ang kapal nga ng pagmumukha mo para sabihin pa iyan sa akin, Dela Paz. Talagang nababaliw ka na nga.”
“I know... But please, Leigh... I’m her father, kahit malaki ang kasalanan ko noon sa inyo. Hayaan mo lang akong makilala ko si Astrid.” Halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa.
“I’m not Ate Astrid po! I’m Ashtine!” sigaw ng bata at nabigla ako roon. Nabitawan ko siya at tiningnan ko ang mukha niya. Tama nga naman na wala akong nakikitang similarity ni Leighton. Ang natatandaan ko noon ay kamukha niya ang anak namin, pero—
“Why do you want to meet me?” Isang maliit na boses naman ang sumingit sa usapan namin. Galing na naman iyon mula sa likuran ko at nang tingnan ko iyon ay isang batang nakatayo na harap ng maliit na mesa.
Ang batang nakausap ko kanina lang. At ngayon ko lang na-realize, kung sa malayo mo siyang tingnan ay hindi siya kamukha ni Leighton.
At ako iyon, mas malaki ang pagkakahawig naming dalawa. Umawang ang labi ko sa gulat. Hindi ko alam na anak ko na pala ang nakausap ko kanina at hindi ang batang hinahanap ko.
“A-Astrid,” I uttered her name. Titig na titig din siya sa akin na may pagtataka.
“Y-Yes, I’m Astrid Dela Paz.” Nang marinig ko ang buong pangalan niya, lalo na ang pangalan ng pamilya ko ay naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.
Kahit ilang beses kong tinalikuran noon ang responsibilidad ko sa kaniya bilang ama niya ay hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang pangalan ng pamilya namin.
At ngayon alam ko na, hindi naman siya gagamitin ng mommy niya para balikan ko siya. Totoo naman na anak ko siya, dahil kung hindi. Hinding-hindi gagamitin ni Leighton ang pangalang alam niyang wala itong koneksyon sa pamilya ko.
Napatitig ako sa sarili kong anak. Nakahawak na siya ngayon sa dibdib at kung hindi ko lang napansin na nahihirapan siyang huminga ay hindi pa ako matatauhan.
“Astrid!” I called out her name. Mabilis akong lumapit sa kaniya. Bago pa man siya mawalan ng balanse. “A-Astrid, baby.” Kalong-kalong ko na siya ngayon, namumutla na siya kaya higit akong natakot.
“I-I can’t breath. M-Mommy... Mommy.” Ang higpit nang hawak niya sa damit niyang nasa bandang dibdib. Ramdam kong nahihirapan na nga siyang huminga.
“Tabi!” sigaw ni Leighton at basta na lang niyang inagaw sa akin ang bata. Niyakap niya ito. Ang bilis nang bawat galaw niya, kahit nanginginig ang mga kamay niya ay nagawa niyang buksan ang isang backpack at may inilabas siya roon.
Inayos niya ang pagkakaupo nito at ang nakita ko na lang ay ang inhaler sa bibig nito.
May tumutulong luha sa pisngi niya, ngunit masasabi kong nakahihinga na siya ngayon ng maayos.
Pero sa nasaksihan ko ngayon, ang labis kong ikinabahala.
“L-Leigh... May sakit ba si Astrid?” buong lakas-loob na tanong ko sa kaniya.
Matapang na sinalubong niya ako ng tingin. Napakalamig ng mga mata niya.
“Hindi ka parte ng buhay namin para makialam pa, Leandro. Umalis ka na lang at mas mabuting huwag ka nang magpapakita pa sa amin.”