CHAPTER 28

1571 คำ
Chapter 28: Check up KINABUKASAN, okay na ulit ang anak ko. Kaya na niyang makipagsabayan sa kadaldalan ng kapatid niya. Kung ibang tao lang siguro ay makukulitan na sa kaniya. Pero wala, mataman pa rin itong nakikinig kay Tin. Hindi lang dahil nasanay na siya, mahal niya ito kaya binibigyan niya ng oras niya. “Anak.” Napatingin ako kay mama. Kasalukuyan kasi kaming nasa sala, naglalaro ang tatlong bata. Kahit ang ingay-ingay nila ay okay lang naman. Wala rito si Annaliza, may trabaho. Paminsan-minsan daw ay naiiwan ang pamangkin ko sa lolo’t lola nito. Minsan ay iniiwan naman sa parents niya. “Bakit po, ’ma?” “Nakausap ko kagabi ang doktor ni Astrid. May kakilala siyang doktor, nagpa-set na siya ng appointment. Mamayang hapon ay dalhin mo siya sa hospital para magpa-check up. Matatagalan pa kayo rito, kaya kailangan niya munang magpasuri.” Inabot ko ang nakatuping papel sa kamay niya at napatango. Address ito ng ospital at pangalan ng doktor. “Salamat po, ’ma. Mamaya po ay maghahanda kami,” sabi ko. Napatango lang siya. “Oh siya. Maiwan ko na muna kayo rito,” paalam niya. Dumiretso siya sa second floor ng bahay namin. Lumapit naman ako sa mga bata. Napatingin agad sa akin si Astrid. Nginitian ko siya na agad naman akong ginantihan ng ngiti. “Aalis tayo mamaya, anak. Pupunta tayo sa hospital para magpa-check up,” pagbabalita ko sa kaniya. “Okay po, mommy,” magalang niyang sagot. Marahan kong pinisil ang kaniyang pisngi. “Ako po, momma? Puwede po akong sumama?” singit ni Ashtine, umupo ito sa kandungan ko. Niyakap ko siya para hindi siya malaglag sa sahig. “Anak, ’di ba darating ang daddy mo mamaya? Kayong dalawa ng mommy mo ang susundo sa kaniya,” aniko. Nanlaki ang mga mata niya. Na tila ngayon niya lang iyon naalala. “Oo nga po pala, momma! Pero po kasi... Gusto ko pong sumama sa inyo. Hindi po ba nag-promise ako sa ate ko, na palagi ko siyang sasamahan? Lalo na po kapag pupunta na siya sa hospital?” “Tin, magtatampo sa ’yo ang daddy mo. Kapag sa amin ka sasama, ’nak,” naiiling na sabi ko. Inayos ko ang buhok niya, na nawawala na ang pagkakatali nito. “Kaya nga po, momma e. Alam mo naman po kung paano magtampo iyong daddy kong iyon, ’di ba Ate Ast?” Sabay kalabit niya sa kapatid, nakaupo lang din ito sa tabi namin. Kumiling ang ulo ni Astrid. “Oo naman. Hindi ko puwedeng kalimutan iyon,” aniya, may matamis na ngiti pa sa labi. “Pero momma, sasama po ako sa inyo, please?” pagmamakaawa pa nito sa akin. Sino ba naman ako para tanggihan ang cute na batang ito? At kailan ba ako natalo sa pagpapa-cute niya? “Okay. Basta, anak. Behave ka lang doon, okay?” paalala ko. Nakangiting tumango siya at humalik pa sa pisngi ko. Alam ko, darating ang araw ay mabubuo pa rin ang pamilya niya na pinangarap ko noon sa anak kong si Astrid, but this time gusto kong ibigay iyon kay Ashtine. Ako na ang makikiusap sa parents niya. At sila ng ate niya ay magiging mag-best friend din at higit pa roon. *** NAKAHANDA na kami, binihisan ko mo na rin ang dalawang bubwit. Akala ko ay pati ang pamangkin ko ay makikiusap din na isama siya. Pero nang malaman niyang sa hospital ang punta namin ay napangiwi siya. Isa sa ayaw niyang pumunta roon, dahil nagkasakit daw sabi ni mama. Halos dalawang linggo ang bata, umiyak pa raw ito nang hindi agad nakalabas. “May gusto ka bang pasalubong, Rex?” malambing na tanong sa kaniya, sabay pisil sa matambok niyang pisngi. Namumungay ang mga mata niya. “Bili mo ako ng bagong laruan, tita?” Napangiti ako at tumango. “Okay. Wait mo kami rito, okay?” Tumango siya at nagpaalam sa kaniya ang dalawa. Naka-pink na jumpsuit si Ashtine, mataas ang pagkakatali ko sa buhok niya, na ayon naman sa gusto niya. May maliit siyang sling bag, kompleto ang accessories na suot nito. May earings, necklace, bracelet at relo, ganoon din naman ang ate niya. Nakasanayan ko nang ayusan sila ng ganito. Nilagyan ko na rin sila ng maliit na towel sa likuran nila. Sa kanilang dalawa ay si Tin ang pawisan. Ihahatid pa sana kami ng family driver namin nang tumanggi na ako. Hiniram ko na lang ang sasakyan ni dad. Pinaupo ko sila sa backseat para mas komportable sila. Cotton pink sleeveless naman ang suot ni Astrid, para komportable siya. Naka-white shorts din siya, halata iyong payat niyang binti. Eh, sa kapatid niya ay litaw na litaw ang malulusog nitong mga paa. Bago ko in-start ang sasakyan ay inabot ko ang cell phone sa dashboard. Ibinigay ko iyon kay Tin. “Call your mom, Tin. Sabihin mo na hindi ka makakasama, anak.” Nakangiting tumango siya at kinuha ang cell phone ko. Sinulyapan ko na muna sila saka ko pinaandar ang sasakyan. Kahit anim na taon akong nawala sa Pilipinas ay pamilyar pa rin naman ako, kahit na malaki rin naman ang pinagbago nito. “Sorry, mommy. I promise my ate na sasamahan ko po siya sa hospital,” narinig kong pahayag ni Tin sa kaniyang ina. Nang tingnan ko siya mula sa rearview mirror ay napangiti ako. Magkahawak pa sila ng kamay ng kaniyang ate. Tapos si Astrid ay nakangiti lang siyang pinagmamasdan nito. Halos buong biyahe ay magkausap sila. Sumasabat din sa usapan nila ang aking anak, tinatanong din yata ni Xanthe. Pagkarating namin doon ay agad kong ipinark ang sasakyan. Nauna akong bumaba para alalayan silang dalawa. Huli kong pinababa ay ang pinakamakulit. “Tara na sa loob, mga anak,” anyaya ko. Hawak ko sa kaliwang kamay si Astrid, sa kanan naman si Ashtine. Hindi na patalon-talon ang paglalakad ng bubwit, kasi nga papasok na kami sa hospital. Mahinahon lang siya, bagamat curious pa rin sa mga tinitingnan niya sa paligid. Kagaya ng kaniyang ate ay nakasuot din siya ng facemask. Pinaghandaan ko na rin siya no’n, sa takot na mahawaan siya ng sakit. Yes, nagmumukha man akong overacting ay ganoon talaga ako pagdating sa pag-aalaga sa mga bata. Dahil na rin siguro nag-iingat lang ako. Partida kapag nakita kong pawisan na silang dalawa ay papalitan ko agad ng damit. “After this, saan na po tayo pupunta, momma? Uuwi na po tayo agad?” tanong nito sa ’kin. Tumingala pa siya. Napapanguso pa nga. “Magpapabili ng bagong laruan si Rex. Maybe, kakain na muna tayo ng snack dito? Tapos mag-take out tayo ng food for him.” Nag-thumps siya sa akin na ikinangiti ko. “What do you think, Astrid?” baling ko sa baby girl ko. Baka kasi mapagod na naman siya. Nasa kaniya ang desisyon kung uuwi na ba agad kami. Iyong baby sister niya kapag sinabihan naman na uuwi na ay susunod naman siya. Hindi siya iyong mga batang magta-tantrums. Pero iba rin siya kapag nagkakasakit na. Nakatatakot, maski ang mommy niya ay hindi siya kayang i-handle. Ang daddy niya lang ang umaalo sa kaniya. “It’s okay, mommy,” masunurin niyang sagot. *** HINDI na kami nagtanong pa sa information desk, dumiretso na kami sa floor kung nasaan ang klinika ni Dra. Carol Salvatore, ang pediatric cardiologist. “Heto na iyon,” nakangiti kong sambit pagkakita ng signboard. May nurse sa labas, nang makita kami nito ay agad niya kaming nilapitan. “Mrs. Leighton Ferrell?” tanong nito, na mukhang inaasahan niya ang pagdating namin. “Yes, ako nga,” sagot ko nang nakangiti. “Inaasahan na po namin ang pagdating ninyo, ma’am. Nasa loob na po si doktora.” Alam ko na iyong mga doktor ay maraming pasyente, pero nagawa yata ni mama na magpa-set ng appointment na kami lang ang ia-assist nito. “Doc, nandito na po si Mrs. Ferelle,” anunsyo niya sa doktora. Binuksan ng nurse ang pinto at pinauna niya kaming pumasok. Nakatayo na rin ito at magiliw niya kaming binati. “Please come in, Mrs. Ferrell, and to you too young ladies,” aniya. Napabungisngis si Ashtine, sa narinig na tinawag sa kaniya. Si Astrid naman ay ngumiti lang din siya. “Thank you, doc,” aniko, tiningnan ko ang dalawang bata. Nakuha naman agad nila ang nais kong ipahiwatig. “Good afternoon po, doktora,” malambing na bati nila pareho. “Have a sit.” Itinuro nito ang couch. Muli akong nagpasalamat at iginiya ko roon ang mga anak ko. Unang umupo si Ashtine, at hinintay niya ang ate niya. Pagkuwa’y naghawak-kamay na naman sila. “You must be Astrid Dela Paz?” malamyos ang boses na tanong ni Dra. Carol. “Opo,” tipid na tugon ng anak, sinabayan pa niya nang marahan na pagtango, “And you?” “Ashtine Ferrelle po,” magalang na sambit ni Tin sa pangalan niya. Hindi na-curious ang doktora kung bakit magkaiba ang surname ng dalawang bata, mas kataka-taka nga rin na iba ang apelyido ng aking anak. Samantala, pareho lang kami ni Ashtine. “Bago po natin simulan, Mrs. Ferrelle. May mga katanungan na muna ako kay Astrid. Ashtine baby, puwede ko bang hiramin na muna ang kapatid mo?” mahinahon niyang tanong dito. Ashtine nodded, sandali niyang tiningnan ang ate niya. Napangiti ako nang dalhin nito sa doktora ang kamay nito. “Please, be careful with her po, doc,” sabi niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม