CHAPTER 29

1458 คำ
Chapter 29: Accident NAG-CHEST CT scan ang anak ko, para mas makita ng doktor ang kalagayan niya. Kung maayos din ba ang heartbeat niya, and thank God. Stable pa rin daw ang pumping ng puso. Walang palya o bagong arrhythmia. Sa nalaman ko na hindi ito masyadong naapektuhan, dahil hinika nang araw na iyon ay makahihinga na ako nang maayos. Ilang beses pa akong nagpasalamat sa doktora, na maging si Ashtine ay halos halikan na ang kamay niya. “You’re a fighter, baby. Kaya para kanino ka lumalaban para kayanin itong sakit na nararamdaman mo?” mababa ang tonong tanong ni doc. Titig na titig siya sa mukha ng aking anak. Dahan-dahan akong nilingon ng anak ko, nakangiti siya at namumungay ang mga mata. Kumikislap din iyon, wala pa siyang sinasabi, ngunit mukhang alam ko na ang isasagot niya. “First, it’s for my mom po, doc, and then for my little sister po, kay Tin. I really love them po. Sila po ang dahilan kaya lumalaban po ako,” sagot niya sabay hinawakan ang kamay ng kapatid. Natuwa ito sa narinig. Bahagya pa itong humilig sa balikat niya. “Then keep fighting, Astrid. Ang sakit mo, puwede pang gumaling. You need medical attention, and I think. Walang palya ang mga check-up mo, thanks to your mom. Mrs. Ferrell,” baling nito sa akin. “Ano po ’yon, doc?” I asked her. “Para maiwasan ang nangyari, kailangang manatili siya sa lugar na wala siyang malalanghap na kahit na ano’ng usok sa paligid, at hindi masyadong mainit ang klima,” paalala nito sa akin. Naisip ko na baka babalik na kami sa America? Para maiwasan lang ang nangyaring hika ni Astrid? Pero kasi wala pa ang anniversary ng parents ko. Kailangan na muna naming manatili rito nang ilang mga araw. “What about her flight po, doc? Makabibiyahe ho ba siya?” muli kong tanong. Napaisip siya at huminga nang malalim. “I suggest na huwag muna. Dalhin mo lang siya sa lugar kung saan siya magiging komportable, at pagpahingain siya nang maayos. Iyong mga gamot niya.” Tumango-tango ako. “Salamat po, doc,” aniko. “You’re welcome.” *** After that ay nagpaalam na kami na lalabas na. Hawak ko ulit sila sa kamay, dinadaldal na naman ni Ashtine ang ate niya. Habang lulan na kami ng elevator, at patungo na ito sa baba. Nasa fifth floor kasi ang clinic ni doktora. “Momma, parang gusto ko pong maging doctor when I grow up,” sabi nito, natuwa ako dahil alam ko kung saan niya nakuha ang ideyang nais niyang maging doctor balang araw. “Susuportahan kita riyan, anak,” wika ko. “Gusto ko rin po sanang gamutin si Ate Ast, momma. Pero mas like ko po kapag gumaling na siya agad-agad. Momma, iyong plano po natin sa orphanage. Don’t forget po, ha?” I nodded. Iyong plano niyang i-donate lahat ang mga laruan nila na hindi na masyadong nagagamit, kahit hindi pa sira o luma. “For sure dala na ng daddy mo iyon, Tin,” sabi ko. Tapos napasinghap siya. “Si daddy po pala, momma! Tumawag na po ba si mommy ko?” she asked. Halos dalawang oras kami sa clinic ni doktora. Ngayon ko nga lang naalala. “Wait lang, Astrid.” Binitawan ko ang kamay niya, para i-check kung may tawag ang asawa ko o si Xanthe. Kumunot ang noo ko, dahil puro missed calls nga galing sa kaniya. Sinadya kong ilagay sa silent mode ang phone ko kanina. May mga text message pa. Agad kong binuksan iyon, para lang kabahan ng sobra. “What’s wrong, mom?” Astrid asked. Pilit kong pinakalma ang mabilis na t***k ng puso ko at nilingon ang dalawang bata. “N-Naaksidente ang mommy at daddy ninyo,” nauutal na sabi ko. Nanlaki ang mga mata ng bata, nang kumurap si Tin ay agad na namula iyon. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “P-Paano po, momma?” tanong nito sa akin, nagsisimula na siyang humikbi. Napailing ako. “Kanina pa ang tawag ng mommy mo, anak. Don’t cry, baby. Dito sila sinugod kaya pupuntahan natin sila ngayon,” pag-aalo ko, ilang beses siyang tumango. Kinagat niya ang labi para hindi siya maiyak lalo, pero umaagos na ang mga luha niya sa kaniyang pisngi. Pagkalapag sa first floor ay agad naming tinungo ang information desk. Nagtanong na ako kung saan dinala iyong mga pasyente na involve sa aksidente, tinuro naman nila agad iyon. Maraming pasyente sa emergency room, hindi naman magulong tingnan pero maririnig ang pagdaing sa sakit iyong ibang pasyente. Paroon at parito ang mga doctor at nurse. Nasa pinakadulo raw iyong mga pasyente na involve sa car accident, kaya isa-isa pa naming hinawi ang puting kurtina upang hanapin sina Noah at Xanthe. Sa dalawang beses na paghawi ko ay nagso-sorry ako, dahil hindi sila ang taong hinahanap namin. Naaabala pa namin sila. Humihikbi pa rin si Ashtine. Sa pangatlong pagkakataon ay natigilan na ako. Sabay pang napatingin sa amin ang tatlong pares ng mga mata. Halos umawang ang labi ko sa gulat, ang bilis na agad ng t***k ng puso ko. Napatingin pa ako sa lalaking nakaratay sa hospital, may sling siya sa kaliwang kamay. May sugat at pasa. Hindi lang ako ang nagulat, maski siya at dahan-dahan siyang napatingin sa kasama ko. “H-Hindi po si daddy ’yan, momma! Siya pa iyong daddy ni Ate Ast!” sigaw ni Tin. Napakagat ako sa labi, dahil iyon ang naisigaw ng bata. Nakilala niya kasi ito. Sa pagkataranta ay iyon talaga ang sasabihin niya. Napasinghap si Tita Laura, palipat-lipat ang tingin niya sa mga bata. “L-Leighton,” sambit ni Leandro sa pangalan ko. Ramdam ko ang paghigpit ni Astrid sa aking kamay. “Tin, ikaw ba ’yan?” Boses iyon ng asawa ko. “Si daddy!” sigaw na naman ni Ashtine, bumitaw agad siya at tinungo ang katabi ng kama, kung saan nanggaling ang boses ng daddy niya. Muntik na niyang mabangga ang mag-asawa. Yumuko ako sa mga magulang ni Leandro. “Pasensiya na po,” paghingi ko ng paumanhin at hinila ko na ang anak ko. Humakbang palapit sa amin si Tito Hellion. “Leighton, hija.” “Pasensiya na po ulit, sir,” sabi ko at hindi ko na siya pinansin pa. Lumipat na kami sa kabila, kahit hindi man lang kumalma ang malakas na kabog sa aking dibdib. Nakahiga sa hospital bed si Noah. May sling din siya sa kanang kamay, iilan na pasa at sugat ang natamo. May bandaid din siya sa bandang kilay. Pilit na inaalo na niya si Tin, na lumakas lalo ang iyak. “Ang mommy ko! Ang mommy ko po nasaan, daddy?!” “Ssh, calm down, darling. Okay naman ang mommy mo,” aniya. “But where is she, dad?!” “Hindi mo yata love si daddy, ah. Inaaway mo na agad ako, tapos hahanapin mo ang mommy mo?” “Noah,” tawag ko sa kaniya, at sumenyas pa ako. Akala ko ay hindi niya ako mage-gets. Napatakip lang siya sa bibig at balak pa niya yatang buhatin ang anak. Sa huli ay napangiwi ito. “Are you okay po, dada? Nasaan po si momma?” kalmadong tanong ni Astrid, nakalapit na rin siya sa dada niya. Hinaplos pa nito ang sling na suot ni Noah. “I’m fine, darling. Mabuti ka pa, tinanong agad si daddy kung okay lang na ako,” pagpaparinig niya sa anak. “Dad!” “Ssh, may ibang pasyente rito, anak.” “Si mommy po, nasaan?! Ayaw ninyo po kasi sumagot, e!” Nagpapadyak na ito at kulang na lang ay kurutin ang mukha ng ama. Umupo ako sa stool at pinagmamasdan lang sila. “Tin, huwag mong sigawan ang daddy mo,” mahinahon na sabi ko. Tumingin ito sa akin, nag-sorry sa mababang tono. “Nasa kabila ang mom—Tin, wait!” Umalis ito sa gilid ng kama. Agad-agad na hinawi nito ang kurtina, maging sa kabila kaya makikita na naman namin ang pamilya ng mommy niya. Si Xanthe ay nagulat din nang mapatingin siya kay Tin. Napatayo ako. Hindi pa ito ang tamang oras para ipakilala niya ang anak niya sa mga magulang niya. At kahit naiintindihan siya nito ay alam kong masasaktan pa rin niya ang bata. Narinig ko ang paghawi ng kurtina sa likuran namin, pero hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin. Mas mahalaga sa akin ngayon si Ashtine. “Tin, anak,” tawag ko sa bata. Napahinto rin siya, natigil ang pag-iyak. Siguro napansin niya ang kasama ng mommy niya. Wala pa mang sinasabi si Xanthe ay sumisikip na ang dibdib ko. Alam ko, kaya niyang i-deny ang sarili niyang anak sa magulang niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม