Kabanata 5
I glanced at him with glaring eyes when I heard his words. Zairo rose his brow as he smirked playfully.
Rinig kong nagka-ingay ang grupo ng mga babae at bahagya kaming inaasar. Nilingon ko sila at tipid na ngumiti bago hinarap ko ulit si Zairo.
Nanatili ang matalim na tingin ko nang nakatutok na pala ang camera sa biglaang paglingon ko. He took a picture of my mad face in a sudden. Hindi nagbago ang expression ko kaya’t ngumisi siya.
“Shut your mouth.”
“Sungit mo naman, miss…” he laughed. “Let’s go.”
Tumango ako habang halos patayin siya sa tingin. Sumigaw ng paalam ‘yong mga babae kaya’t mabilis na nagbago ang expression ko nang nilingon sila.
I smiled and waved back before walking away and following Zairo. hindi ko man lang nalaman ang mga pangalan nila pero mukhang mababait lalo’t magaan ang loob ko.
The tall sunflowers boughed to the wind in the midst of cool breeze of cloudy day. Ang ilang hibla ng kayumanggi kong buhok ay nakikisayaw sa medyo mahanging paligid.
“Just look directly to my camera,” Zairo stopped and turned to me.
Nilingon ko ang mga mata sa hinintuan namin. Mas mababa sa mga naunang nadaanan namin ang mga sunflower dito. Halos kapareho ko lang ng taas o ‘di kaya’y mas mababa sa akin kaunti.
“Stand beside the sunflower and just let your hair against the wind. Don’t try to fix it.”
“Should I smile or whatever expression?”
He suddenly stared at my face, observing it quietly. Tumaas ang kilay ko kasabay ng pagkunot noo nang tumatagal ang pagtitig niya.
“Hmm… don’t bother, just rest your face.”
Agad akong tumango roon bago pumwesto nang masimulan niya na. Kalmado at direkta akong nakatitig sa camera niya. Sanay na ako sa mga ganitong eksena kaya’t kahit gaano ka-iritado ay kaya kong maging professional.
Mabilis kong nababago ang expression ko lalo sa mga ganitong bagay. I can also easily adjust and blend with the people. Likewise to my actions earlier to the group of girls.
“Tilt your face a bit to the flower and still eyes on me.”
I quickly followed his instruction. He’s probably taking close up photos since I’m just wearing our school uniform. Hindi babagay sa background ko.
I heard continuous shots as my hair danced freely against the wind. Zairo adjusted himself to get the perfect angle for the shot he desire.
“Look away from camera then to sunflower.”
We continued doing it like professionals. Walang naging pang-aasar na abala kagaya kanina lalo’t seryoso rin siya sa pagkuha ng litrato.
Tuloy-tuloy ang kuha ni Zairo at instruction sa akin. May iilang tumitingin sa direksyon naming at mukhang nanonood dahil nalilibang.
“Okay, it’s done!” Zairo smirked while taking a look with the pictures.
Hinayaan ko lang siya at hindi sumilip doon. Nag-angat siya sa akin ng tingin at parang nag-aalok na tingnan ko iyon.
Umiling ako at sinenyasan siya. Sanay din ako na ganito kahit sa part-time modeling pictorials.
“Ikaw na lang, ganoon pa rin naman ‘yong mukha ko sa picture.”
“Yeah, maganda pa rin…” he said, smiling while staring at the camera.
My brows furrowed, looking at his direction. He was busy taking a look with his shots. My glance pulled away to divert my attention.
Inilibot ko ang tingin nang malibang saglit ang sarili habang nagche-check siya ng kuha. Baka kung ano pang isipin nito kapag nahuli akong nakatingin.
Also, I don’t want him to assume that I was affected with his words. It will be a satisfaction to him knowing that he’s a playboy.
“Let’s go now to the small cliff,” he smiled again.
Blangko lang ang mukha ko nang tumango. Medyo binagalan niya ang lakad sa pagkakataong ito kaya’t nagkasabay kami. Hindi naman pwedeng paunahin ko siya or bagalan ko rin lalo’t hindi naman dapat big deal iyon. Tss.
Medyo nagiging kahel na rin ang langit ngayon kahit hindi maaraw kanina. It’s quarter to five in the afternoon so it’s getting a bit dark than the mood earlier.
“We will wait a bit, there’s more than this…”
Nilingon ko si Zairo sa gilid ng marinig siyang magsalita. Itinuro niya ang langit habang nakatitig sa direksyon ko. Kalmado akong tumango roon at sinenyasan siyang ayos lang kahit kating-kati na akong maka-uwi. Tss.
Mas kaunti na rin ang tao lalo’t msalapit nang gumabi. May ilan kaming nakakasalubong na paalis na galling doon sa maliit na cliff sa dulo. Mas maganda ang view doon dahil kita ang malawak na bukid at extended na farm ng mga sunflower mula sa taas.
There’s also a fishpond here inside the Sunflower Garden. Sa gitna iyon ng mga iba’t-ibang gulay o halaman pang nakatanim bukod sa mga sunflower.
Dumaan kami sa isang parang hallway or tunnel na ang gilid ay mataas na mga bulaklak. Ang bubong noon ay dahon at vines na nakakapit sa screen kaya’t medyo dumilim.
Halos matigilan ako sa ganda nang makalabas kami mula sa kulob na dinaanan kanina. Ilang beses na akong nakakabalik dito pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda ng lugar.
“It’s so relaxing…” Zairo took his camera to capture the great scenery.
“Yeah…”
“Hold on, I’ll take some shots of the landscape. Hindi pa rin naman ganoon kadilim.”
Tumango lang ako at sinenyasan siya dahil mukhang nagpapaalam ito. Iginala ko ang mata sa nakamamanghang view ng paligid ko.
The sky is dappled by the flourish of orange and gold clouds. Under the sky and its gradient color, is a mixed of the wide green scenery and the bunch of sunflower.
Nakikisayaw ang mga damo at bulaklak sa simoy ng hangin. The different smell of plants and the flowers in the midst of cold afternoon breeze relaxed my system. Nakakawala ng pagod mula sa buong araw na klase kanina.
Parang gusto ko nang araw-araw bumalik dito sa tuwing pagkatapos ng nakapapagod na araw. My mind had the peaceful and satisfying rest now.
“Let’s go there…” Zairo remarked.
He pointed the long bench but it was empty. Walang ibang taong nakaupo lalo’t bilang na lang din ang mga taong narito. I nodded silently and followed him.
“Start na ba?”
Nilingon niya ako at sandaling tumitig bago nagbigay ng isang tango.
“Yeah, the sky is more colorful now than earlier…”
We continued walking towards the long bench. Limang ganoon ang nasa paligid pero isa lang ang ukupado ng grupo na ka-edaran lang din namin.
“Sit there and look at the right side. I’ll capture your shadow in side view.”
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya nang matapos na agad kami. We should finish the silhouette shots he wanted so I can finally go home but the view here is really relaxing. I can’t feel my tiredness right now.
Pumwesto siya sa likod ko para sa anggulo. Napatitig pa ako sandali sa harap dahil hindi maalis ang mga mata sa rosas at gintong langit.
I looked away and tilted my head to right side.
“Lift your chin a bit and look up a little…”
I did what he said to blend with the background and his angle.
“Perfect…” he whispered as I heard the continuous click.
I easily stayed with that position while he was busy taking pictures with the great lightning.
“Now, look at me…”
My hair was blown by the cold breeze. Tumitig ako ulit ng matagal sa direksyon niya.
Nagpatuloy pa ang pagkuha niya ng litrato. I’m not sure if it’s all silhouette shots. Pinanood kami ng grupong nakaupo sa isang bench. Halos mga lalaki lang iyon.
I was sitting with my arms rested in the backrest. Direktang nakaharap din ako sa direksyon ni Zairo kaya’t ang makulay na langit ay hindi gaanong highlighted dahil sa akin ang focus ng camera.
“Ate, crush ka raw nito!”
Mula iyon sa grupong nanonood sa amin kanina at ngayon at napadaan a direksyon namin dahil paalis na. Hindi ko sila nilingon at nanatili ang titig sa camera ni Zairo.
Zairo on the other hand get distracted. Ibinaba niya ang camera at napatingin sa direksyon ng grupo. Nagka-ingay ang mga lalaki bago nagmamadaling umalis nang nakitang nilingon sila ni Zairo.
Maybe they assumed that he was related to me. I simply rolled my eyes without moving even a bit. Paglingon pabalik ni Zairo ay mabilis na nagtagpo ang mga mata namin.
“Ituloy mo na ang pagkuha, lalong tumatagal.
“Huh? Uh, yeah…” he nodded and diverted his attention to the camera.
Ilang kuha pa ang ginawa niya bago ito sumenyas na tapos na. He was looking again to the pictures so I turned my back. My eyes glittered in amusement when I saw the gradient color of the sky. It’s more brilliant now.
He graffitied the sky with magical colors. The rose and gold blanket stretches amidst the afternoon sky. It set the clouds in a flourish fire.
Zairo sat beside me while viewing the pictures.
“You won’t take a look again?” Zairo slowly asked.
My narrowed a bit while looking at his camera.
“Can I see some shots with the sky?”
He smirked and nodded. He lent the camera but he didn’t let it go. Hawak niya pa rin iyon kaya’t sumilip na lang ako.
Agad akong namangha sa mga kuha niyang litrato. It seems like he’s already professional. I gaped while staring each picture he captured.
“Hoy bakla! Omg nandito pala kayo!”
“Omg sinetch itey? Ang boylet ba? Ay papi Zairo!”
Nanlaki ang mata ko at agad napalayo ng distansya mula kay Zairo. Nilingon ko kung saan iyon nanggaling at bumungad ang dalawa kong kaibigan.
“Uy kayo ha… Ano ‘to date? Tanya pinagpalit mo na ako?” asar ni Kaz sabay halakhak.
Malisyosa ang tingin sa amin ni Kaz kaya’t inirapan ko lang siya. Tinawanan niya ako habang nakaduro pa.
“Shut up, Kaz.”
“Akala ko ba nasa pictorial ka raw? Ikaw ha natututo ka na tumakas…” dagdag niya pa.
Zairo also laughed with them. My brows furrowed irritatedly as I glanced at Aldrin. Nabanggit ko ‘yon sa kaniya ah? Or sadyang nang-aasar lang sila ni Kaz?
“Ah ‘yong pictorial ba, baks? Nakalimutan ko banggitin na ‘yong kay Zairo pala ‘yon,” humalakhak si Aldrin.
Sabay pa silang halos mamatay katatawa at nag-apir pa sa harap ko para mamikon. Matalim ko silang tiningnan.
“Akala ko si Zairo na mysterious boylet mo eh,” gatong pa ni Kaz..
“Tapos na ba kayo, baks? Papi Zairo?”
Zairo nodded at them.
“Pauwi na rin, bakit pala kayo nagawi rin dito?” sagot ko.
Hindi na sila naka-uniform kaya’t siguradong nakauwi na sa bahay.
“May pinabigay si Tita roon sa office ng farm. Dito work niya dati.”
Tumango ako kay Aldrin nang marinig iyon. Tuluyan silang lumapit sa gawi namin.
“Maya-maya na kayo umuwi, kararating lang namin ni bakla,” si Kaz.
“Oo nga ang ganda pa naman ng view now!”
Nag-apir pa silang dalawa kaya’t tumango na lang ako.
“Okay, sa inyo na rin ako sasabay pauwi.”
Tumango lang sa akin ang dalawa dahil abala na ang mga mata sa tanawin. Nilingon ako ni Zairo na parang sinisilip ang reaksyon pero hindi ko ‘yon binigyang pansin.
“True, ang ganda. Kuhaan mo picture, baks!”
“Ang ganda ng langit ‘no?” untag ko kaya’t lumingon sila sabay tango. “Hindi kayo mapupunta diyan.”
“Weh, sama mo namaan Tanya girl…”
Pabirong umirap si Kaz kaya’t natawa ako dahil hindi niya naman iyon ginagawa. Sinalag ko ang hampas sa akin ni Aldrin.
“Zairo, pahiram kami camera. Kuhaan ko raw si Aldrin ng picture sabi niya.”
“Hoy baklang ‘to wala akong sinasabi-“
“No problem, it’s okay,” Zairo smiled
Pinigilan kong matawa sa kalokohan ni Kaz. Gusto rin naman ni Aldrin kaya’t hinayaan niya na. lumayo sila sa amin dahil nagstart na kuhaan ng litrato ang isa’t-isa.
Tinanaw ko silang nagkakatuwaan kaya’t hindi maiwasang mapangiti. Hindi ganoon kadilim kaya’t sinusulit na nila ang mga bulaklak.
“You don’t have a boyfriend, right?” Zairo suddenly asked, sitting beside me.
Nagkibit-balikat lang ako habang ang mata ay na kila Kaz o ‘di kaya’y nasa langit.
“Kung meron, hindi ‘yon matutuwa na ganiyan ang sagot mo…”
My brows rose quickly as I took a sight of him. He’s smirking mockingly. At galing pa talaga sa kaniya?
“Pwede ring sa’yo hindi matuwa.”
He shifted on his seat before chuckling playfully. Napalingon ako roon pero agad ding iniwas ang tingin.
“I don’t know which is the most beautiful right now… the sky, the sunflowers or you, Arthana…”
I smirked sarcastically before looking at him. He was pursing his lips, trying to hold a smile.
“Flirty words don’t do.”
“Why? Hindi ba matutuwa si Alexia?” he burst into laughter.
Dali-dali akong napalingon sa kaniya nang marinig iyon. Umirap ako nang matantong alam niya naman pala.
“I saw the same motorcycle and helmet with the Levesque.”
“Hindi ko tinanong.”
I shut my eyes in irritation when he laughed again. I tried to hold my curse.