Kabanata 4

3235 คำ
Kabanata 4 “Si Tanya ay isang malaking traydor!” “Huli kita, bakla ka! Dami-daming pogi sa Kalasag umabot ka pa talaga sa English category?” gatong ni Aldrin kay Kaz. “Puro Filipino category kaya kaming mga kaibigan mo,” dramatikong dagdag ni Jethro. Nilingon nila si Alexia nang palapit na sabay kaway sa kapatid niya at ng kaibigan nito. Agad ding bumalik ang atensyon nila sa akin na parang may kailangan akong ipaliwanag. “Boyfriend ni Tanya ‘yon, Zairo?” pang-uusisa pa ni Kaz. Zairo shrugged his shoulders calmly. He took a quick glance on me before answering my friend. “Maybe?” Agad na tumalim ang tingin ko sa kaniya. Wala pang Segundo ay nalipat na rin ang tingin sa akin nila Kaz. “Hindi ko kilala ‘yon, nag-interview lang para sa English school paper.” Tumaas ang kilay nila Aldrin na mukhang hindi naniniwala. Malisyoso pang ngumisi si Jethro kaya’t inirapan ko na lang sila. “True ba? Kasi matalino si boy mukhang bet mo eh?” asar ni Aldrin na sinabayan pa ng sundot. “Baka ikaw bakla ka!” humalakhak si Kaz at dinuro si Aldrin. I smirked and nodded to agree with her. “Chinito pa, tirador ka pa naman ng singkit, Aldrin.” Natigilan si Aldrin bago nakisabay sa tawanan. Napalingon ako sa direksyon ni Zairo nang bahagya siyang tumango. I rose my brow when he looked back. “Oo na mga teh, magiging boylet ko ‘yon ano! Kaya ikaw, Tanya, alam mo na ha. Masyado ka na maganda para sa kaniya,” ngumisi si Aldrin. Ngumiti ako at tumango nang matigil na ang asaran nila. “Kunwari pa si bakla, siya pala may bet,” asar ni Kaz. “Malala ka pa sa sobra,” si Jethro at humalakhak. “Uuwi pa ba tayo or maghaharutan pa kayo?” Tinuro ni Kaz sina Thalia na papunta pa lang sa direksyon namin. Nabaling ang atensyon ng mga kaibigan ko kay Zairo nang sumenyas ito. “Ingat ka papi,” ani Aldrin sabay irit. Zairo smirked at him before looking at me. He mouthed the word “tomorrow” as he winked and turned his back. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa gesture niya kaya’t agad na sinilip ang mga kaibigan. Maluwag akong nakahinga nang makitang abala sila at hindi nakatingin sa direksyon ni Zairo. Medyo malayo na ang distansya niya nang lumingon ulit ‘to pabalik. Tumaas ang kilay ko bago hinarap ang mga kaibigan, sabay kami tumalikod sa direksyon ng isa’t isa. “Let’s go!” Thalia smiled. “Pakatagal mong bakla ka,” si Aldrin sabay hampas. Tumango ako sa kanila at sumabay ng lakad. Napapalingon sa amin ang mga nadaraanang estudyante kahit na hindi kakilala. May ilan ding bumabati lalo kay Thalia na parang konsehala rito sa dami ng kakilala. “Ate crush ka raw nito! Witwew!” Kumunot ang noo ko nang kalabitin ako ng isang estudyanteng mukhang bata pa. Agad akong nakaramdam ng iritasyon dahil hindi na bago sa akin ang mga ganitong trip. Napahinto kami nila Heira dahil doon. “Luh ‘tong batang ‘to tuli ka na ba?” untag ni Kaz at hinarap ‘yon. Gumatong ng halakhak sina Aldrin. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin din ang kulay ng ID lace ng lalaki at ng mga kasama niya. “Mga grade 7 lang kayo ah? Bakit nandito pa kayo, kaninang tanghali pa ang uwian niyo?” strikta kong tanong. Hindi sila sumagot at nagtingin pa habang nagpipigil ng tawa. Buti na lang mahaba ang pasensya ko at nakakapagpigil pagdating sa mga ganito. “Anong mga pangalan niyo?” malamig ang boses ni Alexia. Natigilan sila nang marinig iyon bago marahang nilingon ang direksyon ni Alexia. Gumuhit sa mga mata nila ang kaba dahil direktang nakatitig sa kanila si Lexi at walang ekspresyon. Nagtawanan sila Kaz nang agad tumakbo paalis ang mga junior na hindi sinasagot ang tanong ni Lexi. “Ikaw naman, Levesque, nananakot ka ng mga bata!” humalakhak si Jethro. Lexi glanced at Jethro a bit perplexed. She shrugged calmly before checking me. “I was just asking.” “’Tong mga grade 7 na ‘to ang lalakas talaga ng loob ‘no,” nailing na untag ni Thalia. “Ang aasim naman, hay nako,” tumawa si Kaz. “Si Tanya pa talaga napili nila, pwede namang si Aldrin.” Agad na tumaas ang kilay ng kaibigan ko. Tumawa ako roon habang inaasar nila si Aldrin at sabay na naglakad ulit palabras ng school. “Oo nga, choosy kasi ako, baks,” gatong ko kay Kaz. Umirap si Aldrin at umamba sa amin ng hampas. “Mga baklang ‘to! Duh, akala niyo sa akin walang standard?” “Medyo.” Ang ilan ay napapatingin sa direksyon naming lalo sa naging tawanan nang maasar si Aldrin. Umirap siya bago nakalolokong ngumisi sa amin. “Sabagay, nagtaka rin ako na si Tanya trip nila eh ako naman ang pinakamaganda rito duh,” banat ni Aldrin sabay nagflip hair. “Shabu reveal po,” ani Jethro. “Oo baks, tapos ako ang pinakapogi,” kumindat si Kaz. Napalingon sa kaniya pareho sina Von at Jethro na parang offended. I shut my mouth to contain my laughter. “Isa pa ‘to, ano tingin mo sa akin?” kontra ni Jethro. “Mas marami at maganda mga chix ni Kaz kaysa sa’yo, Jethro,” I smirked mockingly. “Yeah, daig pa kami. Babaera ‘yan e,” si Von at napailing. “’Tong mga baklang ‘to!” si Thalia at humalakhak. Natawa kami at napailing sa isa’t-isa dahil sa mga kalokohan. Kaz can literally be beautiful at the same time handsome. She’s a bisexual and she got some boyish vibes and pretty face. Puro babae ang naging past relationship niya but still attracted to men. “Alam niyo bang ang dami kong chix na nabubulilyaso dahil sa inyo?” sarkastikong ngumiti si Kaz. “Bakit? Baka mahina ka lang,” panghahamon ni Thalia. I looked at her actions. Minsan nagdududa na rin ako sila kay Thalia lalo sina Kaz. Wala namang mali maging part ng community. I actually stand with them fighting for their basic rights against discrimination. Especially, two of my friends are part of l***q, Kaz and Aldrin. “Tanga, gaganda niyo kasi. Nahihiya sila, hays.” Ngumiwi ako nang mapatingin kay Kaz. Tumango pa siya roon na kinukumbinsi kaming maniwala. “May need ka ba sa amin,” Heira smiled sarcastically. “Hala, totoo nga. Mukha ba ‘kong joke sa inyo?” “Oo, para kang kalokohan palagi,” si Jethro at humalakhak. Kaz gave him a middle finger. Agad ko siyang sinaway sabay napalibot ng tingin sa paligid dahil baka may makakita or huli na namang teacher sa amin. “Kundi ko nga lang kayo kaibigan baka inisa-isa ko na kayo,” nakangising ani Kaz. “Hindi tayo talo ‘no!” “Hindi tayo talo bakla ka!” Natawa ako sa sabay na tugon ni Jethro at Aldrin. Nandidiri silang tiningnan ni Kaz. “As if naman na papatulan ko kayo?” ngumisi si Kaz. “’Di ba ‘no Tanya?” “Ha bakit ako, crush mo ba ‘ko?” bawing asar ko sa kaniya. Umaktong kunwari ay nahihiya si Kaz at may patakip pa ng bibig. I shook my head as I burst into laughter. “Huwag kang gan’yan, Tanya. Marupok pa naman ang kabaklaan ko…” “Ay tuhog ‘to,” si Jethro sabay halakhak. We laughed again while others were teasing her. Nag-apir kami ni Kaz sa kalokohan niya. Normal lang naman ang asaran sa aming ganoon, purong biruan lang. Nagpaalam na kami sa isa’t-isa nang makalabas ng gate ng school dahil magkaibang daan na ang pupuntahan. Magkasunod kaming naglakad ni Heira sa gilid dahil crowded ang daan lalo’t uwian na. Sa harap ng ministop naka-park lagi ang sundo niya na hindi rin naman ganoon kalayo sa GNHS. “May dapat kang ikwento sa akin,” Heira smirked sarcastically. Agad akong ngumiti at tumango. Pinigilan kong matawa nang umirap siya. Sanay na ako sa masungit at mataray na nature ni Heira. Nasa ang lugar naman ang pagtataray niya kaya’t natatawa ako. I pursed my lips to contain my laugh as I entered the van and sat beside her. “By the way, okay ka lang ba?” tanong ni Heira at pinasadahan ako ng tingin. “Ang feeling close ng mga junior na ‘yon.” She rolled her eyes again before I gave her a nod. “Ayo slang, marami naman akong na-encounter na ganoon nung simula pa lang ng SSG.” “Okay, wait kausap ko si Daddy. Later mo ikwento.” Nag-iwan pa siya ng matalim na tingin bago tuluyang hinarap ang cellphone. Nilibang ko lang ang sarili sa pagtingin sa labas dahil malapit na lang din naman ang condo. Gusto lang makasiguro ng Daddy ni Heira kaya’t hatid sundo pa. Ngunit medyo natagalan pa rin kami lalo’t traffic tuwing uwian dahil sa mga service at kumpol ng estudyante sa gilid ng kalsada. Nang makarating ay nagpahinga kami saglit ni Heira sa kani-kaniyang kwarto mula sa pagod ngayong buong araw. Sandali akong naupo sabay basa ng notes at lectures para makapagreview din saglit. Nang medyo nakapagpahinga ay sinimulan ko na gawin ang routine tuwing bago kami magdinner ni Heira. I started heating cooked and processed foods. Puro ganoon ang nasa refrigerator dahil marunong magluto si Heira. “What can I help?” bungad ni Heira pagpasok sa kusina. “Oh ang plates.” Ngumiti ako at tumango sa kaniya. “Malapit na rin ‘to, kumukulo na.” Tumango siya bago naupo sa mesa nang matapos mag-ayos. We started eating as she began to ask questions. “So may boyfriend ka na nga?” Tunog nagtatampo ang boses niya kaya’t natatawa akong umiling. Lalong sumama ang tingin ni Heira at dudang-duda. Uminom ako ng tubig bago tumugon sa kaniya. “Wala nga, akala lang ni Zairo meron. Tsaka for sure naman na kapag nagkaroon, ikaw unang makakaalam.” “Of course, ako talaga dapat,” she rolled her eyes. “But why? Bakit inakala niyang meron? Anong meron sa inyo?” Nabulunan ako sa sunod-sunod niyang tanong. Pinigilan kong matawa dahil laging ganito si Heira. Walang pinapalagpas tuwing may confrontation na nangyayari. “Walang kung ano sa amin.” “Really? Playboy pa naman ‘yon kahit tahimik lagi. Then bakit inakala?” Napailing pa si Heira bago ako tumango dahil sang-ayon sa sinabi niya. “Isa siya sa mga photographer sa last na raket ko a modeling-“ “Noong late ka na nakauwi?” Tumango ako kaya’t sumenyas siyang ituloy ko ang kwento. “Uh nag-alok siya para ihatid kasi gabi na raw pero tumanggi ako-“ “Oh…” ngumisi si Heira at may pagtaas pa ng kilay. Matalim ko siyang tiningnan dahil pinutol ako ulit sa kwento at sabay na nang-aasar ang tingin pati expression. She shut her mouth and gestured me to continue. “Tumanggi ako kaya sumama siyang maghintay doon sa kanto. Dumating si Alexia noon kasi sinundo ako. Akala niya boyfriend ko dahil nakahelmet si Lexi noon at leather jacket so hindi niya nakilala.” “Oh, okay…” Heira smirked. “Ang pretty mo kasi.” “Huh?” “Kapag talaga magaling sa acads, stupid sa ganito.” Kumunot ang noo ko kasabay na nagsalubong ang kilay. Masama ko siyang tiningnan kaya’t tuluyan siyang tumawa. “Wala lang ‘yon, lalo’t may atraso ako ro’n.” “That’s more suspicious. Ikaw may atraso pero pati ‘yong deal niyo ay dapat convenient for you!” I shrugged as she continued mocking me. “Well, nasabi mo na rin naman kanina.” “What?” “Eh kasi playboy.” Sabay kaming natawa at nag-apir. Napailing ako bago namin itinuloy ang pagkain. Nang matapos ay sabay kaming nag-aral ni Heira sa sala gaya ng naging gawain madalas noon. There’s nothing special happened the next day. Back to normal dahil walang naging meeting or event. Tuloy-tuloy ang naging klase buong araw kaya’t naging abala kaming lahat. It’s a calm reflective mood for the whole day. It’s cloudy so our surrounding was soft filtered light. The congregation of clouds are in a deeper graphite tone like the rain is approaching. But it didn’t came, it’s just the sun that didn’t show up. I took my phone when I felt the vibration inside of my pocket. Zairo: No extended class hours? Or overtime for group works? Arthana: Yes, it’s my free time. Ibinaba ko ang cellphone sa table para ayusin na ang gamit dahil uwian na. “Tanya, may meeting ba kayo sa group or baba na tayo?” aya ni Aldrin. Sumenyas akong sandali lang dahil katatapos lang magligpit. I took my phone again to look for his reply. Zairo: Okay, I’ll drive for the place. I’ll wait you near the Computer Lab building. “Ah, baks, hindi muna ako sasabay kasi may pictorial na sinasabi si Zairo. Pasabi na lang kila Heira.” Nagtagal ang tingin sa akin ni Aldrin bago marahang tumango. Sila Heira pa naman ang huling lumalabas sa amin dahil strict ang subject teacher nila na naka-schedule na last subject. “Okay, mauuna ka na? Ingat ka, bakla!” “Yeah, bye ingat din kayo!” Malapit sa gate at parking ang building ng Com Lab kaya mukhang naroon na ang sundo ni Zairo. Wala siyang sinabi sa akin na magpalit ng damit. Or ‘di kaya ay exact type ng theme para sa pictorial na gusto niya kaya wala akong dalang kahit ano. Zairo had a tall height so I easily spot him standing beside a black sedan. I can still feel the strange aura he possess even from a distance. He’s silently looking around with his dark and taunting eyes. I didn’t look away when he found my direction. He shifted on his stance without taking his eyes off me. I swallowed when I felt a lump on my throat because of the way he stare, it’s dangerous. “Saan ba ang place?” bungad na tanong ko nang makalapit. Bahagya akong tumingala para makita ang mukha niya sa kabila ng mataas ko ring height. Tss. “Hey, sa Sunflower Farm.” He smirked as he opened the door for me. Tumango ako bago pumasok sa loob. Akala ko ay may sundo siya gaya ni Heira pero mukhang siya mismo ang magmamaneho. “You join competition aside pageants?” Nilingon ko siya saglit sa biglang tanong niya. Tumango ako at itinuon ulit ang atensyon sa labas. Medyo matagal kaming nakalabas sa mismong school dahil naglalabasan ang mga estudyante sa gate. “Anong contest? Academic?” “Math Competitions.” “Oh…” he slowly nodded. “Bakit mo naitatanong?” I looked at him perplexedly. “I just thought about the training schedule. Kung magkakasabay ang iyo at akin a journalism, just inform me.” “Okay, wala pang nababanggit na schedule ang coach ko.” “Alright, ‘cause I’ll need you in my training…” Tango nga lang ang tinugon ko sa kaniya at hindi na siya tinapunan pa ng tingin. Malapit lang naman ang Liwasang Pangkalikasan kung saan ang Sunflower Farm dito tsaka mabilis ang pagmamaneho ni Zairo kaya’t agad kaming nakarating. “Anong klaseng pictorial ba ang gagawin?” tanong ko pagkababa namin. Inilibot ko ang tingin sa farm. It’s so relaxing in my sight especially in a cool and cloudy mood of the day. He took his camera from the backseat before turning to me. “Still thinking. It depends of the sky’s color later.” “Huh?” He smirked without looking away. He gestured me to follow him. May iilang pumapasyal din na nalilingon sa gawi namin. A group of girls same in our age were loud and enjoying the view. Natahimik sila nang mapadaan kami ni Zairo malapit sa kung nasaan sila. Medyo nakaramdam ako ng ilang dahil nakasunod ang tingin nila at nakatitig. They aren’t familiar to me so maybe a group of tourist from different place. I smiled to a girl who suddenly greeted me with a shy smirk. Ang iba naman sa kanila ay kay Zairo nakasunod ang mga mata ngunit halatang wala pakialam dahil diretso lang siyang naglalakad. “We can walk around first here if you like to enjoy the view,” Zairo remarked and stopped walking. “Bakit?” “I wanted to take silhouette pictures. Sa bandang dulo nitong farm dahil doon kita ang langit or sunset kaso maulap ngayon.” “So hindi pa sisimulan? Okay…” “Yeah, I’ll also take some pictures of the flowers while waiting. Mamaya pa kasi plain pa ang kulay ng langit ngayon.” Tumango ako at inilibot ang tingin sa lugar. He started taking pictures around. “And don’t mind me if you see the camera in your direction. I wanted to take some candid pictures.” “No problem.” Naglakad-lakad ako para maigala ang paningin sa mga bulaklak. I took my phone to take some pictures of flowers. The Sunflowers lined up in the sides of hallway. I had the height taller than a person. Everyone in the farm were amazed by those tall and gigantic flowers. The golden yellow petals of growing tall sunflowers highlighted the dun-colored mood of the day. It’s so satisfying in eyes. The chorus of brilliant bloom of lit up the environment . “Hi…” one of the girls earlier approached me shyly. “C-can we take some stolen pictures of you? You’re so beautiful.” Nakangiti rin ang dalawa pa niyang kasama na lumapit sa akin. Ngumiti ako pabalik bago tumango at halos matigilan sila roon. “Uh salamat, kayo rin,” I smiled. “And okay lang naman, no problem.” Halos malaglag ang panga nila nang marinig akong magsalita. Ngumiti lang ako ulit sa kabila ng pagtataka. “Oh my gosh…” Nagkatinginan silang tatlo habang nahihiyang tumingin sa akin. Tiningnan ko sila na nagtatanong ang mga mata. “Nagtatagalog po kayo? Omg, akala namin ay foreigner kayo kaya napa-english kami bigla!” Natawa rin ako sa narinig lalo’t nagsikuhan pa sila. I saw in my peripheral vision that Zairo took some pictures in our angle so I didn’t look at him. “Sobrang eye-catching niyo lalo ng kulay ng mata niyo…” Bahagya akong natigilan doon dahil iyon na naman ang napansin sa akin. Agad kong itinago ang naramdaman at ngumiti na lang ulit. Mabuti na lang at kahit papaano ay sanay na ako dahil iyon lagi ang napupuna sa akin. I thanked them as they took some pictures of while I’m walking around. Napapansin ko rin ulit ang camera ni Zairo sa direksyon ko. Parang may nanonood sa bawat galaw ko. Walang kaso sa akin dahil sanay naman ako mula pa sa pagmo-model. “Arthana, I’ll take some pictures of you beside the flower.” Ang grupo ng mga babae kanina sa hindi kalayuan ay napatingin din sa direksyon namin. Tumango ako at lumapit kay Zairo. “Omg, bagay po kayo!” sigaw kanina nung nakausap ko. I silently cursed because it seems like I know what they assumed between us. Nilingon ko si Zairo at naabutan siyang ngumiti sa mga babae. “Yeah, I know. Thanks.”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม