Kabanata 2

2713 คำ
"Let's go, Tanya." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Sasama ka talaga?" "Of course, para mapaalam ko rin ng personal kay Tita," she nodded. "Kasi..." "No worries," she said in a bossy tone. Nagkibit balikat ako at tumango. I stood and followed her outside the condo. Ihahatid kami ng driver niya kaya mas makatitipid ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang babayaran pa na libo. Pero hindi ko maiwasang mapaisip tungkol sa kapalit noon. I lifted my chin. It's okay, Tanya. You are a model. You're used to this. "Kuya pakidaanan ang subdivision nila Kaz." Napalingon agad ako kay Heira. My questioning eyes darted to her. "Sasama rin siya?" "Yes, she texted me." I nodded before leaning back. I transfixed my sight outside the car. Nadaan namin ang foodpark na kinainan kanina. Hindi namin kasama sila Von doon pero habang papunta ay nakasalubong sina Avior dahil sa maliit na gulo. "Tagal niyo naman, parang hindi ko kayo binabayaran ha?" biro ni Kaz at pumasok sa kotse. "Oh shut up, Kaz," Heira leered. Natawa ako napailing sa kaniya. Medyo madilim na sa labas dahil gabi na rin kami nakauwi. "Buti pinayagan ka? O tumakas ka?" I raised my brow to her. "Ayoko sa bahay," Kaz shrugged. "Naiirita lang ako roon." "Why?" Heira asked. "Wala lang, naiirita lang ako." Nagkatinginan kami ni Tanya sa sagot ni Kaz. I shrugged and didn't mind it. I shifted on my seat when we entered the street of our house. Sa kabilang bayan pa ito ng Gorostiza. Halos malapit na rin ang kila Heira. Agad na dumapo ang mga mata ng mga kapitbahay namin sa nga kasama ko. Pamilyar na sila sa akin dito. I turned my back when we heard a phone ringing. "I'll just take this call. You guys can go first," Heira spat. "Sige, sa pang-apat na gate ha." Tanaw ko mula sa kinatatayuan ang bahay. Dalawang palapag iyon at sakto lang ang laki. Kwarto lang siguro iyon kumpara sa mansion nila Lexi o Heira. Ibinigay iyon ng tatay ko kay Mama dati at sa akin nakapangalan ang titulo. It was a simple house. Nothing special aside from it's given by my great father. I sarcastically shook my head. "Mata, pakilala mo naman ako!" sigaw ng isang tambay. Agad siyang tiningnan mula ulo hanggang paa ni Kaz nang lumapit 'to. Nahinto kami sa paglalakad dahil sa lalaking iyon. "Mas matangkad pa nga ako sayo, tabi," iritadong ani Kaz. I pursed my lips to hold a laugh. Nagkamot ng ulo ang lalaking iyon. Hinila ko na si Kaz para makapasok na sa bahay. "Mata?" Kaz turned to me wondering. I pointed my eyes with unsual color. Our neighborhood calls me 'Mata'. I didn't even know when it started. Basta bata palang ay binansag na iyon sa akin. I frowned in annoyance. It's weird and offending to me since I really hated being called when it's related with my eyes. Pero binalewala ko lang iyon lalo't nasanay na rin naman. "Hoy," pasimple akong siniko ni Kaz at bumulong. "Ang ganda nito ah." Nginuso niya ang kapitbahay namin. She's a childhood friend of mine and a real beauty. Kaya lang maagang napariwara dahil sa reyalidad. "Maganda rin 'yong anak niya sobra," I nodded. Namilog ang mga mata at bibig ni Kaz. "Pero ang bata niya pa?" Nagkibit-balikat ako at tumuloy sa harap ng bahay namin. Isang lalaki ang lumapit kay Kaz at mukhang kakilala niya yata. Sinenyasan niya akong mauna na sa loob. Maliit lang ang espasyo ng bahay mula sa gate kaya tanaw ko agad ang loob. Bukas ang tv pati ang pinto. Halos rinig ko ang ingay nila sa loob. "Oh, Mata, hindi mo sinabing uuwi ka pala," tumango sa akin si Gail, isa sa mga pinsan. Ngumiti ako sa kanila at ibinaba ang paperbag na dala. Agad nilang binuksan iyon at kinuha ang mga pagkain. "Buti naman at may dala ka," ani Krishna. Tinanguan ko lang ang mga pinsan, apat silang lahat at nakatira rito. Anak sila ni Tita Mads na pinatuloy ni Mama rito kasama si Lola. Isa lang ang kapatid ko at iba ang ama, kasama rin nila ngayon. "Nasaan si Mama?" Nilingon ko ang batang kapatid na nasa elementarya palang. "Sa lagi niyang pinupuntahan, ate." Marahan akong tumango at bumaling sa pinsan. Hindi nalalayo ang edad namin sa isa't isa. Ako na ang pinakamatanda sa kanila. Tutok na tutok sila sa tv habang nanonood ng basketball. "Nasaan pala si Lola? May dala ako para sa maintenance niya." Walang sumagot sa kanila dahil abala sa panonood. At siguro ay hindi rin alam ang isasagot. Binalewala ko iyon. "Nawalan ako ng isang trabaho. Nabalitaan niyo ba? Nag-viral ang tungkol sa modeling agency na pina... pasukan... ko..." unti-unting humina ang boses ko nang natantong walang nakikinig sa kinukwento ko. "Oy nagstart na pala," bungad ni Kaz pagpasok. Halos pasalamatan ko siya dahil hindi alam kung paano aalis sa sitwasyon kanina. Bumuntong-hininga ako. I nodded at Kaz and gestured her to sit. "Ano'ng team niyo?" pagkausap niya sa mga pinsan ko. "Lakers ako," sagot ni Angelo. "Tama 'yan!" "Wala luto naman. Madaya!" Nang makarating sa kusina ay dinig ko pa rin sila. Hindi na ako bago sa ganitong sitwasyon. Kung hindi sa school ay nasa trabaho ako. Kaya naging malayo ang loob ko sa mga pinsan. Hindi kami malapit sa isa't isa lalo't maraming pagkakaiba. Tumungo ako sa taas dahil hindi nakita roon si Lola. Siguradong si Tita ay nasa palengke at nagbabantay sa pwesto niya. I smiled a bit when I saw Lola sleeping peacefully. Inilagay ko ang sobrang pera sa bag niya na kaming dalawa lang ang nakakaalam bago tinungo ang dating kwarto. I started fixing my things, clothes, and school stuffs left here. Ipinagkasya ko iyon sa lumang maleta ni Mama. Mabilis lang ako natapos dahil ang ibang gamit ay naroon na rin sa condo ni Heira. Sinilip ko ulit si Lola na natutulog pa rin bago tuluyang bumaba. Nang makarating ay patuloy pa rin silang nanonood. "Alis na tayo?" agad na tanong ni Kaz bumaba ang tingin sa maleta. Sumilip ako sa labas nang marinig si Heira. Mabilis akong sumunod nang makita si Mama roon kasunod ni Tita. "Oh lalayas ka na?" bungad ni Mama na nakataas ang kilay. "Mas makakatipid po kasi, Ma," tumikhim ako. "Para hindi rin po ako mahirapan." "Mas mabuti nga." "Ate," suway ni Tita Mads bago bumaling sa akin. "Ingat ka, Tanya." Tumango ako at nilingon si Heira. Sinenyasan niya akong ayos na ang mga bagay. "Huwag kayo mag-alala, Ma. Magbibigay pa rin po ako ng pera rito sa bahay." "Ay dapat lang, utang na loob din! Hindi porke't lumayas ka na ay hindi ka na mag-aabot!" sarkastikong aniya. I slowly nodded on it. Natigilan ako nang maglahad siya ng kamay at nanghingi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil walang mai-aabot ngayon. "Asan na?" iritang tanong niya. "Sorry, Ma. Wala pa kasi akong-" "Sus kung makapagsalita kanina akala mo ang dami niyang pera. O baka naman nagdadamot ka lang?!" "Ah, Tita, magkano po ba ng kailangan niyo?" mahinahong tanong ni Heira, halatang nagpipigil. Agad kong hinawakan ang braso niyang dinukot na ang mamahaling wallet. Nilingon niya ako at sinenyasang okay lang. "Ano ka ba, Tanya? Masamang tumanggi!" pinanlakihan niya ako ng mata bago magiliw na bumaling kay Heira. "Ikaw bahala, hija." My eyes widened when Heira took thousand bills from her wallet. Hindi ko nabilang pero medyo makapal ang iniabot niya kay Mama. My mother's eyes were flickered with joy, counting the thick thousand bills on her hand. I let out a deep sigh. "Galante talaga boss Heira," bungad ni Kaz na kalalabas lang. "Salamat, hija," she smiled before looking at me. "Buti pa 'tong kaibigan mo. Ikaw wala kang kwenta. Tabi riyan!" Napagilid ako nang makabunggo kami ng balikat. Yumuko ako at malalim na huminga para pigilan ang emosyon. "Pagpasensyahan niyo na at nakainom..." bulong ni Tita Mads at mabilis na sumunod kay Mama. Tumango sina Kaz at Heira doon. "It's alright po," Heira spat. I swallowed hard. Sanay na ako sa mga lintaya niya tuwing umuuwi. Lasing man o hindi ay pareho lang ang mga lumalabas sa bibig niya. Siguradong inililigtas lang ako ni Tita sa kahihiyan dahil nakita iyon ng mga kaibigan ko. "Buti naman at aalis ka na, Tanya," ani Kaz at napailing nang makalabas kami ng gate. Agad siyang siniko ni Heira at tinitigan ng masama. Ngumiti ako kay Heira. "Hindi, ayos lang. Sanay na rin ako tuwing ganoon siya." "Mami-miss mo 'yan," asar ni Kaz at humalakhak. Napailing ako at natawa bago kami tuluyang bumalik sa sasakyan ni Heira. I'm used to my mother's cruel words. Bata palang ay sanay na ako. Kapag nangyayari iyon noon, nagpapaliwanag lagi si Lola. My father was the reason behind her whines. At siguradong nakikita niya rin ang ama ko sa akin, lalo sa itsura ko. I really hated my father for that. Ang perang ibinigay ni Heira ay siguradong sa pagsusugal niya na naman ilalaan. Iyon lagi ang pinaggagastahan niya. Mabilis kaming nakarating at nakauwi sa condo ni Heira nang matapos ihatid si Kaz. We rested our eyes from the tiring day for a sleep. Ang panibagong araw ay kaswal lang na lumipas. Kasabay kong pumasok si Heira. It was a normal day inside our room. Puro lang test dahil malapit na ng final examination. Ibinaba ko ang ballpen nang matapos ang exam sa General Mathematics. Napalingon ang mga kaklase ko nang marinig iyon. "Sana all," my seatmate mouthed. Bahagya kong nilingon si Vance sa likod at sumenyas. I started writing the answers behind his ID. Kinuha ko iyon kanina bago magsimula. Marahan ko iyong ibinaba sa lapag nang may lumapit na kaklase kay Ma'am Gracia at nagtanong. "ID mo nahulog," tumikhim ako. "Thanks," he winked and chuckled. I shrugged and leaned my back. Sanay na ako sa ganoon. I pursed my lips to hold laugh. I suddenly remember in junior high back then. Nasa gilid kaming lahat nila Kaz. Kani-kaniyang subject ang forte, then after we all passed the exam. Hindi nalang namin nagagawa dahil iba-iba na ang strand. I won't wash my hands when it comes to this dirty thing. Lahat naman ay ginagawa iyon, pautakan nalang kung mahuhuli. "May long test kayo sa Gen Math?" bungad agad ni Kaz nang makarating sa cafeteria. I smiled and nodded. "Grabe hulog ka ng langit," natatawang ani Thalia. "Buti nalang pareho tayo ng teacher." Ibinigay ko sa kanila ang scratch ng sinagutan kanina. "Picture-an niyo na." Habang ginagawa nila iyon ay kinuha ko ang cellphone nang maramdamang nagvibrate. Glenn: Tanya, may photoshoot dito sa branch ng kilalang clothing line sa St. Rosana. Gusto ka raw kuhain na model. I smiled and typed my reply. Agad akong sumang-ayon doon. Bago kami maghiwalay ng mga kaibigan ay nagpaalam na akong hindi sasabay. Kahit walang explanation ay alam na rin nila iyon. I took my phone when it vibrated again. I slowly walked upstairs. Unknown number: Free? -Zairo My eyes narrowed. Maybe he got my number from Jethro. Tss. Arthana: No, schedule it. I was saving his number when he replied immediately. Zairo: When are you free? Arthana: Maybe next day. I turned it to silent mode when our subject teacher arrived. Last na ang klase na iyon sa hapon. Nauna ulit ako sa paglabas ng Gorostiza. I rode a jeep going to the address Glenn texted me. It's an office of famous clothing line of my generation. Pamilyar na rin iyon sa akin. Ipinakilala ako ni Glenn sa mga tao roon. The manager wanted to hire me as their regular model. After reading the contract carefully, I signed. "Ayos, Tanya," kumindat si Glenn sa akin at ngumiti. "Paano pala ako nakilala?" "Hindi ko rin alam kung paano basta natanong lang ako dahil pareho tayo ng agency," Glenn shrugged. "Hindi na rin nakakagulat dahil kilala ka naman dito sa Gorostiza." I slowly nodded and stared at myself. Kakatapos lang fresh make up look dahil casual clothes palang naman ang isusuot para sa pictorial ngayon. I can vividly see my forest green eyes. I seems like I'm wearing a contact lens. "I'm excited for the dress and gown next week," they gay said and fixed my hair. My brows knitted. "My gowns din?" "Yes, dear. You will surely look like a goddess with those gowns kaya excited na ako!" Ngumiti lang ako bahagya roon at tumango. Mukhang siya na ang regular na make-up artist dito. "Punta na tayo sa kabilang kwarto dahil start na." Tumango ako at sumunod sa kaniya. Kasabay ko si Glenn at Migo na mga kasamahan na dati. My eyes widened when I saw Zairo holding a huge camera. I didn't expect him to be here. May isa pa siyang kasama at estudyante rin sa Gorostiza. His lips was in a grim line when he darted his gaze on me. Nagtagal ang mga mata niya sa akin bago bumaling sa kasama. "Bakit, Tanya?" tanong ni Migo. "Ah, wala." I swallowed hard and walked calmly. Binalewala ko lang ang presensya niya at nagfocus lalo't unang araw ko ngayon. Pinapunta kaming tatlo sa isang sofa. Sinunod namin ang gusto nilang pose at angle. I was sitting at the middle while leaning straightly. Sa arm rest nakaupo si Glenn at nakaharap sa kaliwa ko. Ganoon din si Migo pero sa gawi ko nakaharap habang nakatungtong ang braso sa backrest. I can feel Zairo's eyes but I'm avoiding his sight. I was busy looking around the new place for work. Tumikhim ako nang si Zairo ang kukuha sa unang shot namin. I stared on the camera as he positioned. Ganoon ang lagi kong ginagawa. Mabilis at ilang shot ang ginawa niya. His lips twitched as he stood straight and turned to a co-photographer. "Ulit, Zairo," umiling iyon. "You should focus," a staff spat. "I know. It's bad shot," he licked his lower lip. Muli siyang humarap sa amin. My brows rose when our eyes met. His dagger eyes stilled. "You," he pointed me. I gave him a death glare. Nagtatakang napabaling sina Glenn doon. Itinago ko ang iritasyon sa kaswal na mukha. "Huh?" "You stare at the camera too much, it's distracting." Matalim ko siyang tiningnan. Nagtawanan ang ilang staff habang malisyosa akong nilingon ni Glenn. Muntik ko nang masapo ang noo dahil doon. Tss. My new work smoothly passed even with Zairo's presence. Lahat ay abala dahil sa photoshoot na iyon at pabor din sa akin. May iilang usisa rin sina Glenn pero hindi natutuloy dahil busy ang lahat. Ginabi na kami nang matapos ang photoshoot na iyon. I read the messages on my phone while walking outside. Heira: Wala pa si Tanya rito. Thalia: It's late? Aldrin: May raket 'yan si bakla 'di ba. Kaz: Parang kahapon niyo lang naging kaibigan si Tanya ha? Jethro: Oo nga, hindi pa kayo sanay. Von: Pick her up. Napailing ako habang patuloy na binabasa iyon habang naghihintay ng masasakyan. Tanya: Pauwi na ako, naghihintay na ng jeep. Heira: s**t umuwi si Kuya ngayon sa San Jose. No one will pick you up. Tanya: Ayos lang. Lexi: Susunduin kita, hintayin mo ako. Hinayaan ko iyon at hinintay na si Lexi. She informed me that she'll use Leuxia's motor so I'm aware when she arrive here. "Arthana." Nilingon ko si Zairo nang tinawag ako. My brows furrowed. "You are going home? I'll give you a ride." "Hindi na," umiling ako. "Baka wala ka nang masakyan kasi gabi na." "May sundo ako." Bahagya siyang natigilan nang marinig iyon. His eyes narrowed. "Boyfriend?" his lips twitched. "You don't need to know." Ibinaling ko ulit ang tingin sa harap. Kumunot ang noo ko nang tumabi siya sa akin. Tumikhim ako nang tumagal siya. "Ano pang tinatayo mo rito?" iritang tanong ko. "Sasamahan kita maghintay, gabi na." Iniwas ko ang tingin at idinerekta ang titig sa harap. Mukhang hindi lang siya naniniwalang may sundo ako kaya't maghihintay din dito. I shifted on my stance when a familiar motorcycle parked in front of us. Alexia was wearing a leather jacket and helmet. She handed me a helmet too. Napalingon ako kay Zairo na halos malaglag ang panga habang nakatingin sa amin. "Boyfriend, really?" he mouthed to himself. Tss. He probably thought that Alexia was a boy because of her clothes. I smirked at him before wearing my helmet.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม