“FOR ME, going back to Manila or wherever is not a good idea, Kai,” sambit ni Briana nang magpaalam na ako sa kanyang babalik ng Manila. “I mean, you still have no idea who was behind everything! Napatay mo iyong nanay ng half-sister mo at nakakulong ang Cassandra na iyon, but the mastermind, wala ka pang alam kung sino.” May punto rin naman siya. Malaya pang nakakakilos ang nasa likod ng pagdakip sa akin at kahit sabihin nating may ilang pangalan akong maaaring pagsuspetiyahan, wala naman akong sapat na ebidensya para patunayan iyon. “Hmm, why not stay here!” Ngumiti si Briana at para bang may naisip siyang ideya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Stay here, Kai. I will train you. Work for me.” “Huh? Ano namang klaseng trabaho?” Gusto ko na ring umuwi sa Claveria. Baka n

