“KUNG maglandian parang end of the world na. Akala mo naman kung bagay sila, hindi naman. Hindi sila bagay, kasi nga hayop sila,” nagtatagis ang mga ngipin kong usal habang naglalakad. Nadadamay pati ang mga nananahimik na damong nadaraanan ko na wala namang kasalanan dahil sa gigil na aking nararamdaman. Pinagsisipa ko ang mga iyon hanggang sa parang taong nakalugmok na sa lupa. Kung nakakapagsalita nga lang siguro ang mga iyan, kanina pa nila ako minumura dahil sa ginagawa ko sa kanila. “Mga letse!” bulalas ko ngunit bigla akong napahinto nang may mapansing kakaiba. Napalinga-linga pa ako sa buong paligid dahil sa nakabibinging katahimikan. Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala ako naglalakad pero hindi ko pa nararating ang bukid na pupunt

