SUMISILIP na ang liwanag sa silangan nang mamataan ko si Jacob na naglalakad. Nakalagay ang magkabila niyang kamay sa bulsa ng kaniyang suot na cotton short habang humihikab-hikab pa. Magulo ang kaniyang buhok na halatang kababangon pa lang mula sa higaan. Pero hindi naman iyon nakabawas sa kaguwapuhang taglay niya. Parang nakadagdag pa nga iyon sa kapogihan niya, eh. Bakat na bakat rin ang mga umbok sa kaniyang tiyan sa suot niyang fitted na black sando. Kay lolo Danilo iyon. Payat si lolo kaya talagang magiging fitted sa kaniya ang mga damit nito. Wala sa sariling napahigop ako sa aking kape. Ganiyan ba naman kasi kakisig ang bubungad sa ’yo habang nagkakape, eh, ’di sulit na sulit na ang umaga. Busog na ang tiyan ko, busog pati na rin ang mata ko. “For sure, nilantakan ni Eliza kaga

