CHAPTER 2

1269 คำ
“UTANG na loob, umusad naman kayo!" untag ko sa mga nasa unahan habang nakadungaw ang aking ulo sa labas ng bintana ng aking kotse. Diniinan ko pa nang husto ang busina ng kotse na para bang matutulungan ako no’n para umusad ang traffic. Halos sambitin ko na lahat ng klase ng mura dahil sa sobrang inis. Ano bang klaseng traffic ang naririto sa Pilipinas at halos isang oras na ako rito sa daan, hindi pa ako nakakarating sa paroroonan ko?! Napakasuwerte naman talaga ng araw na 'to. Napahampas ako ng ilang beses sa manibela. Nagngingitngit ako sa sobrang inis. Kung kailan naman nagmamadali ay saka pa ako inabutan ng traffic. Pagkatapos kong mag-gate crash sa isang party na ang akala ko'y engagement party ng damuhong ex ko, ngayon naman, naipit ako sa traffic na 'to. Gusto ko talagang sipain ang sarili ko dahil sa nangyari kanina. Sobrang kahihiyan ang inabot ko sa party na 'yon. Sana lang hindi makarating kina Lolo at Mommy ang ginawa ko, dahil kapag nalaman nila, paniguradong mababasag na naman ang eardrums ko. Parang machine gun pa naman ang bibig ng mga 'yon kapag nagsimulang tumalak. Walang katapusang sermon at pati mga nakaraang mga kasalanan ko hinahalungkat pa. Napapaisip na nga ako minsan kung ampon lang ba ako kaya gano’n ang treatment nila sa 'kin, e. Samantalang pagdating kay ate Trina, parang prinsesa kung ituring nila. Napasandal ako sa backrest ng upuan at napabuga ng marahas na hininga. "Ayos lang, ako naman ang prinsesa ni Daddy," bulong ko sa sarili at tuluyang napangiti. Atleast, may kakampi parin ako sa pamilya ko. Mula sa paglalakbay ng aking diwa, na-divert ang atensyon ko sa cellphone kong nag-iingay. Speaking of machine gun, rumehistro ang pangalan ni Mommy sa screen ng cellphone. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasagutin ko ba o hindi. Parang nai-imagine ko na kasi ang hitsura niya habang hawak ang cellphone. Nakikini-kinita ko na ang pagkalukot ng mukha niya. But I have no choice, kailangan kong sagutin ang tawag niya dahil kung hindi, mas lalo siyang sasabog sa galit. Medyo nanginginig pa ang kamay ko nang pindutin ang answer button. Pagkalapat pa lang ng cellphone sa tenga ko, napapikit na ako sa ingay niya. Parang may ngipin na lumalabas sa earpiece ng phone ko at gustong kagatin ang tenga ko. Nilayo ko nang bahagya ang aparato at sinundot-sundot ang loob ng aking tenga. Pakiramdam ko kasi, dumudugo na ang loob nito dahil sa lakas ng boses niya. Kaya sa halip na muling ilapat ang cellphone sa aking tenga, minabuti kong i-loud speaker nalang. "Luisiana!" bulalas ni Mommy mula sa kabilang linya. Napangiwi ako nang marinig ang buong pangalan ko. "Y-Yes Mom?" "Where are you?!" "Mom, nasa tapat po ng langit at ibabaw ng lupa. Nasa earth pa rin po ako at hindi pa lumipat sa ibang planeta kaya relax ka lang, okay?" Napa-irap ako sa hangin. Bakit ba kailangang hintayin nila ako? Pwede naman silang mag-umpisa sa dinner na 'yon ng wala ako. "H'wag mo akong pilosopohin, Luisiana!" bulyaw niya. Naku, mas lalong nagalit. "Sorry Mom, na-stuck ako sa traffic. Mag-iisang oras na ako rito pero parang usad pagong parin ang mga sasakyan." "Nasabihan na kita kanina about sa dinner ngayon, ah. Kahit kailan talaga napakairesponsable mong bata ka. Bakit hindi mo gayahin ang ate mo—” Napasentido ako. "Mom, okay po gagawa po ako ng paraan para makarating agad d'yan." Putol ko sa sinasabi niya. I don't want to be rude pero memorized ko na kasi yung lines ni mommy pagdating kay ate, eh. Lagi nalang si ate Trina ang bida sa kaniya. Kesyo si ate ang responsable, si ate ang matalino, si ate ang mabuting anak. Eh, ako? Parang hindi ko nga matandaan kung kailan niya ako nasabihan ng maganda. Kung kailan ako naman ang naging bida sa mga mata niya. "Dapat lang dahil ikaw naman talaga ang dahilan ng dinner na 'to kaya bilisan mo!" sikmat ni Mommy sa kabilang linya at saka parang bula na nawala. Hello? Kung pwede ko lang paliparin ang sasakyan kanina ko pa ginawa. Hindi man lang niya sinabing mag-ingat ako. Ako daw ang dahilan ng dinner? Hindi ko naman birthday, ah. "Ano nga bang bago Louise?" kausap ko sa aking sarili. Pabalibag kong initsa ang cellphone sa passenger seat pero nabigla ako nang makita ang lalaking nakasakay sa kotse sa may tapat ko. Si pogi! Sakto pang nakababa ang salamin ng bintana ng kotse ko. Ayaw ko kasi talaga sa amoy ng aircon sa loob ng sasakyan, naduduwal ako kaya ibinababa ko ang salamin. Itataas ko na sana ang salamin nang biglang pumaling ng tingin sa gawi ko si pogi. Gusto kong magtago pero huli na kaya nginitian ko na lang siya. Agad na nanlisik yung mga mata niya pagkakita sa akin. Naalarma ako nang buksan niya ang pinto ng kotse niya at bumaba. "Lord! Please naman, pausadin mo na ang traffic na 'to! Papalapit na si hellboy!" dasal ko at ilang beses pang nag-sign of the cross. Naawa yata sa akin si Lord kaya biglang umusad ang mga sasakyan. Bago pa man makalapit si poging version ni hellboy, pinatakbo ko na ang sasakyan palayo sa kanya. Ngunit bago siya mawala sa paningin ko, nag-flying kiss muna ako sa kanya sabay kindat. "Crazy woman!" dinig kong sigaw niya sa akin. "Ang ganda ko namang baliw," tatawa-tawa kong kausap sa aking sarili. Saglit akong natigilan, he looked familiar. I know I've seen him before but I can't remember where or when. Pero akala ko lang siguro. Limang tao naman ang magkakamukha sa buong mundo kaya siguro feeling ko, nakita ko na siya dati pa. Hindi dapat siya ang isipin ko ngayon dahil nakatakas naman na ako sa kanya. Ang dapat kong intindihin ay kung pa'no ako makakalusot sa sermon nina mommy at lolo mamaya. Natatanaw ko na ang gate ng village namin. Humugot ako ng maraming lakas ng loob. Pasok na lang sa isang tenga tapos labas sa kabila. Agad akong pinagbuksan ng guard nang bumusina ako sa tapat ng gate namin. May itim na land rover at pulang mustang na nakaparada sa labas. Sasakyan siguro ng bisita ni lolo. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng bahay. Agad akong sinalubong ni lolo pagkakita sa 'kin. Ine-expect kong sermon ang ibubungad niya sa 'kin ngunit nagulat ako nang abot-tenga siyang ngumiti at niyakap pa ako. Teka, end of the world na ba? "Buti naman nakauwi ka na, hija," aniya habang tinatapik-tapik pa ang likod ko. Nangunot ang noo ko at nanulis ang aking nguso. Ano'ng nakain ni lolo? "Oh, nandito na pala ang apo natin balae. My grandson is the one who's running out late. Pero baka parating na rin 'yon. Medyo na-traffic lang daw," nakangiting sabi ng isang matanda na galing sa loob ng dining area. Halos puti na rin lahat ang buhok nito na katulad kay lolo. Siguro ay magkasing-edad lang sila. "Buti na lamang at hindi natuloy ang engagement niya kanina. Kung sino man 'yung babaeng pumigil sa engagement, I owe her a lot. Sa wakas, magiging magbalae na tayo," masayang wika ni lolo. Anak ng... Iba na ang kutob ko. Hindi na maganda ang mga pinagsasabi ng mga matatandang 'to. Bago pa ako muling makapagsalita para magtanong, biglang may baritonong boses ang nagsalita mula sa pinto. Parang pamilyar. Narinig ko na ang tono ng boses na ’yon. Dahan-dahan akong pumihit para tignan ang bagong dating at gano’n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino ang dumating. "Hellboy?" "Crazy woman?" Sabay pa kaming nagsalita at itinuro ang isa't isa.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม