LITERAL na lumaki ang mga mata ko nang makita si hellboy. Tinignan ko siya mula ulo pababa sa paa. Suot pa rin niya ang damit niya kanina.
Habang ako, suot ko pa rin ang dress ko kanina. Medyo nilalamig na nga ako dahil wakwak ang likod nitong damit ko. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata pero hindi nga ako pinaglalaruan ng aking paningin, nandito nga talaga sa harap ko si hellboy!
Masyado na bang maliit ang mundo para sa aming dalawa? Ang galing lang, 'yung tinatakbuhan ko kanina, ngayon nasa loob pa mismo ng bahay namin. Walang silbi 'yung pagtakbo ko, nagpagod lang pala ako.
Bakit ba ang lupit sa akin ng tadhana? Ako na nga itong sinaktan at pinagtaksilan ng jowa pero ako pa ang binubuntutan ng karma at kamalasan.
Nasaan ang hustisya?
"Louise," tawag sa akin ni lolo. Ibinaba ko ang daliring nakaturo kay hellboy at saka lumingon sa gawi niya. "You know Jacob, right?" tanong nito. Hindi ko alam kung tatango ba ako o hindi.
Hindi ko naman siya kilala personally pero mukhang pamilyar nga sa 'kin ang mukha niya. Maliban sa nagkita kami kanina nang guluhin ko ang engagement niya, parang nakita ko na rin siya somewhere. Hindi ko nga lang talaga matandaan kung kelan at saan. Napapikit ako para alalahanin pero blangko. Wala, 'di ko siya matandaan.
"Louise?" tawag ulit ni lolo sa pangalan ko. Muli kong binuksan ang mga mata. Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang ang laking kasagutan ang bibitiwan ko.
Umiling ako. "N-No, lolo. Hindi ko po siya kilala pero—"
"Pero basta na lamang siya nanggulo sa engagement party ko kanina. She even said that she's pregnant and I'm the father of her child," he said in as-a-matter-of-fact tone.
Ang kapal ng mukha! Hindi ba siya tinuruan sa school na it's rude to interrupt someone when talking? Pumaling ako ng tingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Pero tumaas ang sulok ng labi niya at nginisihan lang ako na parang aso.
"So, ikaw pala 'yung nasa video na kumalat na pumigil sa engagement nitong si Jacob? Kita mo nga naman ang destiny. You were really meant for each other," nakangiting sabi ni lolo. Biglang hinirit ako ng ubo dahil sa sinabi niya.
Video? May kumalat na video?
"It was just a mistake, okay? Akala ko engagement party ng ex ko 'yun. And excuse me, Mr. Jacob, I'm not pregnant. Sinabi ko lang 'yun para sana maging effective 'yung drama ko," ani ko at sinalubong ang titig niyang matalim.
"Well, guess what? Very effective nga ang acting mo. Ang galing, may future kang maging best actress. Should I give you a standing ovation or a slow clap? You ruined my engagement and my girlfriend just broke up with me. Happy? Alam mo, kaya ka siguro hiniwalayan ng boyfriend mo dahil sa ugali mo," pang-uuyam ni hellboy.
Mahina lang ang pagkakasabi niya sa huli pero sapat na sapat para marinig ko. Nagpanting ang magkabilang tenga ko dahil sa sinabi niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata at saka inirapan.'Yung irap na nakakasugat. Nangangati ang palad ko para sampalin ang hinayupak na 'to! Nag-sorry at nagpaliwanag na ako, ah. 'Di ba niya naiintindihan ang salitang mistake? Below the belt na 'yung banat niya!
"Wala kang karapatan para husgahan ako dahil wala kang alam. Nag-sorry na 'ko sa 'yo 'di ba? Hindi ko naman sinadya 'yung nangyari. Sa tingin mo ba gusto kong mapahiya sa maraming tao?" palatak ko.
"The damage has been done," malamig niyang sagot habang matalim ang tingin na ipinukol sa akin. Parang kaming dalawa nga lang ang tao rito, eh. Parang mga bato lang ang dalawang matanda sa tabi namin. Ni hindi sila umiimik at parang amused na amused pa sa batuhan namin ng sagot.
"Eh 'di sabihin mong nagkamali ako. Napakasimple pero pinapalaki mo lang. Oh, baka gusto mong mag-bow down pa ako sa 'yo habang nagso-sorry?" sikmat ko sa kanya.
"Ang daling sabihin para sa 'yo dahil hindi naman ikaw ang nasa sitwasyon ko. O baka naman sinadya mo talagang guluhin 'yung engagement ko para hindi matuloy kasi gusto mong tayo ang ma-engage? Type mo siguro ako ’no?" aniya habang nakangisi.
Nanlaki ang mga mata at butas ng ilong ko dahil sa pinagsasasabi niya.The nerve of this guy! Saan niya kaya hinuhugot ang lakas ng apog niya? Grabe ang kapal ng mukha niya. Kasing kapal ng encyclopedia.
Nagpakawala ako ng disimuladong tawa saka siya dinuro. "Not gonna happen! Ang kapal mo! Pipiliin ko na lang maging old maid kesa ang matali sa full of confidence na katulad mo!" bulyaw ko.
Pinandilatan ko siya at iniumang ang aking kamao. Suntukan na lang kaya kami nang magkaalaman ng lakas? Hindi ko siya uurungan!
Guwapo siya, oo, pero nunkang magkagusto ako sa isang taong feeling God's gift to women. GGSS ang isang 'to. Wala pa ni isang tao ang nakapatid ng pisi ko, itong hinayupak na 'to pa lang.
"Louise, your manners/ Jacob, stop!" sabay na saway sa amin ng dalawang matanda. Lihim nalang akong umirap.
"Sorry po, lolo," hinging paumanhin ko pero ang tingin ko na kay hellboy. Minumura ko siya sa isip ko. Peste! Bakla yata 'tong si hellboy. Ang galing kumuda.
"Mukhang may misunderstanding 'tong mga apo natin, balae," singit ng lolo ni hellboy.
Misunderstanding nga talaga pero pinapalaki lang nitong hambog na Jacob na 'to. Kairita! Kung noong una ko siyang makita halos maglaway ako sa ka-gawapuhan niya, ngayon ay bwisit na bwisit ako sa kanya!
"Baka gutom lang ang dalawang 'to, tara na sa dining para mapag-usapan na rin natin ang engagement nilang dalawa. Let's enjoy our dinner first." Anyaya ni lolo sa amin. Iminuwestra nito ang kamay sa dining area.
Hindi pa ba malinaw sa kanya na ayokong magpakasal lalo na sa feeling na 'to? This ain't good. Ayokong maging miserable ang buhay ko.
Bagama't naguguluhan at naiinis pa rin, nagpakawala na lang ako ng mahabang buntong-hininga at sumunod kina lolo na nagpatiuna na sa pagpasok sa dining. Sa likod ko ay nakabuntot si hellboy.
"Nice ass," aniya. Nag-init ang mukha ko. Kaya ba siya nagpahuli para tignan ang pwet ko?
'Di lang pala GGSS ang isang 'to, manyak din. Marahas akong humarap sa kanya at itinaas ang kamao para suntukin siya. Pero ang hinayupak mabilis na nasalag ang suntok ko at hinawakan ako sa dalawang kamay saka pinag-krus at pina-ikot patalikod sa kanya. Ang siste, nakayakap siya sa akin sa likod ko.
Napalunok ako dahil sa posisyon namin. Shems! Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. Nakakakilabot, nakakakiliti at parang may naglalarong kulisap sa tiyan ko. Napapikit ako nang maramdaman ang hininga niya sa punong tenga ko.
Pucha! Ang bango niya.
Masarap din kaya siya?
Napamulat ako sa naisip. Kaaway ko 'to, ah! Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig at agad na lumayo sa kanya sabay tulak.
"Manyak! Bastos!" singhal ko sa kanya. Pero ang loko tumawa lang.
"Ikaw ang bastos," aniya habang may naiwan pang ngiti sa labi mula sa pagtawa. Kung hindi lang talaga feeling 'to, magkakagusto ako. Gwapo, eh.
"Pa'no ako naging bastos? Eh, ikaw 'tong pasimpleng nananantsing sa 'kin!"
Tinuro niya ako at parang nagpipigil ulit na matawa. Umangat ang isang kilay ko.
"Kita mo, ikaw ang bastos. Kinakausap kita pero nakatalikod ka. Tsk!" Ano ba'ng pinagsasasabi ng damuhong 'to? Nakaharap naman ako, ah!
"Nakaharap ako, baliw!"
"Nakaharap? Talaga? Nakaharap ka na niyan?" sunod-sunod niyang tanong. Pero ang tingin niya nasa dibdib ko.
Kingina!
"Nakaharap ka na pala niyan? Akala ko kasi nakatalikod ka parin. Pantay kasi ang likod at harap." Humalakhak pa siya. Putek! Agad kong pinag-krus ang mga kamay sa dibdib ko.
Porke't flat nakatalikod na? Sa sobrang inis ko tinalikuran ko na lang siya at mabibigat ang paang tinungo ang dining.
"May araw ka rin sa 'kin!" bulong ko sa aking sarili.
Nakaupo na silang lahat sa mahabang mesa. Sa dulo ng mesa ay si lolo. Sa dalawang gilid nito ay sina daddy at isang may katandaan na rin na lalaki, sa tantiya ko'y ka-edaran lang ni daddy. Siya marahil ang daddy ni Jacob. Katabi naman ni daddy si mommy, sa gilid nito ay si ate Trina na prenteng nakaupo. As usual, para na naman siyang diyosa sa ganda. Katapat nila ng upuan ang isa ring magandang babae na sa hitsura'y ’di nalalayo kay Jacob. Mukhang siya ang mommy nito. Soft ang features ng mukha niya at parang ang bait-bait. Sa tabi niya'y isang dalagita na kahawig din ng ginang. Nasa kabilang dulo naman ng hapag ang lolo ni Jacob. Dalawang upuan na lang ang natitira. Ang tabi ni ate na nakalaan sa akin at ang tapat nito na katabi ng kapatid ni Jacob.
"Upo na, hija." Iminuwestra ni lolo ang katabing upuan ni ate. Agad akong tumalima. Ang lahat ay nakangiti at masaya maliban sa akin dahil feeling ko, ito ang araw ng lamay ko.
Sumunod na umupo si Jacob. Inirapan ko siya nang magtama ang aming paningin pero nakakalokong ngisi lang ang isinagot sa akin. Parang gusto ko tuloy siyang ingudngod sa dinuguan na nasa harap niya.
"Louise," pagtawag sa akin ni lolo kaya agad akong nag-angat ng tingin at lumingon sa direksyon niya.
Ibinaba ko ang hawak na kubyertos.
"Yes po, lolo?" tanong ko.
"Hindi mo ba talaga natatandaan si Jacob?" Inilipat ko ang tingin sa harap ko at nakitang nakitingin din siya sa akin.
Umiling ako. "Hindi po."
"He was your childhood sweetheart. The young man living beside our house in Laguna. Siya 'yung sinabi mo no'n na gusto mong mapangasawa."
Sunod-sunod akong na-ubo dahil sa sinabi ni lolo. Buti na lamang ay nalunok ko na ang kinain ko dahil kung hindi, baka naibuga ko na sa kaharap ko. Uminom ako agad ng tubig at nang mahimasmasan ay nahihiyang yumuko. Parang naalala ko na nga na may bata akong kalaro no'n. Kaya pala mukhang pamilyar siya. Ang laki din kasi ng pinagbago niya. Patpatin 'to dati, eh. Pero siya ang tagapagligtas ko dati sa mga umaaway sa 'kin. Pero, hello? That was long ago. Bata pa kami no’n. H'wag nilang sabihin na pinanghawakan nila 'yun para tuluyang ipakasal kami?
Unbelievable!
Nagpanggap na lang akong hindi ko naalala para tumigil sila. Pasimple akong tumingin kay Jacob pero nahuli ko siyang nakatingin din sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mata.
Masaya ang naging takbo ng usapan nila maliban sa akin. Hindi ako nakikisali maliban sa paminsan-minsan nilang tanong sa akin kaya napipilitan akong magsalita. Inabala ko ang sarili sa pagkain at walang pakialam kung magmukha akong patay gutom.
Wala akong ibang gustong gawin ngayon. Pero isa lang ang nasa isip ko. Gusto kong tumakas sa punyemas na arrange marriage na 'to.
Ayoko! Ayoko! Ayoko! Never!
Ang lupit mo tadhana! Kung may mukha ka lang susuntukin kita!