Young Love, True Love?!

1800 คำ
CHAPTER 4 They had fun! Arcade, kwentuhan and they eat together ng maramdaman na nila ang pagod. At 7pm, nagpaalam na sila sa isa’t isa. Margaux will wait for her dad sa mall while si Elisse eh ihahatid daw ni Cyruz. Obviously, Elisse and Cyruz enjoy each other company. Napangiti siya at natuwa isipin na mukhang may mabubuong something sa kaibigan nya at kay Cyruz. “Your smiling!” Sabi sa akin ni Matt while he is driving on our way home. “Sorry may naisip lang ako” sagot ko sa kanya. “Matt, single naman si Cyruz, right?” tanong ko naman sa kanya. “Yup, why?” balik tanong lang niya sa akin. “Wala naman” sagot ko. Tiningnan niya lang ako saglit at binalik na ang tingin sa daan. “Thank you Matt sa paghatid” pagpapasalamat ko sa kanya ng huminto na ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. “I had so much fun! Nag-enjoy ako” dagdag ko pa. “I hope this will not be the last time ng pagpayag mo sa mga invites ko sayo”sabi naman niya. “Sure, if may chance why not” sagot ko ulit. Bumababa siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. “Thanks” sabi ko. “And ingat ka! Enjoy your holiday” sabi ko pa. Ngumiti ito. “See you soon! Good night!” paalam nito sa akin. Sabay halik sa pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa niya, buti na lang at medyo madilim at hindi niya makikita ang pamumula ng pisngi ko. Umikot na siya sa driver’s side at kumaway muna bago pumasok ng kotse niya. Inantay ko muna makaalis siya bago ko pumasok sa aming gate ng napapailing habang ang lakas ng t***k ng puso. “Hay Matt! Anong ginagawa mo sa’kin” sabi ng isip ko.   It’s Christmas Eve, we’re preparing for our dinner ng may biglang nagdoor bell sa amin. “Mom baka sila Elisse na yan, labas lang muna ako” paalam ko kay Mommy. “Sure anak! Prepare ko na din un food niyo theater room dun na lang kayo magstay” sagot naman ni Mommy. “Thank you Mom” sagot ko naman. Sanay na sila Mommy na tuwing christmas eve, either ako ang pupunta sa bahay ng kaibigan or sila ang pupunta sa bahay to have small celebration then maghihiwalay-hiwalay lang kami after dinner. Paglabas ko ng bahay, si Elisse nga ang nasa labas ng gate. Nagulat ako ng kasama niya si Cyruz. “Hi Bes! Merry Christmas!” bati skin ng best friend kong si Elisse. “Uhmmppp, Bes kasama ko si Cy and si Matt”sabi nito. Napalingon naman ako sa bumaba sa kotse. Hindi ko agad napansin na yun pala ang kotse na dala niya the last time na nagpunta kami sa mall. “Hi Trish!” sabay na bati sa akin ni Cyruz and Matt. “Hi!” sagot ko naman. “Tara pasok tayo” nahihiya kong yaya sa kanila. Hindi ko naman mapigilan ang kaba sa dibdib ko. Pumasok kami sa loob ng bahay. “Mom nandito na sila Elisse” sabi ko kay Mommy. Kami lang ni Mommy ang nasa bahay dahil lumabas si Daddy at may binili. Lumabas si Mommy sa kitchen and sinalubong sila Elisse. Wala man pagtataka sa mukha ni Mommy pero tila nag-aantay naman siya na ipakilala namin ni Elisse ang dalawang kasama ni Elisse. Mukhang nakaramdam naman si Elisse at siya na ang napakilala sa kanila kay Mommy. “Hi Tita! Merry Christmas!” bati ni Elisse sabay halik at yakap nito kay Mommy. “Tita this is Cyruz and Matt, friend din po namin ni Trish. Guys, this is Tita Marj, Trish Mom” pagpapakilala ni Elisse. “Good afternoon po Tita” Bati ng mga ito kay Mommy, sabay halik din sa pisngi ni Mommy. “Hi Boys! Nice to meet you!” sabi ni Mommy sabay ngiti. “Where Margaux and the other girls?” tanong naman ni Mommy. “On the way na Tita” sagot ni Elisse. “Ok, you can proceed na sa theater room, dun na lang kayo magstay at magvideoke. Nagprepare ako ng snacks for you guys” sabi pa ni Mommy. “Tara!” yaya ko sa kanila. Maya-maya lang ay dumating na din sila Margaux kasama nito ang pinsan nito ulit ang pinsan nitong si Vince since every christmas break ay nagbabakasyon ang pamilya nito kina Margaux. “Hi Elisse! Hi Trish!” Bati ni Vince sa amin at hinalikan kami sa pisngi. Hindi nakalagpas sa tingin ko ang naging reaction ni Xy and Matt. “Hi Vince! Namiss mo kami noh?” bati ko sa bagong dating. “As always!” sagot naman nito. Sabay tingin kay Cy and Matt. Out of courtesy and since ngayon pa lang naman nagmeet ang tatlo, pinakilala ko sila sa isa’t isa dahil mukhang walang balak ipakilala ni Margaux ang pinsan at hinawakan na ang song book nila. “Vince, si Matt and Cyruz nga pala. Mga kaibigan din namin” sabi ko “Guys, si Vince pinsan ni Margaux” pakilala ko sa dalawa. “Ito kasing si Margaux hindi man lang pakilala si Vince eh. “Kaya mo na yan Trish” sagot naman ni Margaux. Nagkamay naman at nagtanguan ang tatlong lalaki. Naging maayos naman ang mini christmas party, tulad ng datin tawanan, biruan at walang kamatayan kwentuhan ang ginawa namin at walang sawang pagkanta ni Margaux. Infairness, maganda naman talaga ang boses ng kaibigan niya. Paminsan-minsan nakikisali si Mommy at Daddy pero lumalabas din dahil sila mismo ni Daddy ang nagpeprere ng noche buena namin. After we ate dinner, nagpaalam na din ang mga kaibigan ko. Sabay-sabay ko silang hinatid sa gate, may sarili ng sasakyan si Vince at dito nakasakay si Margaux, Camille and Anne since nasa isang subdivision lang sila. Si Matt naman ang maghahatid kay Elisse, si Cyruz naman ay kapit-bahay lang ni Matt at sabay na silang uuwi. Papasok na ko ng gate namin ng tinawag ako ni Matt, napalingon ako sa kanya. Napansin kong may hawak siyang malaking paper bag. “Ahmpp! Trish for you, Merry Christmas ulit” nahihiyang sabi sa akin ni Matt. “Thank you! Nag-abala ka pa” pasasalamat ko sa kanya. “Your welcome! Alis na kami! Merry Christmas ulit” Pero pa ko makasagot mabilis akong hinalikan ulit ni Matt sa pisngi sabay talikod nito para pumasok na sa kotse nito. Nakaalis na sila pero nakatayo pa din ako sa labas ng gate namin. “Sweetheart nakaalis na yun mga kaibigan mo” nagulat ako ng biglang magsalita si Daddy. “O-opo Daddy” Sagot ko kay Daddy na kinakabahan dahil baka nakita niya nag paghalik sa akin ni Matt.   Days had passed and our christmas break has ended. Hindi magkamayaw ang mga classmate ko sa pagkwe-kwentuhan ng mga nangyari sa kanilang christmas break. “Bes” excited na sigaw ni Elisse pagpasok niya ng classroom. “Hi Bes” sagot ko naman. “May naghahanap sa’yo” sabi niya sa akin. Sabay lingon sa pinto ng classroom namin. At nakita ko nga si Matt and Cyruz na nakatayo sa labas ng classroom namin. Napatingin ako kay Elisse at nagkibit-balikat lang siya. Tumayo ako at sabay kaming lumabas ng classroom namin since maaga pa naman and wala pa naman si Ms. Flores, ang teacher namin sa first subject namin. “Hi Trish!” Sabay na bati sa akin ni Matt and Cyruz. “It’s nice to see you again Trish” aniya ni Matt. “Hello!” sagot ko naman. “So what’s up?” Aga natin ah” sabi ko pa. Si Matt ang sumagot sa akin “Trish may meeting daw mamaya sa banda sabi ni Coach Ariel, after class” “Ok, noted po” sagot ko naman sa kanya. “So, see you later?” balik niyang tanong sa akin. “Yup, see you later” sagot ko. Nagpaalam na si Matt na babalik na sa kanilang classroom, sabay hila kay Cyruz na mukhang ayaw pang iwan ang bestfriend ko. Kumaway pa ang dalawa sa amin ni Elisse habang naglalakad palayo. “Uy bes, close na close na kayo ha” sabi ko naman kay Elisse. Tumawa lang ito na parang kinikilig. Inirapan ko naman siya bilang sagot sa kanya. Maya-maya lang ay pumasok na si Ms. Flores para sa unang klase namin.   After class, nasa head quarters kami while waiting to Coach Ariel. Kwentuhan at kamustahin din with my bandmates ng maya-maya ay pumasok na si Coach Ariel kasama si Matt and Cyruz. “Hi Guys!” bati ni Coach Ariel sa amin. “Hi Coach!” sabay=sabay naman bati namin sa kanya. “I hope nakapag refresh kayo and na-enjoy niyo ang christmas break niyo” bungad niya sa amin. “As you all know, marami kayong kabandmates na graduating na this school year. So now, we will be having an audition to replace un mga graduating members natin. Possible kumuha tayo sa lower year, sophomore and junios para atleast while the seniors is still here may makatulong ako to traing them” Nakikinig lang kami kay Coach na patango-patango. “One more thing is, our school was invited to join next year Cheer Dance Competion.” Pagpapatuloy ni Coach. “And since bago sa atin ‘to, we will start to look for possible cheer dancers, stuntman and cheering squad na bubuo to represent our school. And ofcourse, I will be the one to train them also. We will post the announcement for both audition within this week. For those interested you may now register para mainclude kayo for try-out” dagdag pa ni Coach. Sabay-sabay lang kami napatango habang nakatingi at kanya-kanyang bulungan. “Trisha” tawag sa akin ni Coach. “You will be part of the team as cheer dance” sabi nya sa akin. “Po?” sagot ko naman. “Yes, you heard it right. Your gymnastic background and your skill on dancing will have a big help with the team.” Sagot ni Coach. “Thank you Coach!” excited kong sagot. “We’ll discuss the details one of these days” sabi pa niya sa akin. “That’s all for now team. We will still have the same schedule for our trainings. See you all on Wednesday” paalam ni Coach sa amin. Hindi ko mapigilan ma-excite sa sinabi ni Coach sa akin. Bagong experience and yet this is what I really love, dancing. Naglakad na ko palabas ng headquarters namin para puntahan si Elisse at Margaux na nag-aantay sa akin. Dadaan pa kasi ng bookstore para bumili ng ilang gamit namin. “Tapos na?” tanong sa akin ni Margaux ng makapalit ako. “Yup, may announcement lang si coach. Tara na?” yaya ko sa kanila. “Let’s go” sagot naman ni Elisse. Palabas na kami ng gate ng may bumusina sa amin. It was Matt and Cyruz. “Hi Girls! Pauwi na kayo?” tanong sa amin ni Cy. “Nope, pupunta muna kaming bookstore” Sagot ni Elisse. “oh really? Papunta din kaming bookstore” sagot ni Cy kay Elisse. Nilingon nito ang kaibigan sa driver’s side sabay kininditan na hindi naman nalingid sa mga mata namin. “Talaga ba Cy?” nanunubok naman sagot ni Margaux, sabay siko kay Elisse. “Oo nga” sagot nitong abot tenga ang ngiti. Bumaba ito at si Matt ng kotse para pagbuksan sila ng pinto. “Trish dito na pumasok” tawag naman sa akin ni Matt habang binubuksan ang pinto ng kotse niya. “Thanks” sagot ko naman. Ang dapat na pagbili lang namin sa bookstore at nagtagal pa ng konti dahil nagyaya magmeryenda ang dalawang lalaki bago kami hinatid pauwi. 
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม