CHAPTER 3
“Bes kamusta outing niyo?” Tanong sa akin ni Elisse. We’re having lunch at school cafeteria ng magtanong siya sa akin.
“Ok naman bes, sobrang na-enjoy ko ang dagat. Maganda din un place” Sagot ko naman sa kanya.
“Dagat lang na-enjoy mo?” tanong ulit ni Elisse na may nakakalokong ngiting titig na titig sa akin.
“Syempre un mga kasama ko din, alam mo naman un mga drummer namin, makukulit din eh” sagot ko ulit.
“Sa kaninong drummer ka mas nag-enjoy” Tanong nya ulit. “Sa kanilang lahat! Naku, Elisse alam ko na patutunguhan nito” sagot ko sa kaibigan.
Tumawa naman ito ng malakas. Nasa mood na naman itong kaibigan ko para asarin ako. Kaibigan ko talaga to, wala man akong sinasabi sa kanya pero mukhang nakakatunog sa lihim kong paghanga kay Matthew. Napailing na lang ako, hindi na ko nagsalita para hindi na niya ko lalong kulitin.
Christmas break is past approaching. Last activity namin for this year is our christmas party. Nakaugalian na sa St. Louise Academy na bago ang mga classroom party ay nagkakaron muna ng program. Bawat level both teachers and student eh nagpe-perform. Since hindi lahatn student nakapanood ng performance namin ng lumaban kami 3 weeks ago, nagperform ulit kami. Sobrang na-enjoy namin ang program hanggan i-announce na ni Ms. Rose na pwede na kaming magpunta sa aming bawat classroom para naman sa classroom party namin. Nagpunta muna kami sa head quarters namin para isauli ang mga ginamit namin at para makapagbihis na din. Palabas na ko ng head quarter namin ng batiin ako ni Matthew.
“Hi Trish”
“Hello Matt! May inaantay ka? Tanong ko.
“Oo, ikaw sana!” Nag-aalangang sagot nito.
“Oh, bakit” balik tanong ko sa kanya. “Pwede ba kitang ihatid mamaya?” tanong niya sa akin habang nakawak sa batok ang kanyang mga kamay na parang hindi mapakali.
“Bakit?” Tanong ko ulit.
“Sige na please, magbabakasyon na naman eh. Next year na tayo magkikita ulit” sagot nito.
“Matt yun next year n sinasabi mo is almost 3 weeks lang kung tutuusin. Ano ka ba?” Natatawa kong sagot dito. “Pero sige, ok lang naman”
Bigla itong napatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala. “So kita na lang tayo mamaya pero if mauna kaming matapos, una na ko sayo ha” sabi ko pa sa kanya.
“No, abangan kita mamaya sa labas ng room niyo” sagot agad nito sa akin.
“Ok cge. See you later” paalam ko sa kanya at hindi ko na siya inantay sumagot dahil baka hindi ko na mapigilan kiligin sa harap niya. Naglakad na ko na may ngiti sa aking mga labi.
Tapos na ang aming classroom party, tumulong lang ako sa pagliligpit at konting paalaman sa mga classroom ko since almost 3 weeks din kaming hindi magkikita-kita. Pero kahit abala sa pakikipag-usap sa mga classmate ko hindi pa din mawala ang excitement ko thinking na inaantay ako ni Matt para ihatid ako pauwi sa bahay namin.
“Ellise tara na, uwi na tayo” aya ko sa kaibigan ko.
“Bes sama ka sa’min, punta kami sa mall nila Margaux” yaya nito skin. “Oo nga Trish, labas muna tayo” aya din ni Margaux sa kanya.
“Naku hindi ko nakapagpaalam kina Mommy” sagot ko naman.
“Text mo na lang sila Tita Bes. Cge na” si Ellise naman ang sumagot sa kanya.
Sa totoo lang pwede naman siya magpaalam sa Mommy at Daddy nya. Sigurado naman na pagtinawagan nya ang mga ito ay papayagan sya. Pero ang naiisip niya ay si Matt na nag-aantay sa kanya para ihatid siya sa kanila.
“Trish!”
Sabay-sabay silang napalingo sa tumawag sa kanya paglabas nila ng pinto ng classroom nila.
“Tapos na kayo?” tanong nito sa kanya”
Napatingin sya sa dalawa niyang kaibigan at parehong nagtatanong ang mga tinging nito.
“oO tapos na kami. Pero nagkayayaan kasi kami na magmall muna bago umuwi” sagot ko kay Matt.
“Ah ok. Actually tatanungin nga sana kita kung pwede kang sumama sa amin. Nagkayayaan din kasi kami ng Cyruz. Pwede naman tayong sa isang place na lang magpunta” Sagot nito.
Tiningnan ko si Elisse and Margaux, asking if ok lang sana kanila. Mukhang nakuha naman nila ang gusto kong sabihin at sabay pang sumagot “sure, no problem!”
“Thank you Girls! Sagot naman ni Matt. “Sabay na kayo sa’kin, may dala akong sasakyan eh”
Nagkatinginan ulit kaming tatlo sabay binalingan ko ng tingin si Matt.
“Don’t worry Trish, I know how to drive and I have my license already. Safe ka sa’kin” sagot nito sabay kindat.
Impit namang tumili ang dalawa kong kaibigan sa ginawa ni Matt. Nasa parking na kami ng makita namin ang mga barkada nito. May dalang sasakyan din pala si Cyruz, mukhang may balak nga maggala ang mga ito.