Chapter 4 (Recollection)

2635 คำ
November 2, 2010 (10:00 A.M.) Nanlalaki ang mga mata na biglang bumangon si Bridge mula sa pagkakahiga. Hinihingal na mistulang galing sa mahabang pagtakbo. Muli na naman siya dinalaw ng kinatatakutan sa kaniyang panaginip. Kinakalma ang sarili na umupo siya sa gilid ng kama at napabalikwas sa gulat ng marinig ang tunog ng message notification mula sa iPhone na nakapatong sa lamesita. Kahit sa tunog ng phone ay nakakaramdam na siya ng takot. She frowned, ang alam niya ay nai-silent mode niya ang phone kagabi. Mukhang nawala na naman siya sa sarili. May tawag na sumunod pagkatapos ng message. She didn't answer it. She don't want to. Tumayo siya at lumakad papuntang bintana then she saw the back of the man na nakatira sa tapat. It is so uncanny that since last night ay naroon ang pagnanais na malapitan ito. Irony is, the man, even though she haven't saw his face, makes her feel safe. The familiarity of feeling that she once felt when she was with... "Burn..." she softly said his name. Kumusta na kaya ito? The last news she heard about him was seven years ago, nasa Dubai na raw ito sabi ni Lace. Nakabalik na kaya ito sa Pilipinas? How does he look now? She smiled remembering bittersweet memories with him. She was 18 then and he was 25. She was having an easy life and very spoiled while he was working hard to help his family. The kind of love they had should prosper but destiny never let them. She stopped there... Ayaw na niya maalala. Muli siyang napalingon kung saan naroon ang phone nang muli itong tumunog. Another call. Sino ba ito? Si Tom na naman ba? She decided to turn off the phone but when she grabbed the phone, she accidentally hit the answer button. She immediately ended the call and turned it off. It wasn't Tom calling. It is an unknown number. Muling bumalik ang takot na nararamdaman. She inhaled deeply and decided to go back to the window. She wants to see the man again so she will feel safe. She walked towards the window but it saddens her that the man is no longer there. ****** Burn went outside to answer Lace's call. Mahina ang reception doon sa kwarto niya kanina kaya napilitan siya lumabas ng bahay. He didn't want to go outside the house in this broad daylight. Kailangan niya makasiguro na hindi siya makikita ni Bridge, he wants to stay with Lace's plan. Agad siyang naligo, base sa sinabi ni Lace kanina sa naging pag-uusap nila ay parating na mamayang hapon si Sean, Rage is on his way too. They have a meeting mamayang alas-dos ng hapon. Kailangan niya maghanda ng maaga dahil kailangan nakahanda na siya bago dumating si Chad, ang isang agent na pansamantalang babantay kay Bridgette habang nasa meeting siya. Mula nang i-stalk niya ang dalaga ay kulang na siya sa tulog. Okay lang naman na makatulog siya ng matagal kung wala naman threat sa paligid ni Bridgette. There are two other agents na kasama niya sa bahay kung saan siya nag-i-stay, sina Mike at Leon. The two help him para i-monitor ang galawan ni Bridgette habang nagpapahinga siya. Kung may kahina-hinala ay saka lang siya ii-inform ng mga ito. The main job of two are the CCTVs na nakatutok sa harap ng bahay ni Bridgette to make sure na hindi ito mawawala sa paningin nila. Nakakapahinga naman ang mga ito kapag nasa labas si Bridgette dahil siya na ang may trabaho ng pag-stalk dito kahit saan ito magpunta. He sighed with his thought. Bakit nga ba siya kinukulang sa tulog? After seeing her again for the first time after seven years ay hindi na siya halos makatulog. She keeps on lingering in his mind, katulad pa rin ng dati. Funny. After the "no strings attached" relationship he had with Bridgette before ay nagkaroon rin naman siya ng dalawang magkasunod na relasyon. First was with Meryl, kasama niya ito sa work sa Dubai, she loved him truly pero hiniwalayan pa rin siya for the reason na ramdam nito na hindi niya talaga ito lubusang minahal, na naawa lamang siya dito. After Meryl, there was Lindsay. He met her because of his assignment in Bohol, she was a daughter of some politician that died at hinahanap nito ang mastermind sa pagpatay sa ama. Their relationship last for a year and same with Meryll, after the lust had gone ay nagdesisyon na rin sila maghiwalay. He had no constant girl or date after that. He had no problem with his s*x life. Women come and go, liberated women... liberated just like Bridgette. ****** Seven years and a half ago... "Let us go home,  lasing ka na."  He checked the time on his watch.  It is already 12:50 A.M. "But I don't want to go home yet,"  Bridgette said.  Her voice sounds drunk and wasted,  "at day off mo naman bukas di ba?" "Magsasara na sila." He was referring to the videoke bar na hanggang 1 A.M.  lang ang bukas. "Eh paano tayo?  Gusto ko pa uminom." "Uwi na tayo," muli ay niyaya niya ito.  "Pwede ba ako makitulog sa boarding house mo?" "Kailan ba kita tinanggihan?" Tanong naman niya. Never naman niya talaga ito tinanggihan.  Noon pa man basta nagti-trip ito na makitulog sa kwarto niya ay okay lang sa kaniya. Agad naman itong tumayo at hinila ang kanang kamay niya habang hinihingi ang bill nila sa waitress.  Nang lumapit ang waitress at ibigay sa kaniya ang bill ay agad nitong hinablot ang papel na tinitingnan niya. "Bridge, ako na..." Burn said. "No," sabi naman nito sabay dukot sa wallet ng tatlong limandaan para ipambayad at hinila na siya nito para makalabas na sila sa videoke bar.  Hindi na nito pinagkaabalahan pa na hintayin ang barya ng perang inabot sa waitress. Hindi naman umiimik ay nagtitimpi sa inis si Burn sa kasama dahil sa ginawa nitong pagbayad sa bill nila.  Mahirap man siya ay hindi niya gusto na nagpapalibre lalo na sa isang babae kahit matagal na niya itong kaibigan. Naalala ni Burn ang una nilang pagkikita ni Bridgette.  He never thought na makakasundo niya ito,  she looks like a dream,  maganda,  mestiza,  a classic beauty. He never thought then any possibility that she would befriended him na mapapansin siya nito. "Burn," tawag nito sa pansin niya,  "sorry,  I just thought na hindi kita pwede hayaan na gumastos sa lakad natin kasi may pinapaaral kang kapatid 'di ba?" That is true.  He had two brothers na kailangan patapusin mag-aral.  Ayaw niya matulad ang mga ito sa kaniya na hindi nakapagtapos.  He is already 25 and since he was 18 ay nagtatrabaho na siya to help his family.  Wala kasi regular na trabaho ang tatay niya at ang nanay naman niya ay sa pagtitinda ng mga ulam kumikita.  Kapag may nasamahang trabaho lang ang tatay nila saka lang sila nakakaluwag kahit paano. Ang konting  kinikita ng kanilang ina ay hindi sapat sa pag-aaral niya sa college at sa mga kapatid niya na nag-aaral naman sa high school at elementary. That made him decide na huminto na lang at magtrabaho para makatulong at mapaaral ang dalawang kapatid niya. "Next time,  Bridge..." he sadly said,  "huwag mo naman hayaan na kahit pride ko mawala na.  Oo,  mahirap lang ako pero huwag mo naman lalong iparamdam sa akin iyon." "Sorry," Bridgette said sadly. After that ay wala na nagsalita hanggang nakarating sila kung saan nakatira si Burn. Burn cooked some instant noodles dahil iyon lang ang nakita nito sa mga natirang stocks na nakalagay sa drawer nito. They silently ate when all of a sudden ay nagtanong si Bridgette.  "Why don't you like me,  Burn?" Burn gave her a stern look.  Lasing na talaga ang dalaga at kung anu-ano na ang sinasabi. He continued eating,  hindi pinansin ang tanong nito. "Don't you find me attractive?" Kulit ni Bridgette sa kaniya. Napailing na lamang si Burn sa kakulitan ng dalaga.  Hindi ba siya attracted dito?  Natural,  attracted siya pero alam niyang hindi sila pwede kaya hindi na niya susubukan sumugal sa pag-amin dito. "Burn?" Naiinis na ito sa hindi niya pagpansin sa mga tanong nito. "Gusto kita pero hindi pwede," bulong na sabi ni Burn,  bulong na hindi man lang nakaabot sa pandinig ni Bridgette. "I can't hear you..." Bridgette rolled her eyes sa inis na naramdaman. He grinned sa naging reaksyon ng dalaga at sabay sabi,  "matulog ka na at may pasok ka pa bukas." Lalong sumimangot si Bridgette.  He never took her seriously talaga.  Tumayo na lang ito at lumapit sa cabinet to search for the pair of pyjamas na sinadya nitong iwan sa kwarto ni Burn.  Burn gets hard with his thought while looking at Bridgette. Agad din na sinaway ang sarili,  for the past one year ay nagtitiis siya na hanggang tingin lang dito.  He admits that he thought of her a lot everytime he relieved himself. Pero hanggang gano'n lang ang kaya niyang gawin.  Ayaw niya masira ang friendship nila. Ayaw niya mawala ito sa kaniya. He made himself  busy sa pagliligpit at paghuhugas ng nga pinagkainan nila.  He was done sa pagliligpit ng matapos naman ito sa pagsa-shower. She instantly goes to bed at pumwesto na para matulog.  The bed is a single bed,  pang-isahang tao lang ito at kapag nasa room niya si Bridgette ay sa lapag na lamang siya natutulog.  May extra foam naman siya na ginagamit.  Binili niya talaga ito simula ng palagi na nakikitulog sa kwarto niya ang kaibigan. Tiningnan niya muna ang oras sa phone na ipinatong niya sa ibabaw ng chest drawer niya,  alas-tres na pala ng madaling-araw.  May lakad sila ni Jake mamayang alas-sais. Iiwan na lang niya mamaya si Bridgette dahil sigurado tanghali na ito gigising. Lagi naman gano'n ang sitwasyon nila kapag nakikitulog sa kwarto niya ang dalaga. Nang sa tingin niya ay tulog na ito ay siya naman ang pumasok sa banyo para mag-shower. Hinubad na niya ang mga suot at binuksan na ang shower.  He looked down at himself,  he is getting hard again by just thinking of her. Kahit malamig na tubig ay hindi kaya tanggalin ang init na nararamdaman. He started to rub the soap on his body,  maya-maya ay huhupa rin ang nararamdaman.    ******   Agad ang pagdilat ng mga mata ni Bridgette ng marinig ang pagsara ng pinto ng banyo. Kinakabahan kung itutuloy ba ang plano. Paano kung tanggihan siya? She started to hear the dripping water and gently removed the blanket from her body.  Kailangan na niya gawin ang mga plano niya before mangyari ang plano ng papa niya na ipadala siya sa ibang bansa.  Sabi ay doon na lang siya sa mga auntie niya muna dahil may problemang kinakaharap ang family business nila. She felt sad,  three months to go ay aalis na siya ng bansa. Naka-schedule na ang byahe niya,  kailangan na niya masulit ang panahon na kasama si Burn. How did she fall in love with him?  It is when...  Kailan nga ba?  Noong sinamahan ba siya nito manood ng sine dahil wala gusto sumama sa kaniya sa mga oras na iyon?  Noong binigyan ba siya nito ng cotton candy na mumurahin at kinilig siya?  Noong magising siya na mukha nito ang nakita? O noong iniligtas siya nito mula sa isang lalaki doon sa bar noong unang kita nila? Yes,  that is it.  The first time she saw him ay attracted na agad siya sa lalaki but when she learned na ito ang lalaking nagligtas sa kaniya mula sa planong hindi maganda ng isang lalaki sa kaniya ay lalo na lumala ang attraction niya dito.  Attraction na wala yata itong planong gantihan. Attraction na nauwi sa love. She was totally wasted that time noong unang kita nila, she had no idea kung nasaan ang mga kasama.  The only thing she remembered that night ay sa sobrang hilo niya ay naki-table siya sa isang mesa. She smiled to the three people kahit blurred na ang mga ito sa paningin niya. May isang babae at dalawang lalaki sa mesa. Hindi maganda ang tama ng mga nainom sa kanya.  Nasaan na ba ang mesa nila kanina?  Hindi na niya makita at mistulang nabibingi na siya sa ingay ng buong paligid.  "May mga kasama ka ba?" tanong ng isang lalaki sa kaniya. His voice sounds concerned. "Yes," sagot niya sabay tingin sa mga mesa na nasa paligid.  Nasaan na ba sila? She was about to stand ng marinig niya ang boses ng isang lalaki,  "she is with me." She looked at his face,  hindi niya ito kilala.  Umiling siya.  When the guy tried to make her stand ay muling nagsalita ang lalaki na nagtanong kanina sa kaniya kung may mga kasama ba siya.  "Siya ba 'yong kasama mo?" he asked her. Umiling siya.  Hindi niya ito kilala.  Blurred man ang paningin ay alam niyang hindi niya kilala ang lalaking lumapit. "Girlfriend ko ito," sabi naman nito sa kanila.  "Sure ka?" Tanong naman ng lalaki na nasa mesa. May halong pang-aasar ang nasa boses at  tinantiya ang itsura ng lalaki na nagki-claim na girlfriend ang lasing na dalaga.  He looks old enough para maging tatay na ng babae.  "I don't know him... Hindi siya ang kasama ko." Sa wakas ay nagawa niya magsalita.  Parang naging panatag ang damdamin sa lalaki na kasama sa table bagaman at hindi niya rin ito kilala.  She felt safe kahit paano. Dahil sa sinabi niya ay agad namang tumayo ang isang lalaki at may ibinulong sa lalaking pilit siyang pinapatayo.  Mistulang pinapaalis ito.  Nagsusukatan pa ng tingin ang mga ito at kahit blurred pa rin ang paningin ay alam niyang nagtatalo ang mga ito base sa tono ng mga boses na naririnig niya. .  "Relax ka lang,  kami bahala sa iyo." She heard him again.  She don't know kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam niya dito. Dahil ba sa nainom kaya ganito siya? "Go away!" For the first time ay nagsalita ang babaeng kasama ng mga ito.  She looked at her.  Hindi niya pa rin maklaro ang mukha nito. Did someone drugged her? "I said go or I will tell the management sa pangmo-molestiya mo sa kaniya," that was still the woman at the table. There is something in her voice that makes the man scared at umalis na rin.  When she woke up the next day ay nasa loob siya ng isang kuwartong hindi niya kilala.  Agad niyang napansin ang lalaking tulog sa tabi niya.  Agad siyang bumangon at pinakiramdaman ang sarili. There's nothing happened to her,  imposibleng hindi niya maramdaman iyon. Muli niya tiningnan ang lalaki at nagising na rin ito. Humingi ito ng apology at ikinuwento ang nangyari kung bakit siya nasa kwarto nito.  Hindi nito alam kung saan siya ihahatid kaya isinama na lang siya sa tirahan nito. For the first time in her life ay napanatag siya sa isang tao na hindi naman niya kaano-ano at bagong kakilala lamang.  She looked at him and she noticed that he is very good looking. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam habang tinititigan ito. The way he talk and the way he moves made awaken the desire in her eyes. ****** The sounds of the water dripping ang nagbalik sa kaniya sa kasalukuyan.  Kailangan na niya maisagawa ang plano.  She removed her clothes from her body at lumapit na sa banyo. It is now or never. She inhaled deeply,  kinakabahan man ay sigurado na sa gagawin. She turned the doorknob and opened it and she saw Burn's bareback. Sa lakas ng tunog ng pagbagsak ng tubig ay wala ito ideya na nakapasok na siya sa loob ng banyo. And when she hugged him from the back ay ramdam niya na nanigas ang buong katawan nito sa gulat. "Bridgette." "Don't deny me this,  Burn," She said nervously, seductively. "Please..."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม