Thamia ANG bilis ng pangyayari that up until now, I haven’t grasped it. Hanggang ngayon tulala ako at hindi maintindihan ang nangyari kanina. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga at ano mang oras ay mawawalan ako ng malay. May kung anong bumaliktad sa sikmura ko at gusto kong masuka. Mabigat din ang aking nararamdaman. Ganoon man, hindi ako umiyak. Pakiramdam ko ay pamilyar ang karanasan kong ito sa pinagdaanan ko noong nasa loob ako ng kulungan. Nothing shocked me. Nakatingin sa akin ang mga kasambahay. Wala silang magawa at kahit gusto nila akong tulungan ay alam kong natatakot sila. Masakit lang ang mukha ko pero hindi ko na para iinda pa. Napansin ko si Kristel na akmang lalapit sa akin pero marahan akong umiling sa kanya. Ayoko na madamay pa siya rito. “Michael,” pagtawag ni M

