Miguel PINAGMAMASDAN ko ang mukha ni Thamia habang natutulog ito sa tabi ko. Paulit-ulit ko ring hinahaplos ang kanyang buhok at nakatitig sa maamo niyang mukha. Nang bahagyang gumalaw si Thamia, nakita ko ang pamamaga ng kanyang pisngi na nilagyan na namin ng bandage kanina. It’s a little swollen due to the impact of what my father’s guard did to her. I clenched my jaw. Hindi mapigilang makaramdam nang matinding galit. Sinabihan lang ako ng mga tauhan ko tungkol sa biglaang pagdating ni Dad. Wala siyang pasabi. Kaya nang marinig ko ang balita, agad akong pumunta sa bahay at naabutan ko nga ang kalagayan ni Thamia kanina. Nagdilim ang aking paningin nang makita ko si Thamia sa ganoong kondisyon. Hindi ko napigilan at nabugbog ang tauhan ni Dad. Tanging ang boses lamang ni Thamia ang

