Nakatulala lang si Sandblast habang nakatingin kay Patrick na nakangiti pa ring tinitingnan siya. Aminado ang huli na masaya siya na makitang muli ang una sa ikalawang pagkakataon. Hindi niya ito inaasahan. Pakiramdam niya ay tadhana na mismo ang muling naglalapit sa kanilang dalawa. “Hey!” singhal ni Patrick kay Sandblast para makuha ang atensyon nito. Winagayway pa niya ang kanyang kaliwang kamay sa harapan ng mukha nito. Bumalik naman sa sarili si Sandblast. Mabilis itong nag-iwas nang tingin mula kay Patrick saka agad-agad na tumayo mula sa kinauupuan. “I have to go,” malamig na wika ni Sandblast. Maglalakad na sana siya ng mabilis ngunit napatigil siya ng biglang hawakan ni Patrick ang kanyang kaliwang braso. “Teka lang-” “Don’t touch me!” singhal ni Sandblast saka marahas na ipi

