Tulala si Tattered habang nakatitig kay Yen. Napapangiti naman si Yen habang sinasalubong ang pagtitig niya. Nananatili silang magkaharap na nakatayo. Labis na pagkabigla ang nararamdaman si Tattered na makita muli si Yen. Hindi niya inaasahan ang pagpapakita nito. Hindi niya akalain na muli itong magbabalik sa kanyang buhay, sa buhay nila ni Ripped kahit na may parte rin naman sa kanya na nag-iisip na darating din ang araw na ito. Hindi nga lang niya inakala na ngayon iyon. Aminado si Tattered na maganda pa rin si Yen sa paningin niya. Mas lalo itong gumanda kaysa nung huli niya itong makita. Bumalik sa isipan ni Tattered ang lahat. Ang masasayang alaala na pinagsaluhan nila at ang mga malulungkot at masasakit na alaalang namagitan sa kanilang dalawa. Kasabay nang pagbabalik na iyon a

