Chapter 4

1208 คำ
"Uncle!" Pareho silang umayos ng pagkakatayo ni Kathleen. "Good evening ho." "Ano ang ginagawa mo dito, Laurenti?" seryong tanong ng ama ni Kathleen na palipat-lipat ng tingin sa kanila ng anak nito. "Nag--" "Nagpaturo ako ng Calculus sa kanya, Pa," sagot ni Kathleen na pinutol ang sasabihin niya. Magkasalikop ang kamay nito habang humahanap pa ng idadahilan sa ama. "Pangalawang take ko na kasi 'to. Malapit na ang graduation kaya kailangan ko nang humingi ng tulong." "Umakyat ka na sa silid mo dahil gabi na. Hindi ka dapat nagpapapasok ng ibang tao dito dahil mag-isa ka lang," wika ni Luisito sa anak. Agad namang sumunod si Kathleen na ni hindi na siya tinapunan ng tingin. "Humihingi ho ako ng pasensya sa nadatnan niyo kanina, sir," paghingi niya ng paumanhin sa kaharap. "She lost her balance and---" "Lalaki rin ako, Laurenti. And as a father, I didn't like what I saw. Kahit anak ka pa ni Zane ay hindi ko hahayaang samantalahin mo na kayo lang dalawa dito ng anak ko." "I'm really sorry, Uncle. Hindi naman ho talaga ganun ang totoong nangyari. At ipinapangako ko na hindi na ho mauulit." Sa halip na pumabor sa kanya ang pagbabantay niya kay Kathleen ay ipinahamak pa niya ang sarili. Ngayon ay hindi na magtitiwala ang ama nito sa kanya. "Maaari ka nang umuwi. Sa susunod na pupunta ka dito ay kailangang nandito rin ako." Napilitan siyang tumango saka magalang na nagpaalam. Sa kotse ay tinanaw niya ang ikalawang palapag ng bahay bago pinaandar ang sasakyan. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam nang maayos kay Kathleen. Pagdating niya sa bahay ay saka niya ito tinawagan. Hindi pa rin maalis sa sistema niya ang pakiramdam kaninang hawak niya ang pang-upo nito. He was getting hard just thinking about her. Sa dinami-dami ng babaeng nagustuhan niya, kay Kathleen lang yata siya hindi maka-move on gayung ito pa ang hindi pumapansin sa mga panlalandi niya. "Bakit ka pa tumawag? Pinapatulog na 'ko ni Papa kanina pa..." mahinang sagot ni Kathleen sa telepono para hindi ito marinig ng ama. Iba tuloy ang dating ng mga pagbulong nito na nagpapagana sa imahinasyon niya She had that bedroom voice any man could dream of. Dapat pala ay hindi niya na ito tinawagan. Ngayon ay kung ano-ano pa tuloy ang pumasok sa isip niya. "I miss my girlfriend already." "Pinagalitan ako ni Papa kanina." "I'm sorry. Ikaw kasi eh..." "Bakit ako? Ikaw 'tong makulit!" Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. Kahit naiinis na ito'y iba pa rin ang dating sa kanya dahil pabulong itong magsalita. Gusto niyang itanong kung nakadapa ba ito sa kama o nakatihaya habang kausap siya. Pero pinigilan niya ang sarili. Kathleen was innocent when it comes to a man's carnal thoughts. "Susunduin kita bukas." "Hindi na. Baka makita ka pa ni Papa kagalitan na naman ako." "Ang sabi naman ng Papa mo, puwede daw kitang puntahan sa inyo basta nandun na siya. E di ipagpapaalam kita." "Ang kulit mo talaga. Maaga ang pasok ko bukas. Alas onse pa ang unang klase mo, hindi ba?" "How did you know? Chini-check mo schedule ko no?" "You wish! Sige na, matutulog na 'ko." Mabilis nitong ibinaba ang telepono habang ninanamnam pa niya ang malambing nitong boses sa balintataw niya. "Laurenti, sasama ka ba sa mga pinsan mo sa Zenclub?" Tinig ng Mommy niya ang nagsalita mula sa labas ng pinto. Naputol ang pagmumuni-muni niya sa mukha ni Kathleen. "Five minutes, Mom!" Tumayo siya saka mabilis na nagbihis. Wala sana siyang balak sumama pero tiyak na bubuskahin siya nila Drake at Danzel. Palagi silang nagkakayayaan na magpunta sa club lalo na kapag patapos na ang pasukan. "Himala, 'yang five minutes mo eksakto talagang five minutes!" buska sa kanya ni Drake. "Syempre! Kailangan nating mag-celebrate ngayon." "Celebrate? What for?" tanong naman ni Danzel. "Cynthia and I are officially off. Tapos na ang pagtitiis ko sa relasyon namin. If she doesn't want to introduce me to the public as her boyfriend, then we're better off as friends. Wala namang problema sa 'kin." "Bakit parang mas masaya ka pa kaysa sa iniwan ng jowa? Parang naghintay ka lang ng timing pero matagal mo nang gustong kumalas kay Cynthia ah!" sita ni Drake na tinawanan niya. "Bakit naman ako magmukmok sa isang tabi? There are many fish in the sea, Drake." "Well, then... it's time to date another woman in the club tonight," suhestyon naman ni Danzel na siyang nag-drive ng kotse sa kanilang tatlo. "Nah... Pass muna. Magiging busy ako sa mga susunod na araw hindi ko muna gusto ng distraction." "Busy? Patapos na ang klase sa pagkakaalam ko. At huling semestre mo na 'to ngayon sa pagtuturo sa Princeton." "Not until Kathleen passed her exam in Calculus. Kailangan ko siyang i-tutor dahil pag bumagsak siya sa subject hindi siya makaka-graduate." "Ayun naman pala..." Nagkatinginan pa si Drake at Danzel na may pilyong mga ngiti. Isang pigil naman na ngiti ang nanggaling sa kanya pero hindi nakaligtas sa mga pinsan. "Hiniwalayan mo ba si Cynthia dahil nagkakamabutihan na kayo ni Kathleen?" tanong ni Danzel. "Of course not. Kathleen had nothing to do with my decision. Alam niyo naman ang problema ko kay Cynthia noon pa, hindi ba?" "Right... But Kathleen helped you move on so easily. Wala ka bang three-month rule?" "It's not as if I have jumped into another relationship, couz," depensa naman niya. "Pero kung magkakaroon ako ng tyansa kay Kathleen, bakit ko pa hihintayin ang tatlong buwan? I'll make her my girl right away." "Hindi ka pa rin talaga sumusuko sa isang 'yun, ano? Kunsabagay, maganda naman talaga ang anak ni Uncle Luisito. Pero hindi ba parang ang layo ng agwat ng edad niyo?" "Matatapos na siya ang college, Danzel. Kung magsalita ka parang ang tanda ko na ah!" "E di samantalahin mo nang digahan habang tutor ka niya. I-blackmail mo na hindi mo ipapasa kapag hindi ka sinagot," suhestyon ni Drake na ikinatawa ni Danzel nang malakas. Hindi alam ng mga ito na ginawa niya na ang ganoong diskarte mapalapit lang siya kay Kathleen. "Wala ka bang tiwala sa appeal ni Laurenti na kaya niyang mapasagot ang isang Kathleen Manzano? Oh, c'mon..." pambubuska naman ni Danzel. "Mapapasagot ko 'yun," buong kumpyansa niyang wika. "Give me a week." "Uyyy... Mukhang naka-first base na," tudyo ni Danzel na tinawanan niya lang. Hindi na tuloy tumigil ang dalawa sa pambubuska sa kanila ni Kathleen. Hindi pa man siya totoong sinasagot ay kinikilig na siyang talaga. Kinabukasan ay maaga siyang sumundo sa dalaga para isabay sa pagpasok sa university. Mabuti at maaga ring umalis ang Papa nito para pumasok sa opisina. "Flowers for you," nakangiti niyang bati kay Kathleen. Madalas niya itong bigyan ng bulaklak kahit noong biro-biro pa lang ang pagpapalipad-hangin niya. "Hindi ka ba masyadong maaga sa university?" "Uuwi pa 'ko sa bahay pagkahatid ko sa 'yo. Hindi lang talaga kita matiis na hindi makita sa umaga." "Napakabolero mo talaga, Laurenti. Kaya lalo akong hindi naniniwala sa 'yo eh!" Isinara nito ang gate saka sumakay sa kotse niyang sa labas lang naka-park. "Maniwala ka na kasi, tapos totohanin na natin ang relasyon natin," hirit pa niya na inirapan lang ng dalaga bagama't nakangiti. Tumaas naman lalo ang kumpyansa niya na sasagutin din siya ni Kathleen sa lalong madaling panahon.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม