Chapter 45 Nakasakay na ako ngayon sa sasakyan ni kuya Keith pauwi ng aming bahay. Hindi pa rin mawala sa akin ang tagpo nina Jake at Ali kanina. Dapat talaga siguraduhin muna ang lahat lahat bago mag-isip ng kung ano-ano. "Kamusta si Kenn?" Biglang tanong ni kuya Keith sa akin. "Ok naman...may date nga kami ngayon eh." Nakangiti kong sagot sa kanya na nagpataas ng kanyang kilay. "Saan kayo magdedate!?" Tanong niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanyang inaasta. Kitang kita na nagseselos siya. "Secret...baka mashowbiz." Nakakalokong sagot ko sa kanya. "Kung tawagan ko kaya si Axel at sabihin kong nagtanan na kayo ni Kenn? Ano kaya gagawin niya?" Banta niya sa akin. "Sige ba...baka umuwi yun at magkita na ulit kami." Sagot ko sa kanya. Napapangiti na lang ako sa aming

