Chapter 44 Nakaupo kaming dalawa ni Jake ngayon dito sa mini park ng Glennford. Nakatanaw lang siya sa malayo na parang nag-iisip ng malalim. "Ano ba talaga ang nangyayari?" Wala sa oras kong tanong sa kanya. Agad naman niyang ibinaling ang kanyang paningin sa akin. Ang kanyang mata ay malungkot. "Si Ali..." Ani niya sa akin. "Bakit? Anong ginawa ni Ali sayo?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Napabuntong hininga siya dahil sa aking tanong. "Wala siyang ginawa pero...pero sa nakaraang araw ay parang may tinatago siya. Hindi naman nagbago ang turing niya sa akin pero minsan ay bigla bigla na lang siyang nawawala. Minsan ay palihim kong sinundan si Ali at laking gulat ko ng makita kong pumasok siya sa mall na may kasamang isang babae. Alam mo sa oras na yun ay para akong binagsakan ng mun

