Chapter 37 Ang sarap maligo dito sa ilalim ng araw. Ang lamig ng tubig na sinabayan pa ng masarap na simoy ng hangin. "Houh!!" Narinig kong sigaw ng mga kasama ko na sinabayan pa ng pagwisik ng tubig. Ganun ang gusto niyo? Hindi ko kayo uurungan! Umahon ako sa tubig at nakangising pinapanood silang nagwiwisikan at nang makahanap ako ng tyempo, lumundag ako sa kanilang pagitan. Naranaman kong mjy tinamaan ako pero kebs ko..wahaha. "Aray naman! Ang sakit nun ha Sky!" Daing ni Ali sa akin. Siya pala ang natamaan ko. Humingi na lang ako ng pasensya at nagpatuloy sa paglalaro at paglalangoy. Ewan ko nga kung nasaan si Kenn at kuya Keith eh. Kaninang umalis ako sa aming kwarto sabi niya susunod siya pero hanggang ngayon wala pa siya. Si Kenn naman hindi ko alam kung nasaan. Siguro nag-aay

