Episode 36 Sky's Pov: Nandito na ako ngayon sa labas ng bahay. Hinintay ko sina Kenn na sunduin nila ako. Bitbit ko ngayon ang aking bag na naglalaman ng mga damit na gagamitin ko sa limang araw at isinama ko na rin ang mga kaartehan ko sa katawan. Halos trenta minuto rin ako naghintay sa kanila bago dumating ang sasakyan na gagamitin namin. Bumukas ang pinto sa harapan at lumabas ang isang nakangiting lalake patungo sa aking kinalalagyan. Hindi ko maitatanggi na nakakahumaling ang kanyang mukha at tindig. Para akong nakakakita ng isang model na naglalakad sa entablado. "Hoy! Natulala ka na sa kagwapuhan ko ha." Narinig kong sambit niya sa akin. "Kagwapuhan daw…wala…ngayon lang kasi ako nakakita ng lalakeng parang… " Hindi ko maituloy ang aking sasabihin ng ilapit niya ang kanyang muk

