“Sige na nga, ililigpit ko lang mga ito." Sa tuwa ay niyakap niya ng mahigpit ang asawa. Hinalikan niya pa sa pisngi at sinabi. “I love you, Babe." “I love you too. Nasasakal na ako. Baka pwedeng bitiwan mo na o luwagan mo yung pagkakayakap mo." Biniro siya nito. “Sorry, Babe." Tuluyan na niyang binitiwan ang asawa sa pagkakayap niya at tumayo nalang mula sa likod at inantay na makatayo ang asawa na isa-isang inaayos sa pagkakapatong-patong lahat ng mga files na kinalat nito. “Babe, do you want some wine after we eat dinner? Baka lang naman gusto mong uminom ng bahagya kasama ako." Nangiti niyang sinabi ng humarap sa kanya ang asawa. “Nakita mo naman na marami akong dapat tapusin at gawin. Maybe next time nalang. Huwag muna ngayon. Halika ka na, bumaba na tayo sa dinning para makaka

