LUSTFUL 9

1584 คำ
Mga babae ang koleksyon ni Mr. Grayson? Hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng bakla na ‘to. Hindi na rin dapat ako magtaka pa. Dahil sa gwapong lalaki ni Mr. Grayson, malamang ay maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kaniya. Hindi na lang ako nagbigay pa ng kumento. Baka isumbong pa niya ako sa amo ko. Sila ang pumili ng mga damit na pwede kong isuot. Napapagod na ako dahil pabalik-balik ako sa dressing room para subukan ang lahat ng mga damit na binibigay nila sa akin. Hindi naman masiyadong showy ang mga damit na ‘yon, pero medyo fitted. Hindi ako komportable. Pero maganda naman siya. Iniisip ko lang kung ganito ba ang mga damit na kailangan kong isuot sa trabaho. Tutal ay dito ako dinala ni Mr. Grayson at ipinagkatiwala niya ako rito, e ‘di isipin ko na lang na ganito ang mga damit na gusto niyang ipasuot sa akin. “Isn’t it too much po?” tanong ko. Nakita ko kung gaano na karami ang mga damit na pinapasuot nila sa akin. Parang nasa-isang daan na damit na yata ang nasukat ko. “Go lang, girl! Twenty-five pa lang ang napipili ko na sobrang bagay sa ‘yo at tiyak na magugustuhan ni Ethan. Kailangan mo pa ng lima,” sagot naman niya sa akin. What? Sa dami ng mga nasukat ko na ay twenty-five pa lang ang napipili niya na para sa akin? Hindi naman ako makapagreklamo kahit gusto ko na. “Pwede ba na ako na lang mismo ang pumili ng lima kong isusuot pa?” tanong ko naman sa kaniya. Para naman mapili ko rin ‘yong gusto ko talaga. Kasi nakita ko na ang mga napili ng bakla, ‘yon pa ang mga hindi ko nagustuhan. Pero magaganda naman ang mga damit. Sadyang hindi ko lang tipo dahil hindi gano’n ang pormahan ko. “Okay, as you wish.” Ibinigay ko na sa kaniya ang lima kong mga napili. Para naman ‘di na ako magsusukat pa ulit. Sinuri naman niya ‘yon. “Hmm… Medyo may taste ka rin naman pala sa damit. Okay, next! Sandals, shoes, and high heels!” Doon naman niya ako inilibot sa may mga sandals. Pinaupo naman ako. Sa wakas naman ay nakaupo na ako. May babae sa harapan ko at siya ang maglalagay sa paa ko ng mga ipapasukat sa akin na mga sandals, sapatos, o high-heels. Para tuloy akong isang senyora rito dahil asikasong-asikaso nila ako. “Gusto ko ‘yan,” sambit ko nang makita ko ang puti na sandals na pinasukat sa akin. Pumayag naman sila na kunin ko ‘yon. Tig-tatlong pares ang lahat ng sandals, high heels, at sapatos ko. Two inches lang na high-heels ang pinili ko. Dahil ‘yon din naman ang standard at para hindi ako mahirapan sa paglalakad. Matapos naman sa mga pang-paa na gamit ay nagpunta naman kami sa makeup station. Nakita ko na may mga skin care products din doon. Tiningnan nila ang skin type ko para alam nila kung ano ang mga produkto na ibibigay nila sa akin. Mga mamahalin na makeup set ‘yon, tapos mga skin care products. Kasunod naman ay nagpunta kami sa salon. Inayos nila ang mahabang buhok ko, kahit na maayos naman na ‘yon. Hindi na nila masiyadong ginalaw. Mas pinaganda lang nila ang istilo ng buhok ko. Kaya naman ay natuwa ako doon. For the final look, nakasuot na ako ngayon ng bagong dress, bagong high heels, at inayusan na rin ako sa mukha. Mukha na ako ngayong presentable na tao. Nang matapos na ang lahat ay halos mapanganga ako nang makita kung gaano karami na shopping bags ang nasa harapan ko. Nasa fifteen na shopping bags ‘yon! Hala! Paano ko maiuuwi ang lahat ng ‘to? Tapos baka makita pa ako ng mga kapitbahay ko. Baka isipin pa nila na ninakaw ko lang ang mga ‘yon. Tsaka takaw pansin din ang mga bag na ‘yan sa lugar na tinitirahan ko. Ngayon pa lang ay napapaisip na ako kung paano ko ‘yon iuuwi. “All done! Ayan, hindi ka na mukhang napulot sa tabi-tabi. Perfect!” puri naman sa akin ng bakla at pinalakpakan pa nila akong lahat. Nahiya naman ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. “Ah, here’s the bill. Hintayin mo na lang si Mr. Grayson sa lobby. Ang mga gamit na ‘to ay ipapa-deliver na lang namin sa condo mo.” “Sa condo ko?” nagtataka na tanong ko sa kaniya. “Yes. Hindi ka ba nasabihan ni Ethan? He already gave me the address of your condo earlier.” Napanganga na ako ng tuluyan nang marinig ang sinabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwala na mayroon na agad akong condo na pwedeng tirahan. Parang kanina lang ay usapan lang namin ni Mr. Grayson ‘yon. “I think nagustuhan ka na talaga niya. Nag-send ako sa kaniya kanina ng itsura mo,” dagdag pa ng bakla sa akin. Ah! Naalala ko ang sinabi ni Mr. Grayson sa akin kanina na kapag nagustuhan niya ako ay magkakaroon ako ng condo unit. Hindi ko pa naman naipapakita sa kaniya ang husay ko sa trabaho. Puro kapalpakan pa nga ang naipakita ko. Kaya bakit binigyan na agad niya ako ng condo unit? Sa kaniya ko na lang itatanong mamaya kaysa sa iba pa. “Thank you,” sagot ko na lang sa kaniya. Nagpunta ako sa lobby at umupo roon. Nagulat ako nang makita ang papel na binigay sa akin. Ano?! Totoo ba ‘tong nakikita ko?! Umabot sa isang milyon mahigit ang lahat ng mga gamit na nabili ko?! Hala! Kahit yata ikaltas ‘to sa sahod ko ay kailangan mga limang taon pa na sahod ko. Maya-maya ay dumating na si Mr. Grayson. Napatayo naman agad ako para batiin siya. Kinakabahan ako. Baka mamaya ay pagalitan niya ako dahil ganito kamahal ang nagastos ko rito. E hindi naman ako ang pumili at nagdesisyon ng mga kukunin ko rito. “Are you done?” tanong niya sa akin. Nakayuko lang ako ngayon sa harapan niya. “Y-Yes, Sir.” “Bakit nakayuko ka? Is there a problem?” tanong pa niya muli sa akin. “Oh! You’re back. Sakto naman ang dating mo at tapos na kami. Naipadala ko na rin sa condo niya ang mga gamit niya,” sambit naman ng bakla na kararating lang. “Good work. Where’s the bill?” Ayan na nga! Hinahanap na ang bill! Hindi ko na rin naman pwedeng bawiin ang mga nabili dahil naipadala na pala sa condo na titirahan ko. Ano ba naman ‘tong napasok mo, Pyper! “Oh? Hindi pa ba naiaabot sa ‘yo ni Miss?” Ramdam ko nang nakatingin na sila sa akin ngayon. Nilakasan ko naman ang loob ko at tumingin kay Mr. Grayson. “I promise to pay you back, Sir! Pero… hindi ba masiyadong malaki na ‘to para sa akin?” Dahan-dahan kong inabot sa kaniya ang resibo. Kinuha niya lang ‘yon at saka ibinigay ang black card niya. Grabe! Ang yaman naman talaga niya! Hindi na niya kailangan pa na tingnan ang presyo ng nagastos ko sa lugar na ito. Nang mai-swipe na ang card niya ay nagpaalam na kami sa bakla. Nagpasalamat din ako sa kaniya. Sumunod naman ako agad kay Mr. Grayson at saka kami sumakay sa kotse niya. Wala na siyang driver ngayon. Nahihiya naman ako na tumabi sa kaniya sa passenger’s seat, kaya sa likod na sana ako uupo pero narinig ko na nagsalita siya. “I’m not your driver. Seat beside me,” utos niya. “Oh! Sorry po.” Nang makasakay na ako ay agad na niyang pinaharurot ang kotse paalis. “Sir, is this really necessary? I mean… sobrang laking halaga ng mahigit isang milyon na gamit para sa akin. E ‘di ko pa naman po naipapakita sa ‘yo kung paano ako magtrabaho ng ayos sa kumpaniya.” “Don’t mind it. Just do your work properly.” “Okay po, Sir. Thank you po talaga.” Para tuloy akong naging isang one day billionaire dahil sa mga gamit ko. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala ang matatanggap ko na blessings sa trabaho ko na ‘to. Maya-maya ay nagsalita muli si Mr. Grayson. “Kapag nasa labas tayo, just call me Ethan. You can just call me Sir or Mr. Grayson kapag nasa kumpaniya tayo. Okay?” “P-Po? Pero nakakahiya naman kung tatawagin lang kita sa pangalan mo.” “Pyper, just do what I have said. I prefer you calling me by my first name.” Wala naman akong nagawa kundi ang pumayag na lang. Tutal ay ‘yon ang utos ng amo ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Tapos may inabot siya sa akin na isang box ng iphone. “Open it. Sa ‘yo na ‘yan. Para bago na rin ang phone mo.” Napatingin ako sa phone ko na basag na ang screen. Pero nagagamit ko pa rin naman ng ayos. Grabe talaga! Nagugulat na lang ako at nai-speechless sa mga ibinibigay sa akin ni Mr. Grayson. Tanging ang masasabi ko na lang sa kaniya ay ang magpasalamat ng paulit-ulit. “I don’t think I deserve all of this, Mr. Grayson,” nahihiya pa na sambit ko sa kaniya. “You deserve all of it. Because… I want the best for my sexytary.”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม