LUSTFUL 8

1612 คำ
H-Huh? He doesn’t like my style? Napatingin naman ako sa itsura ko. “But, Sir? Ano po ang mali sa suot ko? Formal attire naman po ‘to,” pagdadahilan ko pa. Kinakabahan ako dahil baka mamaya ay wala pa ngang sahod tapos may kaltas na agad dahil kailangan kong bumili ng mga bagong damit ngayon. Hindi ko man sa mamahalin na mall nabili ang mga damit ko, pero mga maaayos naman at mukhang brand new. Sa ukay-ukay ko nga lang nabili ‘tong mga damit ko. Pero wala namang damage at hindi pa rin naman ako minumulto ng mga dating may-ari nito. Tsaka mukhang branded pa nga! Magaling akong pumili ng damit ko ‘no. “You look like a… what do you call it? Uhm… ah! Losyang.” Sa paraan ng pagsabi niya ng salitang ‘losyang’ ay napaka-sosyal. Pakiramdam ko ay na-offend naman ako sa sinabi niya. “You look like stress. Baka isipin pa ng mga tao na makakakita sa ‘yo na ini-stress ka ng amo mo dahil sa itsura mo. And besides, sino naman ang magsusuot pa ng ganiyang klaseng jeans in this modern world? I liked your style when I first saw you. Kaya bakit ganiyan na ang suot mo ngayon? Dahil ba sa kamamadali mo ‘yan kanina para makapasok? And who’s in the right mind to go to work with a broken shoes? And your hair—” “Sir. Sir. Tama na po. Okay, I understand it na. I accept it. No more comments about my appearance,” pigil ko naman sa kaniya. Hindi naman ako sensitive. Pero nakakaramdam ako ng sobrang kahihiyan ngayon dahil sa mga sinasabi niya sa akin. Siya pa naman ang boss ko. Confident pa naman ako sa mga isinusuot ko. Pero parang simula ngayon ay magdadalawang isip na ako palagi kung maganda ba ako sa suot ko o hindi. Nalait na niya ang paraan kung paano ako pumili ng isusuot na damit sa kada araw. “But you’re still beautiful. I just want to improve your style. Your hair is already good and… smells so sweet,” dagdag na kumento pa niya. Akala niya yata ay matutuwa ako sa sinabi niya na papuri sa akin. Pero mas lalo lang akong nakaramdam ng hiya. Hindi ko naman inaasahan na makakatanggap ako ng gano’ng papuri mula sa CEO at President ng kumpaniya kung saan ako nagtatrabaho! Ugh! Nawala na ang confidence ko. “So, Sir… Ikakaltas po ba sa sahod ko ang mga ipapabili mo sa akin ngayon na gamit ko?” nahihiya pa na tanong ko sa kaniya. “No. It’s all on me. Wala ka nang kailangan pa na isipin. I just want the best for my secretary.” Siguro naman ay ‘di lang siya sa akin ganito, ‘no? Kasama kaya ito sa benefit bilang isang sekretarya? Wala pa kasi akong napipirmahan na kontrata para sa trabaho ko na ‘to. Sinabihan lang ako na kailangan daw muna na tingnan ang performance ko, bago ako maging regular employee. Pero kasama naman na ‘to sa bilang ng araw na may sasahurin na ako. “Oh. Wala ka pang kontrata bilang sekretarya ko, ‘di ba? Kaya hindi mo pa alam kung magkano ang sasahurin mo sa pagtatrabaho sa akin?” “Ah, yes po. For observation pa raw po kasi ako kaya hindi pa talaga ako regular employee,” sagot ko naman sa kaniya. “Your salary will be thirty thousand pesos per month. Bukod pa ang mga incentives mo and other benefits. Ah, saan ka nga pala nakatira? Kapag nagustuhan kita, pwede kang tumira sa isang condo at wala ka nang babayaran pa na kahit na ano.” Natuwa naman ako nang marinig ang sinabi niya sa akin. Wow! Ang laki pala ng magiging sahod ko. I can’t wait to get my first ever salary! Tapos may mga incentives and benefits pa? Ang bongga naman pala. Hindi na ako magtataka. E ang yaman naman nitong kasama ko ngayon. Malamang ay basic lang sa kaniya ang gano’ng kalaki na pera. Para sa kaniya ay mababa lang na halaga ‘yon. Pero para sa akin ay sobrang laki na no’n. Malaki rin ang maiipon ko. Dahil mura lang naman ang renta ko sa apartment tapos ang kuryente ko naman ay siguro hindi naman sobrang malaki. Tapos groceries ko din. ‘Yon lang naman ang mga gastos ko kada buwan. “Wow, talaga po ba? Thank you so much for your generosity, Mr. Grayson,” masaya naman na sagot ko sa kaniya. “Just do your job properly.” Naalala ko naman ang sinabi niya na pwede akong tumira sa isang condo kapag nagustuhan niya ako. Paanong nagustuhan ang ibig niyang sabihin? Kapag nagustuhan niya ang pagtatrabaho ko at nakita niya na mahusay ako sa trabaho? Gano’n ba? Pero kahit ano pa man ‘yan ay masaya ako. I feel determined now. Talagang pagbubutihin ko ang pagtatrabaho para makatira ako sa isang condo at makuha ang gano’ng kalaking sahod. Hindi ko sasayangin ang oportunidad na ‘to. “Noted, Mr. Grayson. I will show you what I got.” Ngumisi naman siya ng bahagya at saka tiningnan ako mula sa ulo ko hanggang sa dibdib ko. “That’s what I like to see,” sagot pa niya sa akin. Nginitian ko na lang din siya at saka kami bumaba sa isang boutique na ngayon ko lang napuntahan. Malaki ang boutique na ‘yon. Sa tabi niya ay may mga makeup stores and salon. May spa rin. Nang makababa na kami ay sinundan ko lang si Mr. Grayson papunta sa loob ng boutique na puro mga damit pagbabae ang laman. Mukhang iisa lang ang may-ari ng mga businesses na narito. Nakapaa pa ako maglakad dahil ang sirang sandals ko ay hindi ko na sinuot pa. Nakakahiya tuloy dahil mukha akong palaboy dito na sinama lang. “Good morning, Mr. Grayson! It’s nice to see you back here again!” bati naman ng isang gay. Mukhang kilala na rito si Mr. Grayson base sa bati ng bakla sa kaniya at mukhang siya ang head sa boutique na ‘to. Siguro ay dinadala rin naman dito ni Mr. Grayson ang mga nauna niyang secretary. Kung ganito naman pala kaganda at kaayos ang mga benefits, bakit pa kaya sila nag-resign sa trabaho? But anyways, thankful naman ako na umalis sila dahil nakuha ko na ang posisyon na ‘to. “You know what to do,” simpleng sagot lang ni Mr. Grayson. Napatingin naman sa akin ang bakla at nakita ko na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang makita na naka-paa lang ako ngayon. Nakakahiya naman! Pakiramdam ko ay hinuhusgahan na niya ang buong pagkatao ko ngayon. “Oh! Where did you get this new girl? Mukhang napabayaan na ng panahon dahil sa itsura. But… she have a beautiful face!” Hindi ko alam kung lait ba ang sinabi sa akin ng bakla o puri. Parang minaliit pa niya ako. Pero wala naman akong karapatan na labanan siya o sagutin. Ayoko naman na ipahiya si Mr. Grayson. “Just style her up. I will be back here after two hours.” What? Iiwan ako ni Mr. Grayson dito ng dalawang oras?! Nakakahiya! Hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin ko kapah kinausap ako rito. Tiningnan naman ako ni Mr. Grayson at saka niya ako nilapitan. “I have a meeting to attend. Late na nga ako dahil late ka rin na dumating. Hindi mo ako nasabihan beforehand. Make sure na ‘di na ‘to mauulit sa susunod.” Oh, great! Dahil na-late ako ng pasok at na-distract ako sa paghila ni Mr. Grayson sa akin kanina, nakalimutan ko na ang tungkol sa meeting niya ngayong umaga. Napayuko naman ako. Nakakahiya talaga! Tatagal pa ba ako sa trabaho na ‘to? Ang clumsy ko. Ang kapal pa ng mukha ko kanina na ma-excite dahil sa sinabi niyang sasahurin ko. Pero ‘di ko naman nagagawa ng tama ang trabaho ko. Gising, Pyper! ‘Wag ka munang ma-excite habang hindi mo pa deserve na mabigyan ng sahod. “I’m sorry, Mr. Grayson. I promise that I will never do that again.” “It’s okay.” Umalis na siya at naiwan na lang ako rito sa boutique. Baka hinuhusgahan na rin nila ako dahil narinig nila ang sinabi ni Mr. Grayson. Nakayuko pa rin ako ngayon. Hinihintay ko lang na tawagin ako. “Chin up, girl. We won’t judge you naman. Alam naman namin na… hindi ‘yan ang tunay mo na trabaho,” sambit naman ng bakla sa akin. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang nagtataka dahil sa sinabi niya na ‘yon. “Po? Ano po ang ibig mong sabihin?” Nagkatinginan naman sila ng ibang staffs dito. “Oh! Just kidding, my dear. Simulan na natin ang total makeover mo! I’m so excited for the result. Acckk!” Hinila na niya ako papunta sa mga magaganda at mamahalin na damit. Ito ang unang beses ko na makakita ng ganito. Tapos mahahawakan ko pa at maisusuot. Is this a dream come true for me? “May I ask if lahat ba ng mga sekretarya ni Mr. Grayson noon ay dinadala niya rin dito?” tanong ko naman dahil kuryoso ako. “What do you think, Madam?” binalik niya lang sa akin ang tanong. “Hmmm… I think, yes.” “You’re wrong, sissy! Ikaw pa lang ang nadala niya rito na secretary niya.” Napakunot naman ang noo ko. “Then, bakit kilala niyo na siya rito?” “Hindi naman mga secretary niya ang dinadala niya rito, eh. Kundi mga collections niya… which are women!”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม