CHAPTER 15

1104 คำ
Chapter 15 Selos Walang buhay na umupo siya sa loob ng cottage at napasimangot. Palagi na lang siyang iniiwan ni Ross. "Hey, Jorden!" Napalingon siya nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Fastian at napatayo siya kaagad. Kasama nito ang asawa't anak at napatingin siya kay Farchiara. Gulat ang naging reaksyon niya nang makita ang kasuotan nito. Ngunit hindi siya nagpahalata na nagulat talaga siya. Nakasuot na ngayon ang dalaga ng manipis na summer dress at kitang-kita ang panloob na kasuotan nito. Parang nawala ang pagka-conservative ng dalaga. 'Wew...' "Hey, Fastian. Where are you going?" tanong niya sa seryosong boses. "Maglalakad-lakad lang sana kami Jorden pero parang masyadong mainit pa ang sikat ng araw," sambit nito. Napatingin ito sa itaas at ang palad nito ay nasa noo para hindi masilawan. "Ah...maganda kung mamayang hapon na lang po kayo maglakad-lakad, Fastian. Dahil hindi masyadong mainit ang araw," aniya at tiningnan ang asawa nito. "Kumain na po ba kayo?" "Hindi pa hijo," sagot ng ginang. "Mabuti pa hong sumabay na kayo sa 'kin," sambit niya at kasabay na dumating na ang staff. "Oo ba," masayang sambit ng ginang. Tinulungan niya ang staff sa paglalagay ng mga pagkain sa table. Habang ang asawa't anak ni Fastian ay nanood lamang kay Jorden at may paghanga sa binata. Nang matapos na ito sa pag-aayos ng mga plato na may pagkain ay inaya na silang kumain. Masayang nagsalo-salo sila. Saglit na kinalimutan ni Jorden ang panghihinayang iniwan siya ni Ross. Na palagi nitong ginagawa sa tuwing umaalis naman siya. *** Busog na busog si Ross matapos nilang kainin ang masarap na niluto ni Aleng Camnia. Parang lumaki yata ang tiyan niya at pinagpawisan siya sa pagkain ng masasarap na pagkain. Talagang masarap magluto ang nanay ni Rie. Baka tumaba siya. "Busog na ako, ate!" natatawang sambit ni Rie at nakahawak ito sa tiyan at sumandal sa likuran ng upuan sa cottage. Ngumiti na lang siya at inabot ang tubig saka ininum. "Umuwi na tayo pagkatapos, ate," sambit nito habang nagliligpit na ito ng pinagkainan nila. Naalala na naman niya ang binata. Sigurado siyang hinahanap na siya nito. Bigla-bigla ba naman kasi siyang umaalis. "Tara na, ate, idaan na muna natin ito kay nanay." Tumango lamang siya saka sumunod kay Rie at naglakad sila patungo sa kusina. *** Nang matapos kumain nina Jorden at kasamahan niya ay bigla silang iniwan ng mag-asawa at nagrason na maglalakad-lakad lang. Naiwan siya kasama si Farchiara at naiilang siya dahil nahahalata niyang nagpapa-pansin sa kanya ang dalaga. Minsan uupo ito at ipapakita sa kanya ang maganda at makinis nitong legs. At dahil weakness niya iyon ay hindi niya mapigilan ang mapatingin. Nakikita niya rin na napapangisi ang dalaga. Bakit parang bumalik ang pagka-attract niya sa dalaga? Bakit yata gusto niyang ipagpatuloy ulit ang plinano niya na pasayahin ito? Napalunok siya ng biglang hinubad nito ang manipis na summer dress at nakita nga niya ang magandang katawan nito. Lumapit ito sa kanya at walang sere-seremonyang hinalikan siya sa labi. Gulat na gulat siya sa pangyayari. He taste her lips and he couldn't control himself too but to respond her kisses. She encircled her arms on his neck and his arms slide on her waist. Hinapit niya ang dalaga palapit sa katawan niya and he felt her soft breast. 'Damn...' Napaungol ang dalaga ng kinagat niya ang labi nito. *** Si Rie lang ang pumasok sa kusina at naghintay siya sa may pintuan. Ilang minuto lang ay lumabas na si Rie at may dalang isang tupperware. "Para sa dessert natin, ate," nakangiting saad nito at napangiti rin siya. Nakakatuwang panoorin ito lalo na kung nakangiti at tumatawa. Magaan ang loob niya kay Rie. Pagkalabas nila mula sa bahay-bakasyunan ay sinulyapan niya ang cottage. Kung saan kakain sana sila ng lunch ni Jorden. Pero nang makita ang dalawang taong nasa loob ng cottage ay parang may kung ano'ng kumurot sa puso niya. Mariin, dahilan nang pagsikip da dibdib niya. Nagulat siya sa mga ginagawa nito at hindi niya mapigilan ang magalit sa binata. May girlfriend na pala ito tapos nilalapitan pa siya nito? "Tara na, ate?" Medyo nagulat siya nang mapatingin sa gawi nila ang binata, kaya naman ay mabilis na siyang naglakad. Bakit...parang may iba siyang pakiramdam? Bakit parang nasasaktan siya sa kanyang nasaksihan? Parang nagseselos siya. Pero hindi naman niya boyfriend ang binata o hindi naman niya ito mahal. Hindi naman talaga sila magkakilala. Pero bakit nga ba nagseselos siya? *** Biglang naitulak ni Jorden ang dalaga nang makita niya si Ross. Baka ano pang isipin no'n at bakit ba siya nagpadala sa tukso? "What's wrong, Jorden?" Hindi niya pinansin ang tanong ni Farchiara at mabilis na tumakbo para habulin si Ross. Kasi naman eh, bakit nga ba siya nagpadala sa katuksuhan? Gayong may babae pa siyang balak na kunin ang loob at tiwala nito. Para tuluyan siyang makapasok sa buhay nito. Napasabunot siya sa kanyang buhok nang hindi na niya makita si Ross. Palinga-linga siya sa paligid at mahinang napapamura. Pero sadyang hindi niya talaga naabutan si Ross. Humugot siya nang malalim na hininga at padabog na pumasok sa bahay-bakasyunan. Pagkapasok pa lamang niya sa kuwarto niya ay dumiretso siya sa banyo at naligo. Naiinis siya sa kanyang sarili. Baka iba na ang iisipin ng dalaga sa kanya at baka mawawala na naman ang tiwala nito sa kanya. Hindi pa nga iyon nabubuo eh, tapos mawawala na kaagad? "s**t, Jorden..." Tinapat niya ang kanyang ulo sa shower at mariin na pinikit ang kanyang mga mata. *** Naiinis at nagagalit na naman si Farchiara. Bakit naman kaya bigla siyang tinulak ng binata? At bigla-bigla na lamang siyang iniwan nito. Parang natakot na ewan. Napatakip siya sa kanyang bibig ng may naalala na posibleng rason kung bakit siya tinulak ni Jorden. "Mabaho ba ang hininga ko? Ah!" *** Pagkarating nila sa bahay nina Rie ay kaagad na siyang pumasok sa loob ng kuwartong tinutulugan niya. Humiga siya sa maliit na kama at naaalala na naman niya ang kanina. May kahalikan si Jorden at halatang girlfriend nito ang babae. Hindi naman siguro hahalikan nito ang babae kung hindi nga girlfriend nito, 'di ba? Muli na naman niyang naramdaman ang pagkirot ng puso niya at napabuntong-hininga. "Ate, hindi ka na kakain ng pinya?" dinig niyang sambit ni Rie. Hindi niya ito pinansin at pinikit niya ang kanyang mga mata. Parang naiinis siya sa kanyang sarili dahil sa kanyang nararamdaman ngayon. Nag-iinit ang dibdib niya. Bakit siya nagseselos? Bakit niya pinagseselosan ang babaeng kahalikan ng binata? Bakit niya ito narararamdaman? Ah, wala siyang maisip na dahilan kung bakit at paano. Basta ang alam niya ay gusto niya lang ang binata.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม