CHAPTER 17

1071 คำ
Chapter 17 American citizen Maganda ang panahon ngayon. Masarap at malamig ang simoy ng hangin. Ang sikat ng araw ay nagkikislapan sa magandang asul na dagat. Tahimik at payapa ang isla at tanging paghampas lang ng alon ang siyang maririnig. Muli na naman niyang napagmasdan ang malaking bahay-bakasyunan. Kasabay nito ang pagpintig ng puso niya. "Tutulong lang po ako sa pagluluto, ate. Sa ngayon ay si nanay ang nag-aalalaga kay ate Carlea. Kaya kailangan kong palitan si nanay," she said and somehow she understand her. She just smiled at her at muling pinasadahan nang tingin ang paligid. "Sa may garden ka ulit tatambay, ate? O sa pool?" tanong nito kapagkuwan. Garden at pool lang ang nakuha niyang salita. Kasalukuyan na silang naglalakad papasok sa bahay-bakasyunan. Tinuro lang ni Ross ang direksyon ng garden at tumango lang ito bago sila naghiwalay ng landas. Pagkarating niya sa may garden ay kaagad siyang sumampa sa duyan. Mukhang paborito na niya ang sumampa sa duyan. Ngayon ay nakahiga na siya sa duyan at tinitigan niya ang kisame ng cottage sa garden. Hanggang ngayon ay napapaisip pa siya sa mga nangyari sa kanya sa nakaraan. Ilang araw na ang nagdaan at wala pa rin siyang naaalala. Hindi niya alam kung bakit nawala ang memorya niya at curious siya kung sino ba talaga siya at ano ba ang totoo niyang pagkatao. Pero sa mga oras na inaalala niya iyon ay kumikirot talaga ang ulo niya at pakiramdam niya ay sasabog ito. Pinikit niya ang kanyang mga mata at napahinga nang malalim. Sa pagpikit pa lamang ng kanyang mga mata ay agad na siyang napamulat. Imahe ng binata ang kanyang nakita. Hindi niya alam sa sarili kung bakit talaga na hinahanap-hanap niya ito. Parang nasabik siya sa presensya nito. Ganito kaya ang magkagusto sa isang lalaki? Parang gusto niyang makita palagi ang binata. Ah, para siyang mababaliw at hindi makapag-isip nang maayos. *** Nakailang libot na ba siya sa bahay-baksyunan? Nakailang pabalik-balik na siya sa may cottage? Patingin-tingin sa mga bisita at umaasa na makikita niya ulit ang dalaga. Pero parang napagod lang siya sa paghahanap. Pinagpawisan na siya at sumakit lamang ang ulo niya. Umupo siya sa loob ng cottage at pinagmasdan lamang ang asul na karagatan. Pinakinggan ang paghampas ng alon. Yumakap sa kanya ang malamig na hangin. Sinuklay niya ang buhok niya na gamit ang kanyang sariling kamay. Mukhang nabigo siya at talagang mahirap hanapin ang dalaga. Sa ilang minutong pananatili niya sa loob ng cottage at sa pagtatanaw sa magandang asul na dagat ay nakita niya ang manugang ni Mang Prodencio at may dalang maraming paso ng bulaklak. Mukhang nahihirapan ito sa pagbubuhat. Dahil sa kagandahang loob niya ay naglakad siya palapit kay Franco. Well, pili lang naman ang mga tao. Hindi siya mabait, okay? Yes, he's too snob at walang pakialam sa mga mahihirap. He's not that kind to help poor people. But this man is different at manugang nga ito ng taong paborito niya at malapit sa kanya. "Tulungan na kita," aniya at mabilis na inagaw ang iilan na paso. "Naku ikaw pala, Jorden, salamat po." Kahit Jorden na ang tawag nito sa kanya ay naroon pa rin ang pagrespeto nito sa kanya. "No problem, hindi ko na pala nakikita si Aleng Camnia sa kusina." "Ah si nanay, nag-aalaga ngayon sa asawa ko." "Nalaman kong buntis daw si ate Carlea. Kung ganoon nanganak na siya?" gulat na tanong niya kay Franco. "Oo," tipid na sagot nito saka ngumiti. "Wow, congrats!" "Salamat." Dinala nila sa garden ang mga paso at nilapag lang sa gilid nito. Inayos na muna nila ito isa-isa. "Salamat ulit, Jorden. Dumalaw ka minsan sa amin para makita mo ang pangalawa kong anak," sambit nito at tinapik siya sa balikat. "Oo ba," mabilis na sagot niya at ilang saglit lamang ay nagpaalam na ito sa kanya. Babalik na rin sana siya sa cottage nang mapatingin siya sa mga halamang nakatanim dito. Lalo na sa cottage naman na nandito sa garden. Parang may nag-uudyok sa kanya na manatili na muna rito at nakita na lamang niya ang sarili niya na naglalakad patungo sa cottage o greenhouse. *** Kasalukuyang nag-tutupi ng mga damit si Aleng Camnia. Nasa bahay siya ng kanyang anak at pansamantalang nag-aalalaga. "Inay ano po sa tingin niyo si Ross? " biglang tanong nito na nakahiga lamang sa kama nito. Katabi nito ang bagong silang na anak na babae. Mahimbing itong natutulog at ang panganay nitong anak ay nakaupo lamang sa tabi ni Aleng Camnia. Naglalaro ito. "Ano'ng ibig mong sabihin anak?" balik na tanong niya sa kanyang anak at mataman itong tiningnan. "Si Ross po, 'nay. Taga-Manila kaya siya? 'Yong mga kilos niya kasi 'nay ay parang kakaiba eh. Tingnan mo na lang po kung kumakain siya," mahabang saad nito at natigilan siya. "Wala akong maisip para tungkol diyan, kahit ako ay hindi ko rin alam kung saan siya nagmula o kung sino ba talaga siya," aniya sa mahinang boses at pinagpatuloy ang pagtutupi ng mga damit. "Nanay, baka American citizen siya?" "Naku, hindi ko alam Carlea," naiiling na sambit niya. Wala naman talagang ideya ang ginang. "Hiniram niya kasi ang dictionary ko, nanay eh," sambit nito at may pagdududa sa boses. "Ano naman ang mayroon doon, Carlea?" kunot-noong tanong niya sa kanyang anak. "English-Filipino dictionary po 'yon 'nay. Sa tingin niyo, bakit siya nagkaroon ng interest na basahin ang mga iyon?" makulit na tanong nito sa kanya. "Gusto lamang libangin ang sarili sa pagbabasa?" sagot niya pero patanong naman. "Hindi, 'nay, ang dami kong novel story dito ah. Bakit lilibangin niya ang sarili niya sa pagbabasa ng dictionary? Marami siyang pagpipilian na babasahin sa aparador ko. Pero iyon talaga ang hiniram niya," saad nito. "Naku, huwag mo akong guluhin Carlea." "Nanay, baka taga-America siya!" masayang saad nito at may ngiti sa labi. Muling kumunot ang kanyang noo at napapailing na lamang sa kakulitan ng kanyang anak. "Interesado ako sa pagkatao ni Ross, nanay. Gusto kong malaman kung saan siya nagmula at kung sino ba talaga siya. Kung bakit napadpad siya rito sa isla at kung ano ba ang nangyari sa kanya," naging seryoso na ang mukha nito at mataman siyang tinitigan. "Maging kami ng tatay mo ay interesado rin, Carlea. Hintayin na lamang natin ang muling pagbalik ng kanyang mga alaala. Huwag natin siyang pilitin lalo." "Basta nanay. American citizen po talaga siya. Subukan ko nga siyang kausapin ng salitang English," anito at may ngisi sa labi.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม