"Mukhang sa lunes pa talaga tayo makakalabas dito, Thad." Sambit sa akin ni Leo dahilan para mapasimangot ako sa kanya. Hindi ko mapigilang mainis sa isipang dito sa loob ng kulungan ako magpapalipas ng gabi, hindi lang isa o dalawa pero tatlong gabi. Sanay na naman akong matulog sa matigas at malamig na sahig pero iba pa rin talaga kapag alam mong sa isang kulungan ka magpapalipas ng gabi. "Tsk! Ano pa nga bang magagawa ko? Kung alam ko lang na sa kulungan ako pupulutin nitong ginawa natin ay hindi na sana ako pumayag sa raket na 'to." Inis kong sambit kay Leo at kita kong nagtagpo ang kilay nito na para bang kanina lang din ito nagtitimpi sa kanyang galit. "Tangina! Hindi ko 'to plinano, Thad. Hindi ko ginusto na makulong tayo rito." Galit na tugon sa akin ni Leo at bigla nitong sinipa

