"Tangina! Ang boring na rito." Reklamo ni Leo sa akin at itinapon nito ang hawak na cellphone sa kama. Tinaasan ko lamang ito ng kilay at napailing-iling na lamang dahil maski ako ay nakakaramdam na rin ng pagkabagot dito sa loob ng VIP room. Huling araw na namin ni Leo rito dahil makakalaya na kami sa wakas bukas at hindi na ako makapaghintay pa. "Nakalimutan mo kasing i-request kay attorney Suarez na padalhan din tayo ng babae, Leo, kaya sobrang boring dito sa loob." Pabirong sambit ko kay Leo pero mukhang sineryoso ata nito ang aking sinabi dahil biglang sumilay ang isang malokong ngisi sa labi nito at dali-daling lumundag sa kama katabi ko at muling kinuha ang kanyang cellphone. "Shít! I can call attorney Suarez to deliver a w***e in this room, bakit hindi ko ito agad naisip?" Sambit

