Kabanata IV

1367 คำ
Wala sa sarili akong naglakad papasok sa classroom. Ang totoo ay halos hindi ako nakatulog dahil sa nangyaring aksidente kay Christian. Tuluyan na nga itong pinutulan ng kaliwang binti, at sa ikalawang pagkakataon ay hindi na naman siya makakapaglakad ng maayos. Pagkarating sa hallway ay agad kong natanaw ang tila may hinihintay na si Rigel. At mukhang ako iyon. "Pakiusap lang, wala ako sa wisyo makipagtalo ngayon." Inunahan ko na ito. Tutuloy na sana ako sa pagpasok sa room pero inagaw niya ang kamay ko. "Rigel–" "Sa tingin mo nagkataon lang ang nangyaring iyon kay Christian?" Kalmado kong binawi ang kamay ko saka ko sinalubong ang mga tingin niya. "Anong nais mong ipakahulugan?" "Hindi nakakalakad si Christian noon dahil maliit ang kaliwa niyang paa. Tapos ngayon bigla na lang siyang naaksidente na nauwi sa pagputol sa kaliwang paa niya. Hindi iyon nagkataon lang, Elias." "Ikaw na mismo ang nagsabi, aksidente ang nangyari. Hindi parin nagbabago ang pasya ko. Kaya pakiusap lang, h‘wag mo na akong kulitin." Nilagpasan ko na ito. Masiyadong magulo ang isip ko para makipagtalo pa sa kaniya. Lahat ng bagay mayroong kapalit. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang salitang iyon ni Rigel. Pilit kong itinatanggi na posibleng totoo ang mga sinabi niya. Pero sa tuwing naiisip ko ang sinapit ni Christian, hindi ko maiwasang matakot. Noong mag uwian sa hapon ay nagmadali na akong tumungo sa Hospital para dalawin si Christian. Naghahabol pa ako sa hininga noong pumasok ako sa silid nito. Naabutan kong gising si Tian, nakahiga ito habang nakatitig sa puting kisame. "Tian, kumusta na ang pakiramdam mo?" Sandali ako nitong tinapunan ng tingin saka ibinalik sa kisame ang mga mata. Naupo ako sa upuan sa tabi nito sabay patong ng kamay sa braso niya. "Tian–" Napahinto ako noong alisin niya ang pagkakapatong ng kamay ko. Wala parin siyang binibitawan na salita at nanatiling nasa kisame ang titig. Sa huli ay nagpasya lang akong lumabas kung saan naghihintay si Aling Vivian. "Simula nang makita niyang pinutol ang binti niya, hindi na siya nagsalita pa." Bakas ang awa at pag aalala sa mukha nito. "Matatag po si Christian. Matatanggap niya rin ito tulad noon." "Tulad noon?" nagtataka niyang tanong "Ibig ko pong sabihin, tulad nung mga pagharap niya sa mga pagsubok noon. Makakaya niya rin ‘to." Napatango na lang ito. Tama. Kakayanin itong tanggapin ni Christian. Alam kong matatag siya. Mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan na ngang pinayagang makauwi si Christian. Sa halos dalawang linggo na nasa Hospital siya ay araw araw ko siyang dinadalaw, ngunit ni minsan ay hindi niya ako kinausap. Palagi lang itong nakatulala sa kawalan. "Tian, kausapin mo naman na ako. Hindi ako sanay ng ganito ka katahimik." saad ko noong kami na lang dalawa sa kwarto niya Nakaupo ito sa wheelchair paharap sa bintana. Malayo na naman ang tinatanaw nito. "Tian. . ." "Sana natuluyan na lang ako." Napatuwid ako sa pagkakatayo dahil sa sinabi nito. "Hoy, ano ka ba naman? Isang paa lang nawala sa‘yo, marami–" "Isang paa lang?" Umikot itong paharap sa akin. "Elias, wala na akong silbi. Itong isang paa na nila-lang mo, ito ang buhay ko. Paano na ako ang pagiging track and field athlete ko?" Nag unahan sa pagdaloy ang mga luha niya. Siguro ay napakatagal niyang kinikimkim ang hinanakit na iyon. Dinaluhan ko ito saka ako yumuko ka-level niya. "Tian hindi, hindi lang ang pagtakbo ang talento mo. Ito. . ." Kinuha ko ang dalawang kamay niya. ". . talentado ang mga kamay na ‘to. Magaling kang gumuhit at magpinta." Kahit umiiyak ay nakita ko ang pagkunot ng noo nito. "Anong pinagsasabi mo? Ni katiting ay wala akong galing sa pagguhit." "Hindi. Patutunayan ko sa‘yo." Tumayo ako at kinuha ang papel at lapis sa study table niya. "Ito, subukan mong gumuhit. Christian subukan mo lang, makikita mong hindi ka lang sa pagtakbo magaling." Naguguluhan man ay wala na itong nagawa dahil pinagpipilitan ko sa kaniya ang papel at panulat. "Iguhit mo ako." dagdag ko pa saka naupo sa kama sa harap niya Dahan dahang kumilos ang mga kamay niya habang pasalit salit ang tingin sa akin at sa papel. Halos tatlong minuto na kami sa ganoong sitwasyon noong bigla na lang siyang huminto. "Tigilan na natin ang kalokohang ‘to." aniya sabay inilapag sa kama ang papel at panulat saka ako iniwan mag isa Dinampot ko ang papel na nandoon pero wala akong nakitang kahit anong guhit. Napabuntong hininga na lang ako. Ano bang dapat kong gawin para bigyan ng pag-asa si Christian? Dahil sa nangyari ay nagpasya na lang akong umuwi. Baka kailangan pa niya ng panahon para matanggap ang nangyari. "Elias, huwag kang mapagod palakasin ang loob ng kaibigan mo ah. Mahirap ang pinagdadaanan niya." salubong sa akin ni Tatay sabay patong ng kamay sa balikat ko "Opo Tay. Di ako mapapagod." Tatlong araw na ang lumilipas simula noong makauwi si Christian. Hindi parin ito nakikipag usap sa akin at maging sa kaniyang ina. Maging ang pagpasok sa eskwela ay hindi na rin nito inaalala. Palagi lang siyang nakakulong sa kwarto at nakatulala sa malayo. Ngunit gaya ng ipinangako ko ay hindi ako mapapagod na palakasin ang loob niya. Kung kulang pa ang araw araw na pagdalaw ko ay hihigitan ko pa roon ang gagawin ko. Kinausap ko ang mga kaklase at guro nito, na puntahan namin siya bukas, araw ng sabado. Gusto kong maramdaman niyang hindi siya nag iisa. Madami kaming naniniwalang malalagpasan niya ang pagsubok na ito. Dahil sa excitement ay naging mababaw ang tulog ko noong gabing iyon. Kaya naman agad akong nagising noong may marinig akong sigaw. "Christian! Anak ko!" Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at mukhang maging sina Tatay at Nanay ay nagising din sa sigaw na iyon. Walang salita kaming nagsitakbuhan patungo sa kabilang bahay. "Vivian! Vivian buksan mo ang pinto!" sigaw ni Tatay pero tanging ang hagulhol na iyak lang ng ginang ang narinig namin. Sa huli ay sinipa na lang ni Tatay ang pinto upang makapasok kami. Napaka-bilis ng t***k ng puso ko. Paulit-ulit kong hinihiling na sana ay mali ang iniisip ko. Pero. . . Gumuho lahat ng pag asa ko noong marating namin ang silid ni Christian. Doon ay sumalubong sa amin ang katawan nitong nakalambitin sa ere. Habang si Aling Vivian ay humihikbing pilit iniaangat ang paa niya. Napaatras ako sa sitwasyong nasa harapan ko. Hindi. Hindi totoo ‘to! Hindi gagawin ng Christian na kilala ko ang ganitong bagay. Noong maibaba na ni Tatay ang katawan nito at sinubok niya pa itong i-cpr pero wala na, huli na. "Elias. . ." Tuluyan na akong nanlumo noong yakapin ako ni Nanay. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko matanggap. Hindi ko tatanggapin ‘to. Para akong tinakasan ng katinuan at hindi ko namalayang dumating na pala ang ambulansiya. At dahil tila nawala na sa sarili ang Ginang ay minarapat na lang ni Tatay na siya na ang sumama sa ambulansiya. May dumating rin na mga pulis na sumuri sa kwarto ni Christian. Maya-maya ay lumabas ang isa sa kanila at may iniabot na papel kay Aling Vivian. Hula ko ay isa iyong suicide note, kaya naman mas lalong humagulhol ang ginang na kalaunan ay tinakasan ng ulirat. Nabitawan nito ang papel kaya naman dahan dahan akong tumayo at pinulot ito. Nay, patawarin niyo po ako sa gagawin ko. Ayoko na pong maging pabigat sa inyo. Mag-isa niyo na lang akong binubuhay, ngayon ay mas mahihirapan pa kayo sa akin. Pasensiya na kung ito lang ang kaya kong gawin para pagaanin ang pasanin niyo. Nay, patawad at paalam. Mahal na mahal ko po kayo. Akala ko ay doon na nagtatapos ang sulat pero may kadugtong pa pala ito sa baba. Elias, salamat sa pagiging mabuting kaibigan. Pasensiya na kung hindi na kita masasamahan magbasketball at magbisikleta. Hindi ko malilimutan ang kabaitan mo mula pa noong kabataan natin. Paalam at salamat, kaibigan. -Tian Muling naglandas ang mga luha sa pisngi ko. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ito na ba ang kabayaran sa ginawang hiling ni Christian? ----- See next chapter on w*****d. https://www.wattpad.com/story/287538823?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม