Mrs. Reyes. Panandaliang kinilig ang mga hormones niya dahil sa salitang iyon. Hindi siya ipokrita, lahat naman siguro ng nagmamahal yun ang pangarap di ba? Ang maikasal sa taong mahal nila. Mrs. Reyes. Masarap pakinggan. Ramdam pa rin niya ang bahagyang pangingisay ng mga hormones niya dahil sa kilig na dulot na mga salitang iyon. Agad na nalukot ang mukha niya. Nakakapagod. Oo, nakakapagod. Dahil ang literal pala na transalation ng Mrs. Reyes na yan ay all-around yayey! Hindi pa man siya sumasagot sa tanong nito kung payag na siyang maging Mrs Reyes ay agad siya nitong binirahan ng, "This little house will be your on the job training. Siyempre you will be graded and evaluated after. Titignan ko kung papasa ka sa standards ko para sagutin na kita." Nagngitngit ulit ang mga brainc

