Iyak nang iyak si Raine habang minamaneho ang kotse patungo sa pinakamalapit na ospital. Hindi niya maiwasan ang mapamura ng halos ilang bayan na ang nadaanan nila pero wala pa rin siyang makitang ospital. Sinulyapan niya si Carlo na noon ay nasa passeger's seat na, namumuti na rin ang bibig nito. Hindi naampat ng panyong itinali niya sa braso nito ang patuloy na pag-agos ng dugo mula roon. Marahas niyang pinalis ang kanyang mga luha, hindi iyon dapat ang ginagawa niya. Kailangan niyang makahanap ng ospital para magamot si Carlo. Sampung minuto pa ang lumipas ng marating nila ang isang ospital. Halos talunin niya ang paglabas sa kotse at pagimporma sa ER na may paseyente siya at kailangan ng atensyong medikal. Agad namang lumabas ang mga nurse at aide na may bitbit na stretcher. Maingat

