Ilang beses tumawag si Lupa kay Hilaya nang makarating sila sa isang malaking puno ng Narra. Ngunit wala man lamang sa kanilang humaharap o nagpapakitang lalaki na diwata. Hindi alam ni Lupa kung paano pa mapapalabas si Hilaya, nasubukan na niya ang paraan na alam pero wala pa ring nangyari. Huminga siya nang malalim saka bumaling kay Wave. "Mukhang walang balak tayong harapin ni Hilaya," turan niya, at inilibot ang kanyang buong paningin sa paligid. Umaasa na makikita niyang nagtatago sa mga puno ang diwatang lalaki. Ngunit kahit bakas nito ay wala siyang maramdaman. Nauubos na ang kanilang oras ni Wave. Kailangan nilang magmadali at baka kung ano pa ang mangyari kina Asula at Evan. "May alam ka pa ba na pwede niyang puntahan?" tanong ni Wave na hindi na rin mapakali sa kinatatayuan

