Chapter 8

2349 คำ
HINDI MAPIGILAN NI ASULA ANG kabahan kaya't mahigpit ang pagkakapit niya kay Wave. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla na lamang sumusulong sa isang labanan si Wave na hindi handa. Hindi kayà delikado ang pagsulong nito na wala sa oras? Nasa harap na sila ng malaking pinto ng bahay ni Geoban. Nagsimula na ring kumatok si Wave para pagbuksan sila ng pinto. Pigil na pigil ni Asula ang hininga habang hinihintay na bumukas iyon. Ngunit bago pa muling kumatok sa pinto si Wave ay may isang nagbabagang apoy ang humarang sa kanilang harapan. Hindi niya napigilan ang mapasigaw. “Damn!” Rinig niyang sigaw ni Wave habang pinapapunta siya sa likuran nito. “Inaasahan ko nang hindi malinis ang kanilang paghadlang sa paggawa ng misyon ko,” usal ni Wave habang nakakuyom ang mga kamay. Sino ang tinutukoy ni Wave? May humahadlang sa plano nito? Sino ang mga kalaban nito? Biglang umilaw ang kamay ni Wave. Para iyong alon na umiilaw na naman. Pero alon iyon na likha sa mga orasan na kulay bughaw. Iyon pala ang totoong anyo ng kapangyarihan ni Wave kapag pakatitigan mo nang mabuti. At ngayon lang nakita iyon ni Asula sa malapitan. Kasabay ng pagkumpas ng kamay ni Wave papunta sa apoy na nakaharang sa kanilang harapan ay ang pag-asam niyang sana'y mapuksa ang apoy na iyon kung hindi ay maglilikha iyon ng isang sunog. Agad namang natupok ang apoy dahil sa alon na kapangyarihan ni Wave. Hindi niya aakalaing ganito ang isang time traveler. Akala noong una ni Asula ay isa lamang na naglalakbay sa panahon ang mga time traveler at nakikita kung ano ang kasalukuyan at nakaraan. Iyon pala ay sobra pa sa inaakala niya. Kaya ng mga ito maghipnotismo, maglipat sa iba't ibang lugar kung gugustuhin ng mga ito, makita ang pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan at ang magkaroon ng kapangyarihan tulad nito. Kaya rin kayà ni Wave ang magpatigil ng oras? Marahil ay isa rin iyon sa kapangyarihan ni Wave dahil isa itong time traveler. Hindi niya rin inaasahan na may misyon-misyong itinalaga sa bawat time traveler. Tulad nga ng sabi sa kaniya ni Wave ay misyon siya nito. At kailangan siya nitong iligtas mula sa kapahamakan. Kung anoman iyon ay tutulungan niya si Wave sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya ito papahirapan at tatapusin na lamang niya agad. Pero ang problema ay hindi sinasabi sa kaniya ng lalaki kung ano ang ensaktong mangyayari sa kaniya. Ang tanging sinasabi lamang ng huli ay kailangan siya nitong mailigtas mula sa kapahamakan. Di bale na at malalaman niya rin mamaya kapag makaharap nila ang matandang lalaking nasa loob ng bahay na ito. Pero mukhang mahihirapan sila dahil may humadlang sa kanila ni Wave na isang nagbabagang apoy. Tumingala sa ibabaw ng langit si Wave at pinakiramdaman ang paligid kung saan naroroon ang kaniyang kalaban. Ngunit wala siyang makita. Kinabahan siya sa maaring mangyari kay Asula. Hindi niya hahayaang may mangyari ritong masama, kapag mangyari ang kinatatakutan niyang baka sa pakikipagsapalaran ay mamatay ang babae ay katapusaan na. Hindi na niya matatapos ang misyon niya at siya ay mabibigo. Hindi na niya maililigtas ang kaluluwa ni Asula sa impyerno kapag magkaganoon. Iisa lang ang may ganoong kapangyarihan Maliban sa kung bimigyan ito ng kapangyarihan sa nakakataas. Dapat talasan niya ang pakiramdam at ang paningin, kung saan nagmula ang kalaban. Kung hindi ay baka mahuli ang lahat. Dinala niya si Asula sa kaniyang harapan at pinagdikit niya sa kaniya. Pinapasok niya ito sa loob ng kaniyang cloak na itim na suot. Sa pamamagitan non ay hindi ito makikita ng time traveler na hahadlang sa misyon niya. Humakbang siya palapit sa pintuan kasama si Asula pero may muling pinalipad na apoy papunta sa kaniya. Sa mabilis niyang kilos ay nagawa niya iyong sanggain gamit ang kapangyarihan niya. “Wave! Okay ka lang?” biglang untag sa kaniya ni Asula. Tiningnan siya nito na puno ng pag-aalala sa mga mata nito. Pinakatitigan siya nito ng mabuti. Hinagod ng tingin at sinipat-sipat pa. Agad niyang nahawakan ito sa braso nang akma itong pupunta sa harapan niya para matingnan siya ng mabuti. “Huwag na huwag kang lalabas ng cloak ko hangga't wala pa akong sinasabi. Bumalik ka sa loob,” wika niya na agad naman nitong sinunod. Muling bumalik sa gilid niya si Asula at nagtago ito sa malaking suot niyang cloak. Alam niyang walang bisa ang cloak na suot ni Asula sa mga oras na iyon. . . lalo na at isang time traveler rin ang hahadlang sa kanila. Walang bisa ang nalagay niyang kapangyarihan roon kumpara sa suot niyang cloak na itim ngayon. Kaya't doon niya pinapatago si Asula. Para kahit papaano'y hindi ito maapektuhan ng kapangyarihan mula sa kalaban. “Asula, tumingin ka sa buong paligid. Sabihin mo sa akin kung may makita kang isang kahina-hinala,” utos niya sa dalaga. Agad namang sumiliip ito sa paligid at naghanap ng kahina-hinala. “Wala akong makitang kahina-hinala, Wave. Marahil ay nanggagaling sa langit ang apoy na iyan.” Mukhang tama nga si Asula sa sinabi nito. Nanggaling sa itaas ang apoy na humahadlang sa kanila. Ang problema ay hindi nila alam kung sino ng may gawa non. “Wave! Ang pinto!” biglang sigaw ni Asula sabay nito labas sa cloak niya. Napamura siya ng malakas ng may apoy na nagmula sa langit at papunta ito sa kinaroroonan ni Asula. Humintl ang bbae at lumingon sa kaniya at ngumiti. Pero nawala ang ngiti nito ng makita ang apoy na papalapit sa pwesto nito. Agad na kumilos si Wave at pinalipad ang alon para mapuksa ang apoy. Hinila niya papasok ng bahay si Asula kasabay ang pagsara nang malakas ng pinto. “Di ba sabi ko naman sa iyo at huwag kang lalabas,” singhal niya rito nang maayos na dahil nasa loob na sila ng bahay ni Geoban. Nararamdaman niya pa ring nanginginig sa takot si Asula kung kaya't wala na siyang magawa kundi amg hilahin ito at dalhin sa kaniyang mga bisig. Niyakap niya ito at inalo. “Ligtas ka na. . . pasensya na at dinala kita rito. Hindi na sana kita sinama.” Kung hindi na lamang niya sana ito sinama kanina. Pero andito na ito at wala na siyang magagawa kundi ang gampanan ang misyon niyang ililigtas si Asula mula sa panganib na darating. NATIGIL SA NGINIG si Asula nang maramdaman niyang niyakap siya ni Wave. Akala niya talaga ay mamatay siya kanina at tatamaan ng bolang apoy na iyon na pagkalaki-laki mabuti na lamang at agad iyong natalo ni Wave at naging ligtas siya. Kung bakit ba naman kasi lumabas siya sa loob ng cloak ni Wave gayong sinabihan na siya ng lalaki. Gusto niyang maiyak pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang maging malakas sa mga oras na ito. Hindi dapat siya pabigat kay Wave. Sumama-sama siya rito at kailangan niyang maging may pakinabang. Bumitaw siya mula sa pagkakayakap kay Wave saka nginitian ang lalaki. “Salamat, Wave. Tara na. Pasensya na kanina. Hindi na mauulit.”. “Hindi na talaga mauulit. Una at huli na iyon,” ngiting wika nito na siyang ikinangiti niya rin. Unti-unti na ring nawala ang kaba at nginig niya. Sa oras na ito ay mukhang kakailanganim niya ang tapang ng loob at tinay ng pangangatawan. Dahil hi di ordinaryo na ang pangyayari ngayon. Sa paglalakad nila ni Wave sa salang bahay nahagip ng kaniyang paningin ang matandang si Geoban na sa kusina at nagluluto. Mukhang wala itong kaalam-alam sa nangyari sa labas. Kung tatanggihanan ulit sila ng kung sinong kalaban na iyon ni Wave ay handa na siya. “Wave, pasensya ka na. Pero mali ka ng taong iyong sinusudan. Mukha nga sarili mo ay niloloko ka na rin.” Biglang bumaling sa kanila ang matandang si Geoban at nagpalit ito ng anyo. Naging isang lalaki ito na halos kaedad na rin ni Wave. May suot rin itong itim na cloak ng tulad sa kanilang suot ni wave. Ngiting-ngiti ito habang nakatitig sa kaniya. “Siya pala ang misyon mong si Asula. Mabuti at nagkita na kayo. Bakit mo siya sinama rito? Hindi ba't sinabi nang ipinagbabawal ang pagdadala sa kasalukuyan ng mga taong nasa misyon mo, Wave? Bakit ngayon ay —” “Huwag na huwag mo siyang sasaktan, Apolo. Hindi ko alam na ikaw pala ang hahadlang sa misyon ko. Isa pa kusa siyang sumama sa akin, hindi ko siya sinama,” sabi ni Wave na may tonong nambabatikos at pagdedepensa. Ngumiti ang Apolo na lalaking nasa harapan nila. “Mabuti kung ganoon at malinaw na sa akin ang lahat. Pasensya na at ginagawa ko lang rin ang iniutos sa akin ni Sun.” Isang time traveler challenger si Apolo. Isa ito sa mga naging kaibigan ni Wave. Hindi niya aakalain na ito ang pipiliin ni Sun para hadlangan ang plano niya. Magiging makasarili yata siya sa mga oras na ito at isasantabi ang pagkakaibigan nila ni Apolo. Pero hindi niya iyon kakayanin, matalik niyang kaibigan si Apolo. Halos noong unang salta pa lang niya sa mundo ng mga time traveler ay ito na ang naging katuwang niya sa lahat. At ang pagiging challenger nito ay mukhang hadlang talaga sa misyon niya. Dahil kapag isang challenger, gagawin ang lahat para matagumpayan lang ang task na ibinigay rito. “Saan mo siya dinala?” sa halip ay tanong ni Wave kay Apolo. “Wala akong dinala, Wave. Sadyang simula pa kanina ay ako na ang inyong kaharap. Hindi pa ba sapat ang nakita mo kanina ng pagpapalit ko anyo?” Hindi lingid sa kaalaman ni Wave na magagawa iyon ni Apolo kahit na time traveler ito. Sa dugo nito ang pagiging wizard dahil sa pagkakaroon nito ng isang kwentas galing sa binantayan nitong wizard na namatay. At para sa kaniya'y isa iyong pandaraya. “Sa mga oras na ito, kalimutan mo muna ang pagkakaibigan nating dalawa, Wave. Unahin mo ang misyon mo at uunahin ko rin ang akin.” Pagkatapos na sabihin iyon sa kaniya ni Apolo ay bigla itong naglaho at nagmistulang isang apoy na maliit saka lumipad palabas ng bintana. Napasunod ang tingin niya roon hanggang sa tuluyan na itong nawala. Nanghihina siyang napaupo sa sahig habang blanko ang kaniyang isip. Hindi niya inaasahan na makakalaban na niya nang seryoso ang matalik na kaibigang si Apolo. Sa sinabi kanina ni Apolo ay mukhang isinantabi nito ang pagkakaibigan nila sa kabila ng misyon nito. At mukhang ganoon rin ang gusto ni Apolo na gawin niya. Naramdaman niya ang pagyakap sa kaniya ni Asula. Noong una ay nagulat siya at nailang pero kalaunan ay niyakap niya rin ito pabalik. Sa mga oras na ito sa pagbigat ng kaniyang dibdib ay kailangan niya ng karamay. NAKATINGIN SA MALAYO si Wave habang may hawak na baso na may laman na alak. Malalim na ang gabi at hindi niya pa rin magawang matulog. Maganda ang sinag ng buwan sa kalangitan at ang mga bituin na nagkikislapan. Nakabalik na sila ni Asula sa Pilipinas 1930. Unang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay palpak agad. Hindi niya aakalaing sa misyon na ito ay makakalaban niya ang matalik na kaibigan at maging ang sarili niya. Iisipin pa lamang niya'y mukha na siyang mababaliw. Magagawa niya pa kayà ang misyon niya at maililigtas mula sa kaparusahan ang kamatayan ni Asula? Nag-init ang batok niya. Alam niyang nakatitig sa kaniya si Asula mula sa likuran. At mukhang kanina pa ito nandoroon at pinagmamasdan siya. “Anong kailangan mo?” tanong niya sabay lingon rito. Nakasuot ito ng night robe kung kaya't agad siyang umiwas ng tingin. Kahit anong gawin niya'y nakakaakit talaga ang kagandahan ni Asula. Pero hindi niya pagsasamantalahan ang kahinaan nito. Babae pa rin ito at tao na dapat igalang. Hindi siya tulad sa mga ibang lalaki na sinamantala ang kahinaan nito at binaboy na parang laruan at pagkaing inihain. Para sa kaniya'y ang mga babaeng katulad ni Asula ay karapat-dapat na respituhin at mahalin. Nakikita niya na sa lahat ng kasalanang nagawa nito ay may busilak itong puso. Tumabi sa kaniya si Asula at tumingin rin sa kalangitan. “Alam mo ba kung bakit nag-iisa lang ang buwan pero ang rami ng mga bituin sa kalangitan?” biglang wika nito na siyang ipinagkunot niya ng noo. “No, why do you say so, woman?” tanong niya. Nakuha ang intensyon niya ni Asula dahil sa biglang tanong nito sa kaniya. “Moon symbolizes that he is different from those stars sorround him. Even if he is only one, he is still shining and giving light to all people he love. Even if he is different there's always a stars who willing to help him in his mission. Being different to others are not really matters, as long as you all have a kind heart and have a one mission to give light to those who need.” “What about the stars?” “The stars? They symbolizes unity. Without one they are nothing. Dahil ang ilaw ng isa ay hindi sapat sa kalakihan ng mundo. And also they need the moon. Kaya ang buwan at ang mga bituin ay nagpapakita ng pagkakaisa. Kahit na naiiba at hindi sila magkapareho may iisa pa rin silang pinagkakaisahan, at hindi hadlang ang pagkakaiba nila sa isa't isa para sumuko sa halip ay nagtulungan sila para magbigay ng ilaw sa buong mundo sa madilim na gabi.” Sa mga oras na iyon ay napangiti siya sa sinabing iyon ni Asula. Mukhang sa mga oras na iyon ay naliwanagan siya. Magkaiba man ang misyong ibinigay sa kanila ng matalik niyang kaibigan na si Apolo ay may pagkakapareho pa rin silang dalawa. Iyon ay ang magtagumpay sa ibinigay sa kanilang misyon. Kahit na may pagka-wizard ang kaibigan niya'y may dugo pa rin itong time traveler na tulad niya. At hindi niya kailangan maging makasarili sa misyong ito. Dahil parehong dalawang importanteng tao sa buhay niya ang nakataya. Si Apolo na matalik niyang kaibigan at si Asula na babaeng kaniyang misyon na napalapit na sa kaniyang kalooban. Kailangan niyang makapag-isip ng plano para walang magsasakripisyo sa huli. . . .
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม