“SINO SI APOLO?” tanong bigla ni Asula kay Wave.
Kagabi pa bumabagabag sa isipan ni Asula ang lalaking nakaharap nila ni Wave. Gusto niyang malaman kung ano ito ng lalaki nang sa ganoon ay magiging handa siya sa mangyayari. At sa planong pagtulong niya kay Wave.
Pinagmamasdan niya si Wave na nakaupo sa sofa habang abala sa ginagawa nito. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito sa pendant na orasan nitong hawak. Kanina pa roon nakatitig si Wave at hindi man lang ito namamansin sa kaniya mula pa kanina.
Pero ngayon ay nakuha niya ang atensyon nito nang itanong niya rito kung sino si Apolo.
“Isang matalik na kaibigan at hindi ko inaa sahan na siya ang makakalaban ko sa misyong ito. Sadya talagang mapaglaro ang tadhana,” sagot nito sabay tayo.
Kinuha nito ang itim na cloak saka sinuot.
“Kayà ka naguguluhan kung kakalabanin mo siya o hindi?” tanong niyang muli.
Lumingon ito sa kaniya saka umiwas ng tingin. Ramdam niyang nahihirapan si Wave na sagutin ang tanong niyang iyon. Sa isipin niya'y kung sa kaniya nangyari iyon ay talagang mahihirapan rin siya. Lalo na at ang matalik na kaibigan nito ang kalaban.
“Bakit hidni mo gamitin ang pagtingin mo kung ano ang nangyari sa akin nang sa ganoon mapadali ang misyon mo?”
Naguguluhan siya kay Wave kung kaya nitong makita ang hinaharap bakit hindi na lang nito tingnan ang nangyari sa kaniya sa kasalukuyan? Nang sa ganoon ay mapadali ang misyon nila at hindi na ito mahihirapang kalabanin ang kaibigan nito.
Mapait na ngumiti sa kaniya si Wave saka umiling bagama't nakikitaan niya pa rin ito ng katapangan.
“Sa mga oras na ito'y hindi ko pwedeng iasa ang lahat sa kakayahan ko, babae. Kailangan kong maghirap para mapagtagumpayan ko ang aking misyon. Dahil maski ang pangitain ko ay nililinlang ako.”
Natahimik siya sa sinabing iyon ni Wave. Hindi niya inaasahan na ganoon pala kahirap ang pinagdadaanan ng lalaking ito.
Bumaba siya ng paningin saka mahigpit niyang pinaghugpong ang dalawang kamay.
“Sorry, kung hindi dahil sa akin hindi ka sana nalalagay sa ganitong—”
“Wala kang dapat na ihingi ng tawad. Misyon kita, at pareho rin tayong dalawa ang makikinabang sa magiging resulta nito. Ang kailangan ko lang sa iyo ay ang kooperasyon mo.”
“Maasahan mo ako. Ano ang maitutulong ko sa iyo? Sabihin mo sa akin.”
“Siguraduhin mong huwag kang malalagay sa pahamak at palagi kang ligtas. Iiwas mo ang sarili mo sa kamatayan. Iyon lang at wala na tayong magiging problema.”
Tumayo ito saka kinuha ang cloak nito na nakasabit sa likod ng pintuan. Sinuot nito iyon saka inayos. Inilagay nito ang hawak na maliit na orasan sa bulsa saka siya binalingan.
“Hindi mo ba ako isasama?” tanong niya rito.
Umiwas ito ng tingin sa kaniya. “Hindi muna sa ngayon, pupuntahan ko si Geoban. Mas mabuti na ang nandito ka para ligtas. Kapag nandoon ka ay baka mapahamak ka lang at isa pa hindi ko masigurado ang kaligtasan mo. Mabuti na ang mag-ingat tayo.”
Tumango siya na nakakaunawa. Ngumiti siya rito saka lumapit. Gulat namang napatingin sa kaniya si Wave. Inayos niya ang suot nitong cloak. Titig na titig naman sa kaniya ang lalaki.
“Mag-iingat ka, Wave.”
Hindi ito sumagot sa kaniya marahil sa biglaang ginawa niya.
“Mag-iingat ka rin, Asula. Hindi ka pwedeng makita ng mga tauhan ng boss mo o ng mga kaibigan mo. Ilayo mo ang sarili mo sa kasalanan at kapahamakan.”
Sa mga oras na iyo'y siya naman ang nagulat dahil sa pagyakap sa kaniya ni Wave.
Ikinulong siya nito sa dalawang makisig na braso at hinigpitan sa kaniya ang pagyakap. Pakiramdam ni Asula sa mga oras na iyon ay natagpuan na niya ang matagal na niyang hinahanap. Ang pakiramdam na ligtas siya at parang natagpuan na niya ang bahay niya sa lalaking itong si Wave.
“H-huwag kang mag-alala. Mag-iingat ako, ikaw ang mag-iingat dahil nandoon ka sa Pilipinas 1970.”
Ngumiti sa kaniya ang lalaki sabay kawala nito sa kaniya mula sa pagyakap. “I will, Asula. I will. Ikaw ang iniisip ko dahil wala ako rito para protektahan ka.”
“Huwag mo kong alalahanin. Unahin mo ang misyon mo at gagawin ko ang parte ko.”
Tumango ito saka na tumalikod sa kaniya para umalis. Naiwan siyang nakatayo habang nakatitig sa pinto nitong nilabasan. Hiling niya na sana'y hindi mapahamak si Wave sa misyon nito.
SA ISANG sulok ng kaharian ng pinunong time traveler ay malalim ang iniisip ni Apolo. Nilapitan siya ni Sun ang anak ng pinunong si Araw. Alam nitong mahigpit ang initan ng labanan na namamagitan sa dalawang matalik na magkaibigan.
Hindi niya alam kung ano ang plano ng Amang si Araw kung bakit nito pinalaban ang dalawa sa iisang misyon. Sa isip-isip niya'y sino sa dalawang magkaibigan ang magpaparaya para sa karagdagan na sampung taon na namang buhay?
“Bakit niyo kailangang manipulahin ang pangitain ni Wave? Hindi ba kayo naaawa sa kaniya?” biglang tanong ni Apolo sa kaniya nang tuluyan na siyang makalapit rito.
Umupo siya sa tabi nito at tumingin rin siya sa malayo. “Sumusunod lamang ako sa utos ng aking ama, Apolo. Huwag mo sanang masamain ang lahat ng hakbang na ginagawa namin. Saka isa pa iyon ay galing sa Diyos Ama. Hindi natin pwede siyang suwayin, alam mo naman iyon. Alam ninyo iyon ni Wave. Kaya't sigurado ako na maiintindihan niya kung bakit kailanganin naming manipulahin ang pangitain niya. Sigurado akong may hangarin ang Diyos Ama kung kaya't nagawa niya iyon.”
Hindi na nakapagsalita si Apolo matapos marinig ang sinabing lahat ni Sun. Mukhang mahihirapan nga ang kaibigan niyang si Wave sa misyon nito. Kung saan titingnan ay dehadong-dehado ang kaibigan niya. Minanipula na nga ang pangitain nito. . . sisirain pa niya at hahadlangan ang misyon nito.
Hiling niya na sana'y matapos ang lahat ng ito ay magiging ayos sila ni Wave at hindi magkasira. Sana hanggang katapusan ay magkaibigan pa rin silang matalik ng lalaki.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang pagtulong nito sa kaniyang misyon noon kung kaya't humaba pa ang buhay niya bilang isang time traveler. Tinulungan siya nito sa kaniyang misyon na iligtas ang isang batang naliligaw noon ng landas. At sa kaniyang ugali'y galit na galit siya sa mga bata at naiinis. Lalo pa't hindi ito palagi sa kaniya sumusunod.
Nagpanggap siya noon bilang guro para maturuan nang tamang-asal ang mga ito pero sadya talagang wala sa puso niya ang ganoon. Hindi niya natapos ang misyon kung wala si Wave na tumulong sa kaniya. Kaya't malaki ang utang na loob niya sa kaibigan.
Pero paano niya ngayon matutulungan ang kaibigan kung siya mismo ang sisira sa misyon nito?
“Kung binabalak mong tutulungan ang kaibigan mo, Apolo. Huwag na buwag mo nang tatangkaing gawin. Alam mong labis na kaparusahan ang kaakibat kung tutulungan mo ang iyong kalaban. Isipin mong iba ang sitwasyon noong tinulungan ka ni Wave dahil hindi naman siya noon ang 'yong kalaban, kung kaya't mag-iingat ka sa mga desisyon mo. Maraming mata ang nakamasid sa inyo.”
Tumango si Apolo sa sinabing iyon ni Sun. Hindi niya pa sa ngayon alam ang gagawin. Pagpaplanuhan na lang niya mamaya ang gagawin. Sisiguraduhin niyang magtatagumpay siya sa misyon niyang ito. Sa ngayon ay pupuntahan niya si Wave at sisirain na naman ang plano nito at ang hakbang nitong gagawin sa misyon nito.
HINDI mapakali sa Asula sa loob ng silid habang walang ginagawa at naghihintay lamang kay Wave. Kumakalam pa ang kaniyang sikmura dahil sa wala na palang stock na pagkain sa refrigerator para lutuin.
Kasalukuyan siyang nag-aayos ngayon para lumabas ng silid at bumili ng makakain sa labas. Pagkatapos non ay didiretso siya sa bayan para mamili ng pagkain. Hindi naman siya makatawag sa staffs ng hotel dahil baka mamaya ay makilala siya at mahuli ng boss na si Marco. Sigurado siyang pinaghahanap na siya ng mga ito.
Sumuot siya ng cloak na bigay sa kaniya ni Wave. Itim na sapatos na binigay rin sa kaniya ng lalaki. Sumuot siya ng dress na pula sa loob at tinirnuhan iyon ng hanggang sa ibabaw ng tuhod ang haba, ng maong na shorts. Kaya't lumitaw ang kaputian niya. Matatabunan naman iyon ng cloak kapag ikakabit na niya ang mga butones. Dinukot na lang rin niya sa may pintuan ang sombrerong itim ni Wave.
Tiningnan niya muna ang sarili sa salamin at maging siya'y hindi na makilala ang sarili. Mas mainam iyon para hindi siya makilala ng mga taong makakasalubong niya sa labas.
Lumabas na siya ng silid saka yumuko para hindi makita ng makakasalubong niya ang kaniyang mukha. Tuloy-tuloy siya sa paglabas hanggang sa malampasan na niya ang information desk at sumakay na sa elevator. Pinindot niya ang button ng first floor. Ilang minuto lang at nakarating na rin siya sa ibaba.
Pagkalabas na pagkalabas niya agad ng elevator ay agad nahagip ng kaniyang mga mata ang tatlo niyang kaibigan. Sina Lena, Mona at Casy. Halata sa tatlo na nag-uusap ang mga ito habang papalabas ng resort. Mukhang hinahanap na nga siya ng lahat. Maging ang ibang kasamahan niya rin ay nakapalibot sa paligid habang palinga-linga.
Dali-dali siyang lumabas ng resort saka naglakad sa buhanginan. Ang problema niya ngayon ay ang masasakyan niya papuntang bayan. Kung andito lang sana si Wave ay madali siya makakarating sa pupuntahan. Pero wala sa mga oras na iyon ang lalaki. Wala na siyang magagawa kundi ang gumawa ng paraan kung paano.
Sa nakikita niya'y nasa unahan pa ang sakayan ng tricycle o kaya ng pedicab. Wala pa namang taxi sa isla na iyon kundi ang mga mamahaling sasakyan lang ng mga turistang naroroon.
Nanlaki ang mga mata niya nang makakasalubong niya ang boss na si Marco. Pakembot-kembot ito habang pumapaypay. Nakasunod ang apat na men in black nito sa likuran.
Kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib dahil sa kaba. Hindi siya pwedeng magkamali na nakatingin ito sa kaniya. Kaya't ito nagmamadali para lapitan siya.
Hiling niya'y sana hindi siya nito nakilala.
“Excuse me, Miss! Bago ka ba rito?” tanong nito sa kaniya pagkalapit.
Sinisilip nito ang mukha niya pero umiiwas siya. Hindi siy nito pwedeng mahuli. Anong pwede niyang gawing paraan para makalayo rito.
Akma na sana siyang sasagot nang may lalaking humarang sa harapan niya. Nakasuot ito ng kulay brown na cloak at brown rin na mafia hat.
“Sorry but what are you doing with my girlfriend?”
Doon siya napatingin sa likuran ng lalaki nang marinig niya nang pino at buo nitong boses. Hindi siya pwedeng magkamali.
“I'm sorry, I just want to ask your girlfriend if she is new here. Baka sakali kilala niya ang babaeng itatanong ko sana sa kaniya.” Rinig niyang mataray na sagot ng kaniyang boss na bakla.
“We're new here, so there is a possibility that we didn't encounter that girl you seek. You should ask help to the police to facilitate your search.”
“We don't need their help. Thank you, and excuse me,” sagot ng kaniyang boss na si Marco.
Agad siyang bumaba ng tingin nang humarap sa kaniya ang kaniyang boss at naglakad na ito paalis, papalayo sa kanila.
Nang makalayo na ang mga ito ay saka siya hinarap ng lalaki at hinila papalayo.
“I told you to stay in my room, woman. You should take care yourself now. But you keep put yourself in danger. Tsk. You should listen to me.”
Magsasalita sana siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit. Napanganga siya't natulero sa ginawa nito.
Ang bilis ng kabog ng puso niya habang ramdam na ramdam ang init ng katawan ni Wave. Hindi niya inaasahan kanina na darating ito at ililigtas siya. Palagi na lamang siya nitong nililigtas.
“Sorry, nagugutom kasi ako at kailangan kong magluto pero wala namang stock. Kaya't naisipan kong pumunta muna sa—”
Kumawala ito sa pagkakayakap sa kaniya saka siya tinitigan nang mataman. Biglang uminit ang pisngi niya at hindi siya rito makatingin ng diretso.
“Next time, if you need something, woman, called me. I will be here always for you. I am your protector, and being your protector. . . I should protect you always and make sure that you are in good state and you're safe. Do you understand, Asula?”
Tumango-tango na lamang siya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito.
Pero mayamaya hindi na niya napigilan pa ang magtanong. “P-paano mong nalaman na nandito ako?”
“Apolo told me what may happen today.”
Kumunot ang noo niya sa sinagot ng lalaki. Paanong sila tutulungan ni Apolo kung ang misyon nito'y sirain ang mga bawat hakbang ni Wave?
“Pero paano? Bakit niya ginawa iyon?”
“One of the most important things here in the world, Asula. . . is friendship. So there's no need to worry about. I know Apolo, hindi niya ipapahamak ang sarili niya at maging ako. At ganoon rin ang gagawin ko para sa kaniya.”
Natagpuan na lamang ni Asula ang sariling napangiti. Sa mga oras na iyon nabuhayan siya ng pag-asa. Pag-asang hindi masisira ang pagkakaibigan nila Wave at Apolo.
Totoo ngang kapag pinapahalagahan mo ang isang tao ay walang imposible. Tama si Wave ang isa sa pinakaimportanteng bagay sa mundo ay ang pagkakaibigan. And that symbolizes Wave and Apolo.
. . .