IKINUMPAS NI WAVE ANG kamay saka lumikha iyon ng isang butas papunta sa ibang panahon. Hindi siya pwedeng magsayang ng oras. Kailangan niyang matapos ang lahat bago magdalawang buwan. Ilang araw na ang nakalipas at nasasayang iyon dahil sa wala siyang napapala.
Iniwan niya muna si Asula sa room niya para masigurado niya ang kaligtasan nito. Alam niyang hindi magiging madali ang paghahanap niya kay Geoban.
Agad siyang luminga-linga sa paligid nang makarating na siya sa Pilipinas 1970. Tinalasan niya ang paningin sa paligid.
Hindi niya makakalimutan ang kaniyang nakaraan noong tao pa lamang siya bago siya namatay at napunta sa mundo ng mga time traveler. Kapag hindi ka pa handang mamatay at hindi mo pa gustong mawala sa mundo ay bibigyan ka ng Diyos ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. Pero iyon ay sa iba ng pamamaraan, hindi na ikaw isang tao kundi isa ng kakaibang tao. At napunta sa kaniya ang pagiging time traveler. Iyon ang paliwanag sa kaniya ni Araw noong nasa edad labing siyam siya na namatay at hindi pa niya matanggap na wala na siya sa mundo.
Kung hindi sana nawalan ng preno ang kotse na minamaneho ng kaniyang Papa ng araw na iyon. . . sana ay buhay pa siya at kasama pa niya ang mga magulang. Pero kasama ng araw na iyong pagka-aksidente nila ay ang pagkamatay nilang tatlo. Sayang pa at may kapatid na sana siya na nasa sinapupunan ng kaniyang ina. Mas masakit sa kaniya na namatay ang kapatid na hindi pa nakikita kung gaano kaganda ang mundo.
"Time is too short. . . so live like you die tomorrow. And treasure the every moment in your life until it is end," sabi niya sabay abot ng nahulog na patatas sa isang matandang naglalakad sa gilid ng kalsada.
Ngumiti ito sa kaniya saka nagpasalamat.
Nagpatuloy sa paglalakad si Wave habang tinatalasan ang mga mata. Hindi siya pwedeng magkamali sa pangitain niyang si Geoban ang makapagtuturo sa kaniya kung sino ang pumatay kay Asula. Kailangan niyang malaman mula sa lalaki ang dahilan ng pagkamatay ni Asula para maiwas niya ang babae mula sa kapahamakan.
Mabuti na lamang at tiningnan niya agad kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Asula at kung sino ang makakatulong sa kaniya bago minanipula ni Sun ang pangitain niya.
Tumigil siya sa paglalakad nang matanaw niya ang isang bulto ng lalaki sa hindi kalayuan. Nagtitinda ito ng mga isda at gulay. Hindi siya pwedeng magkamali. . . iyon si Geoban!
Tumungo siya sa pwesto nito saka agad na kwenelyuhan ang matanda. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Naguguluhan at nagtataka kung anong nagawa nito sa kaniya kung bakit bigla niya lamang ito sinugod.
"Sabihin mo sa akin. . . ikaw ba si Geoban?" tanong niya rito habang pinakatitigan niya ito nang maigi.
Sunud-sunod ang pagtango nito habang nauutal na sumasagot. "O-oo, a-ako nga."
Pinagtitinginan na siya ng mga tao na bumibili at maging ng mga nagtitinda. Nagbubulungan ang mga ito kung ano ang ginagawa niya sa matanda. Bigla siyang kumalma saka binulungan si Geoban.
"Sumunod ka sa akin."
Pagkasabi niya nun ay agad siyang lumakad papalabas ng tindahan. Sumunod naman sa kaniya si Geoban. Sa dala siguro ng takot sa kaniya ay sumunod ito at hindi na nagdalawang-isip. Nakasunod pa rin sa kanila ang tingin ng mga tao. Nawala naman iyon nang makalayo na sila.
Hinila niya papunta sa isang sulok ang matanda sa gilid ng eskeneta. Sinigurado niyang walang makakakita sa kaniya. Agad siyang lumikha ng lagusan sa pamamagitan ng alon mula sa kaniyang kamay.
Kitang-kita niya ang reaksyon ng matanda dahil sa kaniyang ginawa. Rinig na rinig niya ang paglalim ng hininga nito.
"S-sino k-a? H-hindi ka t-tao!" sigaw nito habang humahakbang papalayo sa kaniya.
Pero bago pa ito makalayo ay nahila na niya at pumasok siya sa lagusan na ginawa. Dinala niya ito sa mismong bahay nito. Pwersahan niya itong pinaupo sa kahoy na upuan nang makarating na sila.
Isang konkretong bahay ang napuntahan nila. Sementado ang buong paligid at ang sahig. Ngunit nagkulang naman ng mga kagamitan sa loob.
"A-anong kailangan mo sa akin? A-anong klaseng nilalang ka?"
Umupo siya sa isang kahoy na upuan, kaharap ito. Pinakalma niya ang sarili. Gusto niyang gulpihin ang matanda dahil sa inis na hindi man lang nito binigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Asula.
Sa totoo lang pwede naman niyang tingnan kung sino ang pumatay kay Asula at kung ano ang nangyari sa babae. . . pero hindi na pinakita pa sa kaniya ng kaniyang pangitain. Minanipula na iyon ni Sun. Sayang at ang tanging naipakita lang sa kaniya ay ang mukha ni Geoban at kung saang panahon ito nagmula.
Kayà ang tanging pag-asa niya lang ay ang matandang lalaking ito na nasa harapan niya ngayon. Bagama't nag-aalinlangan siya kung magsasabi ba ito ng totoo sa kaniya o hindi. . . oras na tanungin niya ito.
Umayos siya ng upo saka napahinga nang malalim. "Pasensya na manong kung bigla na lamang kita dinala rito at kung hindi agad ako nagpakilala sa iyo."
Tumayo siya. "Isa po akong time traveler. At naririto ako para sa isang katotohanan na itatanong ko sa inyo. Hiling ko po sana'y marapat mong sagutin ang tanong ko ng buong katotohanan."
Isang tinging hindi makapaniwala ang binigay nito sa kaniya.
Hindi niya masisisi si Geoban kung iyon ang reaksyon nito pagkatapos ng kaniyang sinabi.
"A-anong kasalanang nagawa ko. . . bakit ang isang tulad mo'y naririto?"
"Isa lang ang tanong ko na kailangan mong sagutin ng tapat. . . kilala mo ba si Asula Cerulean?. . . namatay siya noong taong Pilipinas 1930."
Biglang lumambot ang reaksyon nito saka nanlumo. Mukhang nahukay niya ang pinakatatagong sekreto nito sa loob ng mahabang panahon.
Umangat ito ng tingin na may mga luha na sa pksngi. Umiiyak ito habang umiiling-iling. "W-wala akong kasalanan. . . hindi ako ang pumatay sa kaniya. Pero ang laki ng kasalanan ko. . . hindi ko sinabi ang totoong nangyari ng araw na iyon sa mga awtoridad dahil sa takot ko. . . sa takot kong mamatay. H-hindi ko sinasadya. . . hindi!"
Pinagmasdan niya lang ang pagwawala ni Geoban habang tahimik siyang nakikinig rito. Hindi niya aakalaing ganito kalaki ang epekto ng pagkamatay ni Asula sa matandang ito.
Tama nga naman ang sabi ng ilan. Wala ka nang matatagong lihim kapag mismong ang konsensya mo na ang tutugis sa iyo.
"Sabihin mo sa akin kung paano siya namatay. . ."
Tumahimik ito at umayos. Tila inaalala nito ang nakaraan. Hiling ni Geoban na sana maalala ng matandang ito ang buong pangyayari.
"Pinatay siya. . . pinatay si Asula ng boss namin."
Kumunot ang noo niya nang marinig ang sagot ni Geoban. Posible kayang si Marco ang tinutukoy nito?
Magtatanong sana ulit siya nang biglang may sumulpot mula sa isang nag-aapoy na lagusan. Napatayo siya nang wala sa oras at agad na inihanda ang sarili. Nilapitan niya si Geoban para ilayo mula sa taong kakadating lang.
"Anong ginagawa mo rito, Apolo?"
"Wala na akong oras pa na makipagsagutan ngayon sa iyo, Wave. Andito ako para sabihin ang pangitain ko kay Asula. Kung hindi mo siya agad pupuntahan ngayon, malalagay siya sa pahamak. Ako na ang bahala kay Geoban. Huwag kang mag-alala. . . ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat oras na masigurado mong ligtas na si Asula."
Napatingin siya sa kinaroroonan ni Geoban. Nakahandusay na ito sa sahig habang wala nang malay.
Wala na siyang nagawa pa kundi ang senyasan si Apolo na ito muna ang bahala sa matanda. Kailangan niyang bumalik sa nakaraan para ilayo sa kapahamakan si Asula.
"Damn woman."
Hindi niya mapigilan ang pagregedon ng puso niya habang iniisip ang babaeng si Asula.
Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may mangyari ritong masama at kapag mahuli na siya ng dating. Hiling niya na sana'y hindi siya niloloko ni Apolo.
Kung hindi'y baka makalimutan niyang naging isang matalik na kaibigan niya ito.
. . .