NAKATINGIN lamang si Asula kay Wave habang nakatayo ang lalaki sa malapit sa pinto. Hawak ni Wave ang isang patay nang bituin na siyang dahilan kung bakit siya pinilit ni Evan na tawagin ang lalaki. Hindi man alam ni Asula kung ano ang ibig sabihin no’n, sigurado siya na may hindi magandang mangyayari. Saksi siya sa paglabas ng kakaibang nilalang kanina na noon pa lamang niya nakita. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na ‘yon. Makalipas ang ilang sandali, kapag wala silang gagawin ay paniguradong baka may iba pang sumunod sa nilalang. baka hindi lang ‘yon ang natitira at marami pa pala. Dahil sa mga iniisip niya ay biglang bumangon ang takot at kaba sa kanyang puso. Napahawak si Asula sa upuan at sumandal doon. Hindi niya na yata kakayanin kung may iba pang mga kakaiba

