MATAPANG nga na tiningnan ni Evan kung ano ang bumagsak mula sa harden. Luminga siya sa paligid at hinanap ng kanyang mga mata ang bagay o kung sino ang nandoon. Ngunit wala siyang makita kahit na ano. Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay, nagtataka kung ano ang bagay na kanilang narinig ni Asula. Pero ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya. “Ate Asula!” tawag niya, saka madali siyang bumalik sa bahay. Ngunit nakasara ang pinto kaya hindi siya makapasok. “Ate Asula! Buksan mo ang pinto! Ayos ka lang ba?!” Ngunit wala siyang marinig na kahit anong sagot mula sa loob. Bnundol na ng kaa ang kanyang dibdib. Ano na ngayon ang gagawin niya kapag may mangyaring masama sa Ate Asula niya, ang kanyang misyon ay mapupunta saw ala. At magagalit sa kanya si Kuya Wave. Umikot siya sa kab

