*Joanna’s POV* Pagkabalik namin sa palasyo ay agad kaming sinalubong nila mom at Tita Violet. “Joanna! Are you alright?” Tanong ni mom sakin pero di ko na siya sinagot, ni hindi na rin ako tumingin pa sa kanila at nagdire-diretso na ng lakad papunta sa kwarto namin ni Jason. “Joanna, iha, we’re here to help you,” pahabol na sabi ni mom sa akin ng nasa hagdan na ako, tumingin ako sa kanya. “Babe, everything will be alright,” sabi ni Jason na nakatayo na pala sa tabi ko kaya napatingin naman ako sa kanya. Sana nga Jason, sana nga kasi pagod na ko, physically and mentally, pagod na ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. “Magpapahinga na ko,” sabi ko na lang sa kanila at umakyat na ng hagdan. Nararamdaman ko pa rin ang titig nilang lahat sakin pero hindi ko na sila pinansin pa at

