*Joanna’s POV* Napabalikwas ako ng magising sa isang panaginip, panaginip na para bang isang katotohanan din. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan, pati na rin ang mabibigat kong hininga na para bang ilang milya ang tinakbo ko, kahit na isa na akong bampira eh para bang hingal na hingal pa rin ako. Napatingin ako sa paligid ko at napansin kong nasa kwarto na ko, ang kwarto namin ni Jason. Tinignan ko rin ang katabi kong bampirang lalaki, ang aking pinakamamahal na asawa, si Jason, na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko. Kinalma ko ang sarili ko at muling nahiga sa tabi ni Jason. Tumagilid ako at humarap sa kanya. Ipinatong ko ang aking ulo saking kamay at tinitigan lamang si Jason. Napansin kong medyo naka awang pa ang kanyang labi habang siya ay mahimbing na natutulog, hindi

