CHAPTER 5: The neighbor
RAIZER JACK’s POV
PAGKATAPOS naming kumain kanina sa resto ay dinala na kami ni Kuya Ram sa bahay na binili niya para sa amin. Gusto rin namin na sa iisang bubong kami manirahan.
“Wow, ang laki ng bahay natin, ah,” komento ni Mazeke.
“Light green,” komento naman ni Milley.
“Mas maganda ’yong bahay ng bagong kapit-bahay natin,” Jersyn uttered.
Napatingin naman ako sa kabilang bahay. Isang mansion na nga iyon. White ang structure nito at may third floor din.
”Mansyon iyan ng may-ari ng buong subdivision,” sabi ni Kuya Ram.
“Tara na sa loob at nang makapagpahinga na kayo. Raizer, bukas ka na raw pumunta sa bahay natin may welcome party kayo na ihahanda iyon ni Mom,” sabi pa ni Kuya.
“Si Mommy talaga, nag-abala pang magpa-welcome party,” naiiling na sabi ko.
“Tiyak na pati ang parents ko,” natatawang saad naman ni Milley.
“Sa hotel magaganap ang welcome party ninyo at mga magulang natin ang nagplano no’n. Mamayang gabi sana kaso raw baka pagod kayo kaya tomorrow night gaganapin.”
Binuksan na ni kuya ang gate at pumasok na kami sa loob pero inilagay ko lang muna sa living room ang mga bagahe ko.
“Kuya, maglalakad-lakad muna ako sa labas,” paalam ko.
“Ikaw ang bahala.”
Hindi ko alam kung bakit gusto kong lumabas. Para siguro lumanghap lang ng sariwang hangin sa labas. Nararamdaman ko pa rin naman ang jetlag.
QUINNA AMERA’s POV
“Mommy! Si Jacky po!” Napaigtad naman ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng anak kong babae. Napabuntong-hininga na lamangako at binitawan ang mga plato.
Nagtungo ako sa living room dahil nandoon silang lahat. “Jacky ang tigas talaga ng ulo mo, eh ’no? Kailan ka ba magiging behave, anak?” nakapamaywang na tanong ko.
“Mommy, wala po akong ginagawa. Nanonood po ako ng TV, eh,” sagot niya at nakatutok nga lang siya sa TV. Tiningnan ko iyong pinapanood niya. Imbis na cartoon ang panoorin ay mga piloto at eroplano pa ang pinapanood niya.
”Quinne, busy si Mommy sa kitchen, kaya huwag kang sumigaw, baby,” sabi ko.
“Si Jacky po kasi, Mommy eh. Naglalaro lang po ako ng barbie rito sa seats ko nang bigla-bigla niya po akong kukurutin sa braso ko po,” naiiyak na sumbong niya sa akin at ipinakita pa niya ang namumula niyang mga braso.
“Jacky, anak. Huwag mo namang kukurutin sa braso niya ang kapatid mo. Nag-iisang babaeng kapatid mo lang ang Ate Quinne mo. Don’t do that, baby. Hindi dapat nananakit ang mga batang lalaking katulad mo, Jacky,” pangangaral ko sa kanya at mataman kong tiningnan ang mukha niya.
“Ayaw niya po kasing manood kasama ko, Mommy, eh,” he reasoned out.
“Baka insecure ka sa ate mo kasi may barbie siya tapos ikaw namn ay wala,” pagbibiro ko sa kanya at hinaplos ko naman ang braso ni Quinne.
“Yuck, Mom!” sigaw ni Jacky.
“See, baby? Bakla na si Jacky, right?” natatawang sambit ko pa.
“Mommy naman, eh!” Quinne giggled dahil sa sigaw ng kapatid niya.
"Just stay here and play with your barbie, okay baby?” tanong ko at nag-nod lang siya sa akin. Hinalikan ko pa ang noo niya saka ako tumayo.
Tatalikod na sana ako nang mapalingon ako at nakita ko naman ang maliit na kamay ni Jacky na papunta na sa maliliit na braso ng kapatid niya. Ang kulit talaga ng batang ito, eh.
“What is that, Jacky?” seryosong tanong ko.
“Nothing, Mom!” natatawang sagot niya at padabog na lumabas.
“Jacky, don’t go outside, okay?!” pasigaw na sambit ko.
“Alright, Mom!” sagot niya at bumalik na ako sa kitchen para ipagpatuloy ang paghuhugas ko ng mga plato.
RAIZER JACK’s POV
Patingin-tingin ako sa paligid. Maaliwalas naman at hindi naman boring tingnan ang views dito. Ang gaganda ba naman kasi ng mga mansion dito. Palabas na sana ako ng gate namin nang bumukas din ang gate sa kabila. May batang lalaki lalabas. Nagsalubong ang kilay ko nang makilala ko siya. Si Jacky iyon.
“Oh, hello! Why are you here, buddy?” tanong niya nang makita ako. Kung maka-buddy ay akala mo naman barkada lang kami?
“You own that big mansion, kid?” I asked him.
“Ahh yeah? How about you? Why are you here in our subdivision?” Parang matanda iyong kausap ko, ah.
“We own that,” sagot ko sabay turo ko sa bahay namin.
“Really new kapit-bahay ka namin?” Come on buddy, let’s get inside!” sigaw niya sabay hila sa braso ko. Nanlaki pa ang mga mata ko.
Hindi na ako nakapagprotesta pa nang hilahin na nga niya ako papasok sa loob.
“Princess! Princess Quinne! I brought your Kuya killer smile!” sigaw niya bigla. Dadalhing niya talaga ako sa loob ng mansion nila? Shet...Nakita ko naman na nakaupo lang si Quinne at naglalaro siya ng barbie.
“Why are you shou---oh, my God! It’s you kuya killer smile!” masayang bulalas naman niya at bigla na lamang niyang binitawan ang laruan niya at patakbong lumapit sa akin. Yumakap pa sa baywang ko.
“Hi po,” bati niya sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang mapangiti at heto na naman ang t***k ng puso ko. Sobrang lakas ng pintig nito.
“Jacky? You brought the stranger here? Are you insane?” Napatingin naman ako kay Jecky nang magsalita siya. Nakaupo siya sa may hagdan at may hawak na libro.
Masyadong mailap at suplado ang isang ito. Malamig din ang boses niya. Nginitian ko pa siya. Nagulat pa ako nang ngumiti siya sa akin pabalik. Akala ko kasi ay hindi niya ako papansinin.
“Whoa! Is that you, Kuya? Ngumingiti ka na kay Kuya Stranger!” komento naman ni Jacky na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay ko. Bumaba si Jecky at lumapit sa amin.
“Hi, I’m Jecky Merre Nandezo,” pagpapakilala niya sa akin at inilahad pa niya ang kanang kamay niya.
Binitawan ako ni Quinne at tinanggap ko naman ang palad niya, nagulat ako nang hinalikan niya ang likod ng kamay ko at dinala iyon sa noo niya. Natulala ako sa ginawa niya.
“Ginawa ka po niyang lolo! He was like that po kung si Lolo ang kasama niya,” natatawang sambit ni Jacky.
”Shut up, Jacky!” sita ni Jecky sa kanyang kapatid.
“How about you? What’s your name po?” malambing na tanong sa akin ni Quinne. Nakahawak na naman siya ngayon sa laylayan ng damit ko.
“Raizer, I’m Raizer Jack Sanchez,” nakangiting sambit ko sa pangalan ko.
“Wow! Parang name ko po! Jacky!” masayang sambit naman ni Jacky. Tuwang-tuwang talaga siya.
“Jacky Merre po name niya. Can I call you po na Daddy?” Gulat na napatingin ako kay Quinne. D-Daddy? Seryoso ba ang batang ito? At bakit...bakit kinabahan ako roon?
“Uhmm...”
“Parehas po kayo ng smile ng Kuya Jecky ko!” she said.
“Princess, you can’t call him like that. He’s not our father, remember that,” suway ni Jecky.
“But Kuya Jecky, kamukha po natin siya, oh,” ani Jacky.
“Come on, Daddy! I tell my Mommy na gagawin ka naming Daddy!” Lagot. Magagalit na sa akin ang Mommy nila.
Pumasok kami sa kitchen at nakita ko ang nakatalikod na babae, she’s wearing a plain white t-shirt and black jeans na naka-tuck in din iyon.
“Mommy! We brought our Daddy po!”
“Doon ka na muna sa living room, anak. May work po ako rito, oh.”
“But Daddy is here na po!” pangungulit pa ni Quinne kaya dahan-dahan nang lumingon sa amin ang Mommy nila.
“W-What?” Gulat na tumingin siya sa amin at nahulog pa ang basong hawak niya. Nakakagulat ba talaga ang makita niya ako rito? “W-What are you doing here?” malamig na tanong niya.
“Ah, Mommy! He’s our Daddy na po!” sigaw ni Jacky.
“I think I have to go, kids, and I’m sorry,” sabi ko, hindi ko kasi kayang makipagtitigan sa kanya lalo pa iyong puso ko ang bilis na pintig.
“No! You’re going to stay po!” sabay na sigaw pa ng triplets.
“Jecky, what was that, son?” naguguluhan na tanong Quinna.
“Dito muna po siya, Mommy,” nakikiusap na sabi ni Jecky.
“Daddy namin po siya, kaya stay po muna siya sa atin,” sabat naman ni Quinne.
“Did you heard yourself, Quinne? He’s not y-your---” hindi niya natapos ang sasabihin ng mapatingin siya kay Jacky. Nabigla nga ako ng kumapit siya sa baywang ko at pumulupot pa ang mga binti niya sa paa ko.
“Hayan! He can’t go na po, Mommy! If he’ll go na po ay sasama ako! Sasama na ako sa kanya!” sigaw ni Jacky.
“Mommy, please. Dito po muna siya? Hmm mommy ko?” pagmamakaawa ni Quinne.
Bumuntong-hininga siya at mariin na pumikit. “Alright,” sagot niya
“Yehey!” masayang bulalas pa ng tatlo.
“Just go back to the living room. I’m still doing something here,” she said.
Hinila naman ako ni Quinne habang si Jacky naman ay nakakapit pa rin sa akin. Napapatawa na lang ako sa kulitan niya.
“Jacky, baba ka na,” ani Jecky sa kanya.
Sinunod naman niya ang utos ni Jecky at pagdating sa sala nila ay umupo na ako kasabay na umupo naman siya.
Mayamaya lang ay nagdala ng coffee si Quinna. “Here, it’s your favorite egg sandwich,” she said. Paano naman niya nalaman na paborito ko ang egg sandwich?
“Kailan ka pa bumalik dito?” kaswal na tanong niya sa akin na para bang kilala niya talaga ako. Shet, ni hindi ko nga siya kilala, eh.
“Mommy, kilala ninyo po siya?” curious na tanong tuloy ni Quinne.
“Uhm...”
“Do...I know you?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Ibang klase ka rin, ano? The last time we’ve meet, hindi ba dapat ako ang magsabi ng ganyan sa ’yo? Kasi nangako ako sa sarili ko na kung makikita pa ulit kita ay hindi na kita papansinin pa at hindi na kita kilala pa?” Napatigil ako sa sinabi niya. So, kilala niya nga talaga ako? At magkakilala kami dati? Pero ano raw?
“I’m sorry, hindi kita maalala. Magkakilala tayo dati?” tanong ko.
“What do you mean na hindi mo ako maalala?" nalilitong tanong niya.
“I had amnesia 7 years ago, car accident,” sagot ko at napanganga pa siya dahil sa gulat.
“It can't be,” sambit niya. Naguguluhan na ako kasi parang galit yata siya sa akin, eh. Nararamdaman ko nga rin iyon, eh.
“Sino ka ba sa buhay ko?” tanong ko at mataman siyang napatitig siya sa akin.
Gusto kong malaman... Gusto kong malaman ang totoo. Kilala niya ako. Kaya parang kaswal din siya kung makipag-usap sa akin. Kahit na oo may galit siya sa akin. Pero malakas talaga ang kutob ko. Kilalang-kilala niya ako, walang duda iyon.
“Sagutin mo ako, please. Gusto kong malaman ang totoo. Sino ka ba? Sino ka ba sa buhay ko? At bakit parang kilala mo nga ako? Kilala ka rin ng kapatid ko at ang sabi niya... Muntik ka na raw na maging parte ng pamilya namin. Kaya sino ka?”