CHAPTER 6: HEARTBEAT
QUINNA AMERA’s POV
“SAGUTIN mo ako, please. Gusto kong malaman ang totoo. Sino ka ba? Sino ka ba sa buhay ko? At bakit parang kilala mo nga ako? Kilala ka rin ng kapatid ko at ang sabi niya... Muntik ka na raw na maging parte ng pamilya namin. Kaya sino ka?” tanong niya sa akin na dahilan para kabahan ako ng sobra.
Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang katotohanan o hindi na? Wala siyang naaalala na kahit na ano sa akin, hindi niya nga rin ako maalala pa at hindi niya rin alam ang nakaraan.
I’m a doctor kaya alam ko rin na makakasama sa kanya ang ganito, iyong mabibigla siya na malaman niya na ex-girlfriend niya ako. Hindi iyon makabubuti sa kanya. Mas lalong magiging komplikado lang ang lahat.
“What? Kilala mo ako pero hindi kita maalala. Magkaibigan ba tayo or something? At alam ko rin na nakilala na kita before kasi iyon ang nararamdaman ko. Malakas ang kutob ko, eh.
You’re too familiar, your name, your voice. Just tell me. Sino ka ba at ano ka sa buhay ko?” mahinang tanong niya. Base pa lamang sa nakikita kong emosyon sa mga mata niya ngayon ay alam kong desperado siyang malaman ang totoo pero wala na ako sa posisyon pa para sabihin sa kanya iyon.
Kinapakapa ko ang dibdib ko. Sobrang lakas nang pintig nito. Halo-halo rin ang nararamdaman ko. Takot, lungkot, galit, kaba at saya? Hindi ko rin alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi naman kasi ako ganito dati, eh. Ang hirap ipaliwanag.
“Please... tell me,” nakikiusap na saad niya. Napatitig ako sa mga mata niya.
“Mom? What is it po?” tanong sa akin ni Jecky. Siguro ay nagtataka na sila na kung bakit ganoon ang tinatanong sa akin ng lalaking kasama nila.
“Do you know each other po, Mommy?” tanong naman ni Jacky.
“Hindi puwede,” mahinang sambit ko at sapat na para marinig niya iyon. Nanginginig na ang mga binti ko, iyong kamay ko. Alam kong mali na maglihim pa sa kanya pero alam kong makakasama sa kanya ang biglain.
Napapitlag ako nang may biglang humawak sa magkabilang balikat ko at napatingin ako sa kanya. Na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. Mariin niya akong tinititigan, iyong mata niyang kulay abo ay nagpapahiwatig na humihingi nga ng kasagutan at nagmamakaawa pa. Napaiwas ako nang tingin sa kanya.
“Just please tell me...” mahinang sambit niya. Umiling ako. Hindi niya ako mapipilit at mas lalong hindi ko siya kaaawaan.
“Alam ko talaga, malakas ang kutob ko na kilalang-kilala kita. I want to know, kasi kung hindi ko malalaman ang totoo, mababaliw ako. Mababaliw ako sa kaiisip kung sino ka. Kung ano ba kita.” Hinawakan naman niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa dibdib niya.
Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ang bilis ng heartbeat niya. Bakit ba niya ito ginagawa?
“Did you feel it? I don’t know why kung bakit ganyan kalakas nang t***k ng puso ko. Kakaibang pakiramdam ito. Kanina pa ito noong nasa resto tayo-_ah no crap that! Sa picture, iyong billboard sa airport. Doon ito nagsimula.” What should I do? Shet naman, oh. Ano pa ba ang sasabihin ko sa kanya para manahimik na lamang siya at huwag na niyang alamin pa iyon?
Alam kong makasarili na itago ito sa kanya pero natatakot pa rin ako. Ayokong mag-risk ng buhay ng ibang tao.
“Quinna...” sambit niya sa pangalan ko. Para lang mas lalo akong manghina.
“Hindi ko puwedeng sabihin sa ’yo. Ikaw na ang may sabing may amnesia ka at ayokong mabigla ka. Makakasama iyon sa ’yo,” paliwanag ko sa kanya.
Nagulat ako nang bitawan niya ang kamay ko at ang magkabilang pisngi ko na naman ang hinawakan niya. Libo-libong kuryente ang naramdaman ko sa kamay niya.
“Makasasama talaga sa akin, makasasama sa akin na hindi malaman kung sino ka. Kung ano ka ba talaga sa buhay ko,” malamig na utas niya. Wala na akong pakialam pa roon. Kung hindi niya malalaman kung sino ako sa buhay niya ay problema na niya iyon. Hindi na sa akin. “At alam mo rin ba kung ano pa ang nararamdaman ko sa ’yo?” tanong pa niya sa akin.
“Ano?” malamig na tugon ko naman.
“Ramdam ko rin na...galit ka sa akin,” wika niya, bumaba ang tingin ko sa kamay ko. “May nagawa ba akong masama sa ’yo sa nakaraan. Nagkagalit ba tayo?” Mariin akong napapikit, ang sakit sa puso na malaman mo na wala siyang maalala. Nakalimutan niya ang lahat, but why the hell I felt pity for him? Akala ko ba ay hindi na ako maaawa sa kanya? “Look at me,” mariin na utos niya sa akin pero hindi ko iyon ginawa. “Look at me please...”
Hinawakan niya ang chin ko at tinaas kaya napatitig ako sa mga mata niya. Iyong mata niya na akala mo naman ay matutunaw ka sa titig niya. Ito rin ang dahilan kung bakit nahulog ako sa kanya noon, eh. Kakaiba siya kung makatitig.
“Now you’re crying?” Hindi ko namalayan na umiyak na pala ako.
He wiped my tears using his left tumb at iyong right hand niya ay nakahawak pa rin sa chin ko. “Tama ako, tama ako, ’di ba? May ginawa ako sa nakaraan na ikinagalit mo,” pamimilit pa rin niya. “Now tell me, sino ka ba talaga? Sabihin mo lang iyon sa akin. Iyon lang, ang malaman ko lang na kung kaibigan mo ba talaga ako or something,” mahinang sambit niya. Bakit ba... Bakit ba mapilit siya masyado?
“Hindi naman na iyon mahalaga pa. Nakaraan na iyon, hindi na dapat natin pinag-uusapan ngayon. Dahil wala na,” walang emosyon na sabi ko.
“Mahalaga iyon sa akin,” seryosong saad niya.
“I’m your... ex-girlfriend. We broke up 7 years ago,” sagot ko. At tama na nga ako sa mangyayari sa kanya.
Bigla siyang tumayo at napahawak sa kanyang ulo kaya napatayo na rin ako. Dahil natatakot ako sa puwede pang mangyari sa kanya.
“A-Are you okay?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.
“Shet!” mura niya.
Kinuha ko ang kanang kamay niya at pinisil ang palad niya. Ito na ba ang sinasabi ko, eh. Bakit kasi ang tigas ng ulo niya?
“What are...you doing?” tanong niya na ngayon ay nakapikit na at nakahawak pa rin siya sa ulo niya. Alam kong matinding sakit ang nararamdaman niya ngayon.
“I told you na hindi ito makakatulong sa ’yo!” naiinis na sambit ko.
“C-Curious ako... Gusto ko lang malaman... Gusto ko lang naman malaman, eh,” mahinang saad niya.
“Nababaliw ka na nga. Alam mong masama iyon sa ’yo pero nagpupumilit ka pa rin na malaman. Nahihibang ka na,” saad ko.
“M-Masakit ang ulo ko...”
“Alam mong bawal na bawal, eh!” sigaw ko at dinig na rinig ko lang ang mahihinang daing niya. “Hindi na mahalaga na maalala mo pa ang nakaraan. Mabuhay ka na lang sa kasalukuyan. Ganoon naman siguro ang ginagamit mo ngayon, eh. Pero masyadong kang curious sa lahat ng bagay.
Napahinto naman ako sa pagpipisil sa palad niya nang bigla niya akong yakapin. Literal na nagulat ako sa ginawa niya. Namilog pa ang mga mag ko sa gulat.
What the hell?