CHAPTER 7

1853 คำ
CHAPTER 7: Welcome party RAIZER JACK’POV KUMALAS ako sa pagkakayakap ko mula sa kanya at walang sabi-sabing naglakad ako sa kanya palayo. Matinding kirot sa sentido ko ang nararamdaman ko. Sobrang sakit nito. “Tito, where are you going po?” narinig kong tanong ni Quinne sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa. “Raizer Jack!” Si Jacky naman ang tumawag sa akin. Alam ko na siya iyon, eh. Dahil boses niya. Dali-dali akong lumabas mula sa nanay nila. Naguguluhan ako. Bakit may ex-girlfriend ako? Ang sabi sa akin ni Mommy ay hindi naman daw ako nagkaroon ng girlfriend o karelasyon dito sa Pilipinas. Dahil hindi ko pa raw plano na magkaron ng ganoon. Hindi ko na maalala pa ang sinabi sa akin noon ng Mommy ko. Hindi ko na namalayan na nasa bahay na ako. Nadatnan ko sa living room si Kuya Ram at nanonood siya ng TV. Nang mapansing niya ako ay agad niyang in-off iyon at hinarap ako. “Hindi mo sinasagot ang phone mo, Jack. Nag-alala kami, ang tagal mo na kasi sa labas, eh,” sabi pa ni Kuya Ram. “N-Naglakad-lakad lang ako sa labas. Magpapahinga muna ako, Kuya,” paalam ko at hindi ko na hinintay pa si Kuya na sumagot dahil naglakad na ako. “Sa black door ang kuwarto mo, Jack,” sigaw ni Kuya Ram. Pagkapanalo ko sa looks ng kuwarto ko ay humiga ako kaagad sa kama ko. Inilagay ko ang kaliwang braso ko sa noo ko at bumuntong-hininga. Naalala ko naman ang nangyari kanina at sa sinabi ni Quinna. Totoo kaya na ex-girlfriend ko siya? Totoong may relasyon kami dati? Shet, wala talaga akong maaalala. Wala kahit na isa. Kumikirot pa rin ang ulo ko sa sakit at mas lalong sumasakit lang siya kapag pinipilit ko na alalahaning siya. Sino ba talaga ang nagsasabi sa akin ng totoo? Si Mommy ba o si Quinna? Sinong paniniwalaan ko? Si Quinna, bakit galit siya sa akin? May nagawa ba akong hindi maganda sa kanya dati na ikinagalit niya? Nasaktan ko ba siya? Kanina no’ng niyakap ko siya ay nakaramdam din ako ng pamilyar na comfort but fvcking shet! Ni hindi ko naman talaga iyon maalala pa, eh. Napabuntong-hininga na lang ako at pumikit, I asked my mother about Quinna tomorrow. QUINNA AMERA’s POV NAKAUPO LANG ako rito sa dining area, hindi ko sinundan si Jack. Bakit pa? Bakit ko pa siya hahabulin kung kusa na nga diyan umalis? “`My! Kilala ninyo po siya, hmm?” Quinne asked me. “Quinne, ’di ba sabi ko sa inyo. Huwag ninyo siyang kauusapin? Hindi ninyo naman siya kilala,” sabi ko. “Why is that, Mom? He’s kind naman po,” Jecky reasoned out. Isa pang batang ito, eh. Mailap siya sa tao pero nagawa niyang lumapit kay Jack? Nang ganoon lang kadali? Nang hindi siya nagdadalawang isip man lang? Well, no doubt, self. He’s the father of your children. Hitsura pa lang ay alam na ng lahat na si Raizer Jack ang ama ng triplets. Pero hindi niya iyon malalaman dahil wala akong balak na sabihin pa sa kanya, lalo na may amnesia siya. “Basta, layuan ninyo siya. Hindi siya nakabubuti para sa atin,” pangangaral ko at sana makinig na lamang sila sa akin. Para wala ng gulo. “No way po, Mommy!” sigaw ni Jacky at patakbong lumabas sa kusina. “Quinne...” tawag ko kay Quinne nang makita ang pagpula ng mga mata niya. “I hate you, Mom!” sigaw niya at lumabas din siya. Oh, dámn it. Ano ba talaga ang nangyayari sa mga batang iyon? “Here drink this, Mom.” Napatingin naman ako kay Jecky, binigyan niya ako ng isang basong tubig. “Thank you, son,” nakangiting sabi ko at kinuha ko na mula sa kanya ang basong tubig saka ko ito ininom. “Bakit namin po siya lalayuan, Mom? He’s our Daddy, our biological father, hindi po ba?” Muntik na akong masamid sa tubig dahil sa sinabi niya. W-What? A-Ano ulit ang sinabi niya? “W-What... h-how did you know, Jecky?” kinakabahan na tanong ko sa kanya. “Tama po, Mommy ’di ba? Tatay namin siya. You said, he’s your ex-boyfriend. Kaya ka galit sa kanya dahil tatay namin po siya at ramdam ko iyon dito mommy, oh,” sabi niya at itinuro niya ang dibdib niya kung saan ang puso niya, “And Mommy, mabait ka naman po sa ibang tao pero sa kanya ka lang may galit. Kasi po daddy namin siya, isa pa Mommy. Kamukha namin siya nina Jacky at Quinne. Sabi rin po ni Lolo Papa kamukha raw po namin si Daddy. Kaya baka siya na po,” mahabang paliwanag niya sa akin at napangnga ako sa pinagsasabi niya. Bata pa siya para malaman iyon, bata pa siya para maitagpi-tagpi ang mga bagay na iyon. “Jecky please, keep this secret muna, ha anak?” sabi ko at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Hindi ito like malamang ng mga kapatid niya. “Why po, Mommy?” nagtatakang tanong niya sa akin at nakakunot pa ang kanyang noo. “Hindi puwedeng malaman niya ito,” sabi ko. “So, it’s true na Daddy namin po siya?” tanong niya. “Y-Yes, he’s your...d-daddy,” nauutal na sagot ko pero nag-aalanganin pa rin ako. “Eh, bakit po Mom, ililihim natin?” tanong pa niya. Kailangan talaga ay may dahilan. “Walang naaalala si Daddy, hindi niya dapat ito malaman agad anak. Mapapahamak siya. Narinig mo naman ang sinabi niya kanina, hindi ba? Wala siyang naaalala,” pagdadahilan ko. “O-Okay po, Mom,” tumatangong sagot niya at niyakap ko siya nang mahigpit. RAIZER JACK’s POV PARTY ”Dude, tara na nagsimula na ang party,” pag-aaya sa akin ni Jersyn. Tumango na lang ako bilang tugon at sumunod na rin naman sa kanya. “Guess what dude? Your future wife is here,” singit naman ni Milley. “Future wife, who?” tanong naman ni Mazeke. “Anak ng Ninong ni Jack, Myrah Zean Climaco,” sagot ni Jersyn. “Myrah Zean Climaco, you mean iyong sikat na artista?” namamanghang tanong ni Mazeke. “Right!” sagot ni Milley. "Magpapakasal ka talaga sa babaeng iyon, dude?” tanong sa akin ni Mazeke. “As if, I have a choice na hindi pumayag sa arrange marriage namin? Mommy such a monster, dude, you know that,” sabi ko. Yeah, nakakatakot si Mommy. Kung may nagugustuhan akong babae ay dapat dadaan muna raw sa mga kamay niya at siya pa ang huhusga. Baka raw kasi ginagamit lang ako ng mga babae para maging parte ng pamilya namin. Sunod-sunuran naman kami ni Kuya Ram dahil alam namin na alam din ni Mon ang para sa amin talaga. “Right! Monster nga si Tita Veivine,” ani Jersyn. Pagkapasok namin sa loob ng hotel ay maraming flased agad ng camera ang sumalubong sa amin at hindi lang iyon. Nagpalakpakan pa talaga sila sa pagdagsa namin. Expected na engrande ang party na hinanda nila para sa amin. “Hayst, masakit sa mata!” reklamo ni Milley at tinakpan pa niya ang mga mata niya gamit ang mga palad niya. “There are my parents. Dude, puntahan ko muna sila, ha?” paalam ni Jersyn. “Okay, me too,” sabi rin ni Mazeke. Tinapik niya lang ang balikat ko at dalawa na lang kami ni Milley. Nakita ko ang parents ko na nakaupo malapit sa may stage, kaya nilapitan ko na rin sila. “Dito na ako, dude.” Tinanguan ko lang si Milley. “Alright,” sagot ko. Nang makalapit ako sa table ng parents ko ay hinalikan ko sa pisngi si Mommy at niyakap naman niya ako pabalik. “God, I miss you so much, son,” malambing na sabi niya. “I miss you too, Mom, Dad.” I hug my father and he tapped my left shoulder. “Have a sit, son,” he said sy umupo naman ako sa tabi ni Daddy. “By the way, son. I would like to meet your future wife,” pagsisimula agad ni Mommy. Sinabi na ni kuya sa akin kanina na in-arrange marriage na nga ako at wala ng atrasan pa iyon. May isang babae naman na nakasuot ng itim na gown at lumapit sa amin bago pa siya tawagin ng aking ina. “Myrah Zean Climaco, Myrah my dear. This is my son, Raizer Jack Sanchez,” pagpapakilala sa akin ni Mommy. Tiningnan ko naman ang tinutukoy niyang future wife ko raw. Well, hindi na masama. She’s beautiful and sexy but not my type. “H-Hi Raizer Jack. Myrah Zean pala,” she said at naglahad ng kamay sa akin kaya tinanggap ko rin naman iyon. Ayoko maging rude sa mga babae. “Nice to meet you, Myrah Zean,” kaswal na sabi ko at nginitian siya. Napalingon naman ako sa kabilang table nang makita ko ang pamilyar na babaeng nakaupo roon. Nagsalubong ang kilay ko. Quinna Amera, bakit siya nandito? Invited din siya sa welcome party namin? Biglang bumilis ang t***k nang puso ko nang inilapit ng lalaking katabi niya ang ulo nito na tila ba may ibinulong ito sa kanya. Asawa niya ba iyon? Bakit mukha yatang matanda? Siya na kaya ang ama ng triplets? “Ladies and gentleman, may I have your attention? And good evening everyone, we all gathered here to celebrate the welcome party of the famous the miracles and also the important event. The engagements of two beautiful couples,” the MC said, dahilan para kabahan ako. Don’t tell me... “May I call you, Mr. Raizer Jack Sanchez and Ms. Myrah Zean Climaco? Please come to the stage. What do you think, guys?Bagay na bagay silang dalawa, hindi ba?” Binalingan ko naman ang Mommy ko. Sabi ko na, eh. May iba langit plano si Mommy at hindi lang ito welcome party namin. Engagement party! “Mom did you plan this already without my permission? How could you do this to me, Mom?” reklamo ko kay Mommy. Tiningnan niya ako at ngumiti sa akin nang malapad. At saka siya tumingin sa ibang direction at ngumisi. What's wrong with my Mom? Bakit ganoon ang naging reaction niya? Sinundan ko iyon nang tingin at medyo nagulat pa ako, and it was Quinna. Mataman din siya nitong tiningnan. Magkakilala sila? Or should I say, kilala ito ni Mommy at tama na nagkaroon kami ng relasyon seven years ago? May alam nga rito ang aking ina pero wala siyang sinasabi sa akin o baka may itinago lamang siya? “Son, sige na tinawag na kayo. Guide your finace,” nakangiting sambit ni Mommy. Kahit napipilitan ako ay ginawa ko naman ang utos niya dahil ayoko silang mapahiya. Inalalayan kong tumayo si Myrah at naglakad kami papunta sa harapan ng mga tao. Nagpalakpakan na rin ang mga guest sa amin. Eksaktong nakarating kami sa stage ay nagtagpo ang mga mata namin ni Quinna. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang emosyon na iyon. May lungkot ito sa mga mata niya...
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม