CHAPTER 8

1671 คำ
CHAPTER 8: Quinne the fan girl QUINNA AMERA’ POV NAPAIWAS ako nang tingin kay Raizer, hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko. Parang ganito rin ang naramdaman ko nang umalis siya at iniwan ako sa ere. Pero parang mas masakit yata ang nararamdaman ko ngayon. Bakit? Why I felt this hurt? May nararamdaman pa ba ako sa kanya? Mahal ko pa ba siya? Oo masakit, masakit noong nalaman ko na wala siyang maalala. Masakit dahil nakalimutan na niya ako, masakit dahil hindi na niya maalala pa ang ginawa niya sa akin. Ang pang-iiwan niya sa akin, masakit na hindi niya maalala na mas pinili pa niya ang pangarap niya kaysa sa akin. Hindi naman ako hahadlang sa pangarap niya. He talk to me about his dream at kailangan niya raw umalis ng bansa, I let him go because that’s what he want but doesn’t mean na maghihiwalay nakami. Pero naisip ko na ako pala ang mas mahihirapan kaya pinigilan ko siya, pinigilan ko siya na huwag na siyang tumuloy pa. Alam kong makasarili ang ginawa ko, pero wala,eh. Mahal ko siya noon at ayoko lang naman na hindi siya makasama dahil nasanay na ako nandiyan siya sa tabi ko. But because sa ginawa ko ay nakipaghiwalay siya sa akin. Sana pala hindi ko na siya pinigilan dati, kaya sana kami pa siguro ngayon. Siguro nga ay masayang pamilya na kami ngayon? Naramdaman ko na parang may mga matang nakatingin sa akin. Nilingon ko naman si Madam Veivine Sanchez, Raizer’s Mother. Pinukulan niya ako nang masamang tingin at nginisian. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon. I know her a lot, she’s a monster. Palagi niyang pinapangunahan ang mga anak niya. I hate her but she’s the mother of Raizer kaya nirerespeto ko siya. Dahil mahal ko ang anak niya. Alam ko noong kami pa ni Raizer ay ayaw na niya sa akin. She hate me too, ayaw niya ako para sa anak niya at alam ko ngayon, sinadya niyang imbitahan ako para makita ang anak niya na mae-engaged sa ibang babae. Alam ko na sinadya talaga niya ito. Gusto niyang ipakita sa akin na wala na akong pag-asa pa kay Raizer? Let’s see Madam Sanchez, let’s see kung ikaw pa rin ang magwawagi ngayon. Alam ko rin na ikinasaya niya ang maghiwalay kami noon. “Hello, good evening po.” Napatingin ako sa stage kung saan naroroon ang mag-fiancé. Bumaba ang tingin ko sa kamay nila. Mahigpit na magkahawak ang mga kamay nilang dalawa. Close agad? Pss. “Thank you for being here sa engagement party namin ni Raizer. You know what po... Raizer is my idol, kaya po noong nalaman ko na in-arrange marriage ako kay Raizer ay ang saya-saya ko po... kaya po, bilang future wife niya ay gagawin ko po ang lahat para sa kanya, ang maging perfect wife,” tuwang-tuwang sabi ng babae. ”Perfect wife? Her ass,” mahinang bulong ko at narinig ko ang mahinang halakhak ng katabi ko. Nilingon ko siya at tiningnan nang masama. “What’s funny, Papa?” nakataas na kilay na tanong ko kay Papa. Yeah, Papa ko ang kasama ko. He’s my partner tonight at pinilit lang niya akong pumunta rito kahit alam niyang ayaw ko. Ayoko rin kasi na makita ang Mommy ni Raizer. “Ang bitter mo, anak,” he commented. “Whatever, Papa.” I just rolled my eyes. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Papa ang kaliwang kamay ko at pinisil iyon. “Does it hurt, anak?” malambing na tanong niya. “Yeah, Papa. I don’t know if, if why I felt this,” sagot ko kay Papa. Nginitian ko lang siya at hinalikan naman niya ang noo ko. “I told you to tell that he have a triplets, na may anak na nga kayo hindi lang isa, dalawa dahil tatlo pa,” suggestion niya. “Why I need to do that, Papa? Wala siyang maalala at ayokong madaliin siya,” sambit ko. ”Ayaw madiliin ba, anak? If you didn’t move it swear mauunahan ka. Nah! Naunahan ka na pala,” aniya. Ang daming nalalaman talagang itong Papa ko. Pss. “Eh, hindi ko naman na talaga sasabihin, Papa. Wala sa plano ko iyon,” wika ko. Totoo iyon. “No, anak. He have rights. Don’t be selfish, he’s the father of your children. Baliktarin mo man ang mundo, siya pa rin ang tatay ng mga anak mo. Siya pa rin ang tatay ng mga apo ko. Anak, may karapatan siyang makilala bilang ama nina Jecky, Quinne at Jacky. May karapatan siya, anak. Gusto mo ba na dumating ang araw na siya mismo ang makakaalam na may mga anak na siya sa ’yo? Quinna hija, magagalit siya sa ’yo kasi inilihim mo sila mula sa kanya, and your triplets have a right too to meet their father at baka magiging masaya sila na malaman at makilala nila ang ama nila. Ipagkakait mo pa ba iyon, anak? Don’t keep them forever because secret sometimes bad, why is that? Walang sekretong hindi na bubunyag anak at minsan iyon pa ang magiging dahilan ng pagkasira ng isang relasyon. Pag-isipan mo ito ng mabuti. Alang-alang sa mga anak mo,” mahabang paalala sa akin ni Papa. Hindi ko maiwasan ang maluha dahil sa sinabi niya. He’s understanding. Noong nalaman niya na buntis ako ay hindi niya ako tinakwil at mas inalagaan pa ako ni Papa. Hindi siya umalis sa tabi ko at palagi siyang nandiyan. Kaya ang suwerte ko sa kanya. “Thank you papa, don’t worry I tell him about the triplets but not now Papa. Maybe soon,” nakangiting sabi ko at niyakap ko ang aking ama. He hugged me too. “Oh, my God!” Mabilis na kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Papa at tiningnan iyong sumigaw. Nakita ko naman na nagkakaguluhan nasa stage. What just happened? “Are you okay, son?” narinig kong tanong ni Madam Sanchez sa anak niya. “What happened, Papa?” tanong ko naman kay Papa. "Hmm, I think this is a good news, sweety. Nabasag niya ang basong may laman na wine and mind you my daughter kanina pa siya nakatingin sa atin and take note. Masama ang tingin niya sa akin. Sabi mo wala siyang maalala pero bakit yata parang may naaalala siya?” Ha? May naalala? Sino naman? Si Raizer? Eh, alam naman niya ang Papa ko, ah. “I don’t know, Papa,” umiiling na sabi ko at hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Ewan ko ba sa lalaking iyan. Noong pumunta siya---ah, no noong dinala siya nina Jacky sa bahay namin ay sobrang nagulat talaga ako at doon ko lang nalaman na may amnesia pala siya. Pero ’yong puso niya raw tumitibok ng malakas. Haist! Sana nga ay kilala ako ng puso niya, but impossible. Nang tiningnan ko naman si Raizer ay nagulat ako sa ginawa niya. Did he glared at me?! What the fudge! Parang nakagawa ako ng kasalanan sa kanya, ah. “Uhm, sorry for that guys. Raizer can you please kantahan mo kami kasama ang mga banda mo?” tanong ng MC. “Of course,” aniya at pumunta naman ang kasama niya sa stage at kanya-kanya silang pumuwesto. Raizer strum his guitar. “This song is dedicated to my fiancee.” What the fvck? Kinapa ko ang dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog no’n. When he mentioned the word fiancé ay hindi ako nasaktan doon dahil when he said those words ay sa akin naman siya nakatingin. It is just me or assuming lang talaga ako? Para sa akin ba ang ikakanta niya or para lang sa fiancé niya? Tss. Mas bumilis pa ang pintig ng puso ko nang magsimula silang tumugtog. What the hell is happening?! May naaalala ba siya or what?! The hell! It was our theme song! You’re the one that never let’s me sleep Through my mind, down to my soul you touch my lips. You’re the one that I can’t wait to see With you here by my side I’m in ecstacy When he left me at the airport, I started to hate music and also a singer like him. But Quinne Zerrah loves music, kaya madalas na tinatago niya ang iPhone niya sa akin. No doubt kay Quinna, nagmana siya sa tatay niya. I am all alone without you My days are dark without a glimpse of you But now that you came into my life I feel complete The flowers bloom, the morning shines and I can see. What’s wrong with you ba Raizer? Hindi man lang niya inalis ang pagkakatitig sa akin. Kaya ako na lamang ang nag-iwas nang tingin sa kanya. I saw Madame Sanchez. She looked at me, kung nakakamatay lang ang mga titig niya ay baka kanina pa ako nakahandusay sa sahig. I just smirked at her at tumingin na lang ako kay Raizer. Your love is like the sun that lights up my whole world I feel the warmth inside.. Your love is like the river that flows down through my veins I feel the chill inside... Your love---- What the hell! Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang anak ko. Napatayo pa ako sa gulat. “Anong ginagawa ni Quinne riyan?” Nagulat ako nang bigla rin siyang kumanta tapos sabay pa nila tinapos ang kanta?! “Wahh! Hello po, Tito Jack. You know what po? Idol ko po talaga kayo! The Miracles!” masayang bulalas pa ng aking anak. Oh, God... Napasapo ako sa sintido ko ng nagpabuhat si Quinne kay Raizer. “Buddy!” The hèll! “Hello po, Tito Jack!” Si Jecky ? “Oh there you are Mommy! Tito! There’s our Mommy!” sigaw pa ni Jacky. Dahil sa pagsulpot nilang tatlo ay nagkagulo na tuloy. Napatingin ako kay Madam Sanchez. Gulat na reaction ang makikita mo sa mga mata niya at naguguluhan na siyang tumingin sa akin! Amo ba ang ginagawa nila rito? At bakit ngayon pa talaga sila sumulpot sa tatlo?
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม