CHAPTER 10

1812 คำ
CHAPTER 10:AVOIDING QUINNA AMERA’s POV INIWAN ko sa living room ang mag-ama at pumasok ako sa study room ko. Dito ko pinalipas ang oras dahil awkward talaga kapag nasa iisang lugar lang kami ni Raizer. Hindi na kami iyong dati. Napatingin ako sa wallclock ko. It’s 10:30 in the evening already. I wonder kung ano na ang ginagawa nila ngayon. Isinara ko ang laptop ko at tumayo. Lumabas din at nagtungo sa living room. Para tingnan ang ginagawa nila. Kumunot bigla ang noo ko dahil wala na roon ang mga bqta. Nasaan na sila? “Natutulog na sila.” Muntik na akong mapatalon sa gulat nang magsalita si Raizer mula sa aking likuran. Bagamat hindi ko na siya nilingon pa. “Okay,” tipid na sabi ko lamang at pinulot ko akg mga pillow sa carpeted floor. Mukhang nagkaiayahan sila, h. “Thank you.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. I face him with my confuse look. “Sorry for what?” I asked him. His both hands are on his pocket at naninimbang na tiningnan ako. “You let me to be with them. You know I have this feeling that... that... they are mine,” mahina saad niya. My heart beats faster. Paano naman niya nasasabi iyon? Eh, wala man siyang naaalala. “I wonder kung nasaan ang Daddy nila?” tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot diyan. “Where’s your husband?”This is tortured, dàmn it! Pero puwede ko naman na hindi sabihin sa kanya iyon. Kaya sino siya para sagutin ko pa siya? “Wala siya,” sagot ko lang. “W-What? Wala siya? What do you mean by that?” tanong pa niya sa akin. “Basta nawawala siya. Hindi mahanap ang sarili. Maybe soon, he found himself and us. I just don’t know if when,” sagot ko at mas naguluhan pa siya sa sinabi ko. “Sabihin na natin na... nangibang bansa siya at bigla siyang naligaw. Kahit sarili niya mismo ay hindi niya mahanap,” magulong paliwanag ko na sinabayan ko pa nang mahinang tawa. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at napatawa na ako. Hindi niya talaga nakuha ang punto ko, eh ’no? “What the...” he uttered at napahinto naman ako sa pagtawa at tiningnan niya. Na ngayon ay parang naaaliw na siya sa akin. “What?” I asked. “Y-You laughed,” aniya, inirapan ko na lamang siya. “It’s already late. You can go home now,” seryosong sabi ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya. May naiisip na naman na kung ano ang isang ito. “Baka nakakalimutan mo na magkapit-bahay lang tayo,” nakangising sabi niya. Sa dami-rami ng bahay na malilipatan ay bakit sa subdivision pa namin? “I know. Magpahinga ka na,” sabi ko at ngumiti naman siya. How I missed his smile. Napasimangot ako sa naisip ko. ”Thank you for making my kids happy but you know...hindi mo na sana kami hinatid pa lalo pa may fiancé ka na,” sabi ko at napanguso pa siya. “I was shocked when my mother announced that I’m engaged with someone I don’t love,” malamig na sabi niya. “Oh?” tanging nasambit ko na lamang. “And of course, I’m disappointed to my mother. Mas masaya pa yata na makasama ang mga bata kaysa sa fian---what the hèll ever,” he blurted out. “Okay, umuwi ka na at magpahinga. Masama sa kalusugan ang magpuyat,” sabi ko at ngumiti naman siya ulit. “Got it, doc, good night,” aniya. Hinatid ko pa siya sa labas para masigurado na uuwi na nga talaga sila sa kanila. Kinabukasan ay maaga naman ako naghanda para sa work ko. “Manang Aida, kayo na po ang bahala sa mga anak ko!” pasigaw na habilin ko sa kasambahay namin at tumakbo na ako palabas ng bahay namin. “Oo, hija!” sigaw pabalik ni Manang Aida. Kung sa bahay lang kami ay hindi ko kailangan ng maraming babysitter para sa mga anak ko. Si Manang Aida lang ay sapat na upang bantayan silang tatlo. Paglabas ko naman at nasa gate na ako nang mahagip ng mga mata ko ang tatlong itim na sasakyan sa katapat ng bahay sa kabila. “Oh, the Quinna Amera Nandezo is here?’ Napalingon ako sa kabilang gate at nakita ko si Madame Sanchez. She’s wearing her red v-neck long dress at pinarisan pa niya ng black coat niya. Ang gara talaga niyang manamit parang isang artista lang siya. “Good morning, Madame,” magalang na bati ko sa kanya at tinaasan pa niya ako ng kilay. “Mom, sino po ang kausap ninyo?” singit naman ng isang babae. Oh, ang well fiancè ni Raizer. “Kapit-bahay lang ng fiancé mo, sweetheart,” nakangiting sagot niya rito. Close na talaga sila, eh ’no? Bagay naman sila na tawaging mag-ina. Pareho silang demonya ang pag-uugali. “Who is she? Wait... ’di ba po siya ang nasa party kagabi, Mommy? Iyong nabuntis at tinakbuhan ng boyfriend niya?” Kumunot ang noo ko sa tanong ni Myrah. Ano raw? Ako iyong tinakbuhan ng boyfriend ko dahil buntis ako? Ano naman ang pinagsasabi ng babaeng ito? "Oh,yes anak. Makati kasi kaya hayan nabuntis agad,” nakangising sabi niya at mahigpit kong ikinuyom ang kamao ko. “You know what, Nandezo? Huwag kang masyadong lumapit sa anak ko, ha?” Paalala pa niya sa akin. Mukha ba akong naghahabol sa anak niya? Magsasalita na sana ako para depensahan ang sarili ko pero dumating na agad si Raizer at Kuya Ram. “Mom? What are you doing here?” tanong ni Raizer sa mommy niya. “Oh, good morning, son. Kasama ko ang fian---” “Quinna?” tawag sa akin ni Raizer. Lalapit na sana siya sa mababang gate namin ngunit tumalikod na ako at mabilis na binuksan ko ang pinto ng kotse ko at sumakay saka ko pinaharurot. Ayokong makita siya kasama ang fiancé niya at ang mommy niyang demonya. Pss. PAGKARATING ko agad sa hospital ay naging busy na kaagad ako dahil ang dami kong pasyente na inasikaso at sunod-sunod din ang operasyon ko. Iniwasan ko na rin ang kapitbahay namin. Isang buwan din ang lumipas simula ng huli naming pag-uusap ni Raizer. Umiwas na nga ako dahil ayoko ng gulo. Tama nga naman na umiwas na ako, dahil may fiancé na siya. Hindi ko naman ipagkakait kay Raizer ang mga anak niya. Sasabihin ko naman sa kanya ang lahat pero nag-iipon pa ako ng lakas ng loob. Ngunit hindi pa sa ngayon. Umalis na rin kami sa subdivision. Pinili ko ang tumira sa mansyon kasama si Papa. Masaya naman ang aking ama dahil makakasama na naman daw niya ang mga apo niya at medyo nagagalit dahil hindi ko pa raw sinabi kay Raizer ang lahat. Ayokong magmadali, eh. “Amera.” Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. “Levi?” gulat kong sambit sa pangalan ng matalik kong kaibigan. “Busy ka ba, Dra. Amera?” tanong niya sa akin. Levi Eziel Leogracia is my guy best friend. Mabait na suplado, snob pero sweet naman talaga siya. 33 years old na siya at hindi ko alam kung bakit wala pang asawa. Siguro nga ay may hinihintay siya. “Bakit narito ka, Levi?” tanong ko sa kanya. “Gusto ko sanang imbitahan ka ng date?” nakangising sabi niya. “Seriously?” nakataas na kilay na saad ko. “Yeah, ano ka ba, Amera. Date lang naman iyon,” natatawang saad niya. “Okay, you can wait me at the parking lot. Magpapalit lang ako,” sabi ko at maglalakad na sana ako nang hinila niya ako at inakbayan. “Huwag na! Gusto kong nakikita kang naka-doctor’s robe. Ang ganda mo kasing tingnan, eh,” pambobola pa niya sa akin at wala na nga akong nagawa pa. First year college pa lang kami noong nagkakilala kami ni Levi. Playboy at gágo siya. Oo, gágo siya, ang daming babae ang napaiyak niya at hindi ko alam kung bakit hindi siya nagseseryoso. “You know what, Amera. I met thid girl,” pagkukwento niya habang naglalakad na kami. “What’s the new, Levi? Araw-araw naman na may babae ka,” I hissed. “No, this is different, Amera. I met this girl, a simple girl. Yeah, simpleng babaeng nakasuot lang ng luma pero malinis na puting damit, nakasuot ng itim na pantalon at nakaitim na sandal. Walang lipstick at walang make-up. Simple lang siya pero elegantenh tingnan. Parang siyang anghel at alam mo ba ang nakakapagtaka sa nararamdaman ko? Parang ayoko siyang hawakan at lapitan kasi parang mamahaling baso na nakakatakot basagin. Parang sobrang inosente niya,” mahabang paliwanag niya sa akin. Oh, mukhang nahulog na nga ang kaibigan ko sa babaeng iyon. I wonder kung sino siya. “What happened to your sophisticated future girlfriend, Levi?” nakangising tanong ko sa kanya. “What? Hindi ko naman iyon gusto, ah?” aniya. “Liar, kilala kita, Levi. Kahit iyong amoy ng utot mo ay alam na alam ko,” natatawang sabi ko. “Ewan ko sa ’yo, nakakahiya ka talaga,” he said. Hindi ko namalayan na nasa parking lot na pa kaming dalawa. “So, who’s this girl, Levi?” interesadong tanong ko. Binuksan niya muna ang pinto sa shotgun seat. “Tharisma Galvon, she’s really familiar. Alam ko na nakita ko na siya before pero hindi ko lang maalala kung saan o kailan. Basta malakas ang kutob ko na kilalang-kilala ko talaga siya,” seryosong sabi niya. “Maybe... She’s one of your ex-girlfriend?” tanong ko. “Impossible, masyado siyang precious at inosente para maging ex-girlfriend ko lang. I think mabait siya at straight forward,” aniya. “You’re in love, Levi,” sabi ko at ngumisi. “No, isa lang ang mahal ko at mamahalin ko, Amera,” umiiling na sabi niya. “Sino? Si...Tata ba iyon?” tanong ko. Hindi siya sumagot, sumakay na lang ako sa kotse niya. Alam ko ang nakaraan ni Levi at ’yong first love niya raw. Tss. Iyan kasi, bakit noong nandiyan pa ang tao hindi niya agad pinahalagahan? Tapos sa huli sisisihin ang sarili? Well, tama nga ang kasabihan na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kung mawawala ito sa ’yo. Simpleng kuwentuhan lang tungkol sa babae niya ang pinag-usapan namin at kumain lang kami ng lunch. Hinatid pa rin niya ako sa hospital. Bago ako uuwi sa mansion ni Papa ay dumaan muna ako sa bahay namin dahil may kailangan pa akong kunin sa loob na nakalimutan kong dalhin. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bahay namin ng biglang may nagtakpan sa bibig ko at humawak sa baywang ko. Nagulat ako. What the! Bago pa ako makapagprotesta ay nakapasok na ako sa kotse... I know that smell! Raizer...
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม