CHAPTER 11: Please stay
NAGISING ako kinaumagahan ay nasa loob na ako ng kuwarto na hindi pamilyar sa akin.
Color dark blue and white ang structure nito.
“W-Where am I?” tanong ko sa sarili ko at nang maalala ko na ang nangyari kagabi ay napabalikwas ako nang bangon. “What the héll?” mura ko at pinasadahan ko pa ang katawan ko.
Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kong nakapagpalit na pala ako ng kulay puting sando at saka kulay pink na pajama. Gosh! Sino naman ang nagpalit nito sa akin? Naalala ko na papasok pa lamang ako sa bahay namin nang may nagtakip naman sa ilong ko at hinila ako palayo. Isinakay pa ako nito sa kotse niya. Wait, sino naman iyon?
Mabilis na tumayo ako at lumapit sa pintuan. Pipihitin ko na sana ito upang makalabas na ako but bigla na lang bumukas ito.
“Hey, good morning, Quinna,” bati sa akin ni... Malamang si Raizer! Siya ang naaalala kong kumuha sa akin kagabi!
Dumapo agad ang mga mata ko sa kanyang katawan. Great! Nakahubad baro pa siya at tanging tuwalya lang ang suot niya sa pang-ibabang bahagi ng katawan niya.
Bayolente akong napalunok nang nakarating na iyong mga mata ko sa maumbok niyang-- urgh! Parang ang sarap pisilin iyong abs niya!
“Eyes up, Quinna. Stop eye-ráping me.” Mabilis na tumingin ako sa mga mata niya at nakangisi pa talaga siya.
“I am not!” mariin na sigaw ko.
“Oh, sweetheart I---uggh!” He didn’t finish his words dahil napahawak siya bigla sa ulo niya. Napaano naman siya?
“Hey, are you okay?” nag-aalalang tanong ko at mabilis na lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kaliwang palad niya at marahang pinisil-pisil ’yon. “Raizer, are you okay?” Kinabahan ako bigla.
“M-My head,” mahinang sambit niya at hinila ko siya sa paupo sa kama. Tumabi lang ako sa kanya habang pinisil ko nang mariin ang palad niya. Upang mawala iyong p*******t ng ulo niya. “Are you really okay, Raizer? Answer me!” natatarantang tanong ko.
Doctor ako at hindi ako ganito kung mag-alala at natataranta pagdating sa mga pasyente ko and great! Sa kanya lang! Bakit kasi hindi niya ako sagutin?!
“I-I’m fine, I just... uh...”
“What? You’re just what?” tanong ko at tiningnan ko siya na namimilipit pa rin sa sakit.
“I just remembered something," sagot niya sa marahan na boses.
“Something what?!” Hindi ko na napigilan pa at pinagtaasan ko na siya ng boses. Kita na nga niya na para na akong aatakihin na sa puso!
“Something... Uhm. I used to call that endearment to someone I know but I can’t remember,” aniya at kumunot naman ang noo ko.
“What endearment?” nagtatakang tanong ko.
“Sweetheart. Sweet---Ahh fvck!” sabi niya at napahawak ulit siya sa ulo niya. Dumadaing din siya.
“Raizer!” sigaw ko sa pangalan niya.
“I’m fine. May naalala lang ako na...na... Basta.” Pss, ano ba kasi iyon?
“Direct to the point please, dàmn it!” sigaw ko at narinig ko siyang humalakhak.
Ang gágo! Nakuha pa niya ang tumawa sa lagay na iyan? Hinampas ko siya sa braso niya pero napahiyaw na lamang ako nang hinila niya ang kamay ko at pinaupo ako sa lap niya nang patagilid.
Pumulupot agad ang mga braso niya sa baywang ko at niyakap pa nang mahigpit. Inilapit din niya ang pisngi niya sa dibdib ko.
Literal na umawang ang labi ko sa gulat.
Kumalabog na naman nang malakas ang dibdib ko.
“Are you... worried?” mahinang tanong niya sa akin.
“Gágo! Ano ba sa tingin mo?!” pagalit na tanong ko pero sa mahinang boses lang dapat iyon, eh.
“Oh.. I’m special then. Nag-aalala ka sa akin. Hmm?” Gágo talaga, eh ’no? Kailangan pa niyang ulitin?
“Raizer!” sambit ko sa pangalan niya nang mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Hindi ako makahinga sa higpit no’n.
“I love it when you calls me Raizer. It’s very familiar, Quinna. Alam mo ba na kapag tinatawag mo ako sa pangalang Raizer ay feeling ko ang guwapi rin ng pangalan ko,” sabi niya na sinabayan pa nang mahinang halakhak. “It’s like music to my ears, sweetheart. Hmm.. sweetheart. Hindi na sumasakit ang ulo ko.” The hèll, sweetheart was our endearment nga! Iyon ba ang naaalala niya?
“Raizer...”
“What is it, sweetheart? Nag-aalala ka ba talaga sa akin?” malambing na tanong niya sa akin at napapikit ako nang mariin. I need to stop this! Kung hindi ay mas lalo lang ako mahihirapan! May fiancé na siya. “You cared for me? But... why do you always avoiding me, hmm Quinna?” Ano ba itong ginagawa niya sa akin?
“Because you already committed with someone and that someone is your fiancé,” I replied.
“And that someone is not my love,” he added.
“So what? She’s your future wife,” masungit na sambit ko.
“And so? I don’t even love her,” laban niya.
“Raizer please... Bitiwan mo na ako,” I pleaded.
“Oh, please what sweetheart?”
“Stop calling me sweetheart. It’s suck. Juteg me go,” saad ko.
“You have a bad mouth, sweetheart. A dirty mouth, doctora,” natatawang sabi niya at kinurot ko siya sa tagiliran niya.
“Aw, sweetheart that hurts!” reklamo niya.
“Don’t call me sweetheart! We’re not even in a relationship!” pasigaw na sabi ko.
“Then make have a relationship.”
“What the fvck, Raizer?!” malutong na mura ko.
“Don’t cussed, sweetheart,” sita niya sa akin. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at itutulak ko na sana siya kaso ang higpit nang yakap niya sa akin.
“Raizer! Ano ba?! Bakit mo ba ako dinala rito, ha?! Nahihibang ka na ba?!”
“Please stay... Please stay, sweetheart. Stop avoiding me, Quinna. Sa tuwing iniiwasan mo ako ay sumisikip ang dibdib ko at sumasakit ang puso ko. I don’t know why, Quinna. I-I’m confused. You’re my ex-girlfriend and I want to remember you too. Na kung bakit din tayo naghiwalay because I think may nararamdaman pa ako sa ’yo. Kasi hindi naman ako ganito, eh. This is turtored, Quinna. Lalo pa na nakita kita kahapon na may kasamang ibang lalaki,” sabi niya at bakit parang ang lungkot ng mukha boses niya? Nawalan na ako nang sasabihin.
“Raizer, don’t force yourself to remember me, this is bad for you,” kalmadong saad ko.
“No! This is not bad, Quinna. Mas masama pa ang hindi kita maalala,” mariin at malamig na sabi niya.
“Raizer...”
“Please, Quinna stay with me. I want to remember everything about you,” nakikiusap na saad niya.
“H-Hindi ko alam kung tama ba ’to, Raizer,” sabi ko at bumuntong-hininga.
“Please, please Quinna... Please sweetheart?”
“Hindi puwede. May fiancé ka na!” sigaw ko sa kanya.
“Dámn that word! I don’t care as long as I want to be with you!”
“Raizer, may a-anak na ako...”
“I know that. Tatlo na nga ang anak mo, triplets. Oh, nag-aalala ka ba sa ama ng anak mo? Sa asawa mo?” tanong niya. Paano naman niya naiisip iyon? At asawa talaga?
“Yes,” tipid na sagot ko pero pinipigilan ko ang tumawa nang malakas.
“Then if he found himself and you. Just file the annulment and leave him alone.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Ang seryoso niya masyado.
“What are you talking about?” gulat na tanong ko.
“Divorce him, just simple, and don’t worry about your children... I can be a father to them. Ituturing ko sila na parang tunay na anak and hey para ko na rin naman silang anak, ah.” Kung alam mo lang Raizer... Haist, guilty na naman ako.
“You can’t, Raizer,” umiiling na sabi ko.
“I can! I can do it, Quinna. I can be a good husband to you too.”
“You’re just kidding! Saka break na nga tayo. Wala na tayong kinalaman sa isa’t isa.”
“I’m not! I’m serious! I want to remember you. Give me chance, Quinna please?” Naku naman, oh.
“Alam mong makakasama ’tto sa ’yo.”
“I know, but I don’t care! I really don’t care about myself!” Dámn it! So stubborn.
“Fine, but I have one condition!” pagsuko ko.
“Okay, what is it?” tanong niya.
“Magpa-therapy ka,” suggestion ko.
“Therapy? I’m done with that, Quinna,” he said.
“What kind of therapy is that?” tanong ko naman.
“Dealing with a Psychiatrist doctor?” sagot niya.
“Oh, psychiatrist?”
“Yes, si Mommy ang kasama ko at that time.” That old and cruel lady! Psychiatrist lang? Hindi man lang niya pinag theraphy about sa brain niya? Ayaw ng mommy niya na makaalala pa siya. Simple lang.
“I’m talking about a Neurologist Raizer. May kilala akong doctor na Neurologist,” wika ko.
“Why we need that? You’re a doctor,” kunot-noong saad niya.
“I’m a surgeon doctor and cardiologist.”
“Wow! You have two title. It’s cool.” Parang bata naman, oh.
“Then what?” I asked him.
”Okay, I’m dealing with that but you need to be with me sa therapy ko.” May pakiusap pa talaga.
“Fine,” I surrendered.
”May condition din ako! This is not fair kung ikaw lang ang may kondisyon.” So demanding.
“Ano?”
“Kapag magpapa-therapy ako. Girlfriend na dapat kita. End of conversation,” aniya at niyakap ako nang mas mahigpit pa.
”Are you crazy?! Gagawin mo lang yata akong kabit mo habang engaged ka sa ibang babae! Hindi ako laruan!” sigaw ko at pinaghahampas ko ang balikat niya.
“Yes... I’m crazy for you, sweetheart. But no, hindi ka kabit para sa akin. Ikaw ang ina ng magiging anak ko. Sa tingin ko nga... Mahal pa kita noong naghiwalay tayo. Siguro...ikaw ang nang-iwan sa akin, ’no?”