CHAPTER 12

1660 คำ
CHAPTER 12: GIRLFRIEND ILANG MINUTO kaming magkayakap at ako na ang unang kumalas mula sa mahigpit na pagkakayakap niya sa akin. Mahinang dumaing pa siya nqng lumayo ako. “That’s enough, Raizer. I have work to do,” sambit ko. “Okay, come on, I’ll cook for our breakfast,” he said at marahan na hinila niya ako. “Magluluto ka ng nakaganyan lang, seriously?” inis kong tanong sa kanya. Mabilis naman siyang nagbihis at lumapit agad sa akin. Suot na niya ang puting v-neck t-shirt niya at itim na pantalon. “Saan mo ba ako dinala?” tanong ko habang tinitingnan ko ang paligid. Maganda ang bahay at mamahalin ang mga kagamitan sa loob. “Wala ka talaga idea kung saan kita dinala?” nakangising tanong niya sa akin at sinilip pa niya ang mukha ko. Napa-pokerface na lamang ako. “Gising ba ako noong dinukot mo ako kagabi, ha?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Ang lakas ng loob niya gawin iyon sa akin. Pss. “Hindi nga. So, hindi mo talaga alam?” pamimilit niya sa akin. “What do you think? Magtatanong ba ako kung may alam ako, ha?” masungit na tanong ko pa rin sa kanya at tumawa lang siya. Mahinang pinisil niya ang tungki ng ilong ko at hinampas ko siya sa braso. “Chill, sweetheart. Masyado kang hot,” natatawa niyang sambit. “Tigilan mo ako, Raizer. Hindi pa rin ako natutuwa sa ginawa mo sa akin kagabi,” pagbabanta ko pero tumawa lang ang gágo. Ang akala ba niya ay masaya ako sa pandudukot niya sa akin, ha? Nakagat kami sa kitchen at pinaupo niya ako agad. Nagsuot pa siya ng apron at nagsimula na nga siyang magluto. Mabilis lang naman siya, dahil scramble eggs at sinagang lang naman ang niluto niya. Nagtimpla rin siya ng dalawang cup of coffee. Mayamaya lang ay kumain na kami ng breakfast. Hindi nga lang ako mapakali at nakakain nang maayos. Hindi niya kasi inaalis ang pagtitig niya sa akin. Kinilabutan ako. “Raizer... I can’t eat my breakfast,” naiiritang sambit ko. “Why? Gusto mong subuan kita?” “Not that, you moron! Stop staring at me that like you want to eat me alive!” pagalit na sambit ko at ngumisi lang ang gágo. “Oh, sweetheart. I love to eat you,” he said at nag-init lang ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. “You p*****t!” sigaw ko at tumawa lang siya. “Raizer Jack!” “Alright sweetheart. I’m sorry okay?” Tsk! “Ilang taon tayong hindi nagkita tapos ganito ka agad ka-close sa akin, ha? Ni hindi ka man lang nailang sa akin!” saad ko. “Dahil...hindi naman ako naiilang na kasama ka. Mas nararamdaman ko na ang pagka-miss ko sa ’yo,” aniya at tuluyan na akong hindi nakapagsalita. *** PAGKATAPOS naming kumain ay nagpasya kaming umuwi na at nalaman ko na nasa condo kami ni Kuya Ram. Wala akong idea kung bakit ba niya ako dinala rito at kung ano ang mga binabalak niya. Magkahawak kamay kaming lumabas ng condo. Ayoko naman siyang hawakan, eh. Pero siya ang humuhuli sa kamay ko kahit na ayaw ko pa. “I’m goin’ to set an appointment with the cardiologist doctor, Raizer,” I told him. “Okay, pero kaya bang maibalik ulit ang memorya ko kung gagawin ko iyon?” his question. “That’s possible if you don’t have a serious head injury or something. But if you have, there is no possibilities that your memories will be back and it remains in your past. Tuluyan na iyon mababaon sa limot,” paliwanag ko na ikinabuntong-hininga niya. “I want to remember you, badly,” he said. “Just don’t force yourself,” ani ko. “Okay, doc.” HINATID ako ni Raizer sa bahay para makapagpalit na ako ng damit and later on hinatid din sa trabaho. Tumanggi ako pero ayaw niya, matigas talaga ang ulo niya, eh. Hindi ko naman sineryoso ang sinabi niya sa akin kanina. “Stay,” mariin na sabi ko nang akmang bababa pa siya sa kotse niya. “What?” naguguluhang tanong niya. “Huwag mo na akong pagbuksan pa. Give me your phone number para matawagan na kita kung kailan ang schedule for your check-up and your physical therapy,” I said. “Oh? Just give me your phone, sweetheart.” Napakunot ang noo ko at ibinigay ko na lamang sa kanya ang phone ko. “Here,” aniya at sabay na ibinalik din sa akin ang phone niya. “Aanhin ko ang cellphone mo?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. “Kainin mo kung sakaling nakakain ’yan, sweetheart,” nakangising sabi na naman niya. Inirapan ko siya. “Kainin mo muna kaya kung nakakain nga ito?” mataray na saad ko. “Exchange phone muna tayo,” suhestiyon niya at binulsa na rin niya ang phone ko sa pants niya. “What do you mean by that?” confuse kong tanong. “Sa ’yo na muna ang phone ko at sa akin muna itong sa ’yo,” sagot niya na ikinalaki ng eyes ko. “What?!” pagalit na sigaw ko. Bakit naman kami makikipagpalitan ng cellphone?! “Sweetheart, don’t shout. Ibabalik ko ’to kapag sinagot mo na ako,” utas niya na hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya. “Ano?” “Slow ng sweetheart ko. Alright! I’ll give your phone back kung girlfriend na kita, okay? Bye sweetheart, keep safe okay?” aniya at nagulat pa ako nang halikan niya ako sa noo. Wala sa sariling bumaba na lamang ako mula sa car niya. Naglakad ako palapit sa entrance ng mag-ring agad ang phone niya. What the! Ringtone niya ’yong theme song namin. Siya lang naman ang kumanta nito habang tumutugtog siya ng gitara. Unregistered number siya but this is my number! Ano ba ang trip ng lalaking iyon? Sinagot ko naman ang tawag. “Hello, sweetheart. Ang ganda ng ringtone ko, right? May kanta ka rin ba na ganyan?” tanong niya. Aba, kung makatawag sa akin ng sweethearts ay akala mo naman close na agad na kami? Wala pa siyang alam na malaki ang atraso niya sa akin. “Gàgo! Bakit napatawag ka?” tanong ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. “Na-missed kita agad, eh. Puwede bang ibulsa na lang kita? Gusto ko kasi na palagi kitang kasama at napagmamasdan,” aniya at parang may humaplos na mainit na kamay sa puso ko. Pero alam kong bola lang iyon. “Tigilan mo ako, Raizer,” I hissed. “I’m serious but I have to go. May work din kasi ako. You know that I’m a busy person. I am the director too. I call you later, sweetheart bye!” paalam pa niya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Parang sira talaga, oh. Napatingin naman ako sa phone niya at ngayon ko lang nakita ang wallpaper niya. Itong picture naming lima! It’s a family...picture I guess? Bakit naman ito pa ang pinili niya? Paano na lamang kung makikita ito ng Mommy niya? Nag-iisip pa ba siya? Tumunog na naman ang ringtone niya and this time, I received his message. “By the way, Quinna. I remembered that my ringtone is our theme song right?” Kumabog namang malakas ang dibdib ko sa nabasa kong mensahe. “Did he....remember that already?” Kinabahan ako sa naisip ko. “Good morning, Dra. Quinna,” bati sa akin ng private assistant ko na si Nurse Krafe De Leon. “Good morning too, Krafe,” nakangiting bati ko sa kanya pabalik. Pumasok na ako sa loob ng clinic ko at kinuha ang phone... Dàmn! How can I call my friend, eh na kay Raizer ang phone ko? I stood up from my seat and approached Krafe. “Krafe?” “Yes, doc?” “Do you have a number of Dr. Montreal?” I asked her. “Yes po, doc. Bakit po?” “Can I have his number?” “Yes, doc. Wait a minute po.” Isinulat niya sa isang papel ang phone number ng neurologist doctor na kilala ko at ibinigay niya rin sa akin pagkatapos. “Thank you, Krafe,” makangiti pasasalamat ko sa kanya. “Uhm, doc. May operasyon po kayo mamayang 9:00AM kay Patient Leanfro at 3:00PM naman po kay Patient Kang,” aniya. “Noted,” sambit ko and I dialed his number. Ilang rings din before he accepted my call. “Yes? This is Dr. Rumu Montreal, speaking,” sagot niya sa kabilang Linya. “Hey Dr. Neurologist, this is Quinna,” nakangiting sambit ko. “Oh? My sweet and snob friend of mine. Hey to you too Dr. Cardiologist. Napatawag ka?” “Gusto ko sanang magpa-set ng appointment, may pasyente ako na nangaingailangan ng tulong mo,” sagot ko. “What kind of patient you have, darling?” Rumu Montreal is my second best of friend. Darling ang tawag niya sa akin. Mabait na demonyo ang gàgong ’yon. Single pa rin at may hinahanap na babae parehas kay Levi may hinahanap na first love. Aira ’ata ang pangalan ng girl. Ah, basta iyon na iyon. “He had amnesia, you’re not busy today, Rumu?” tanong ko. “Hindi naman, Quinna. May pasyente ako mamayang 11AM puwede kayong pumunta dito ng 12.” “I can’t go today, Rumu. I have two operations. Baka nga mag-overnight ako. 3PM ang start ng second operation ko,” problemadong saad ko. “That’s okay, darling, but my clinic is always open for you. Pumunta ka na lang sa clinic ko, basta may sapat na oras ako,” aniya. “Okay, bye see you later,” I said. “Bye darling Quinna and don’t forget to bring me... ice cream. Stress reliever,” wika niya at napangiti ako. “Bukas pa iyon. Makakapaghintay ka ba?” “Of course.”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม