CHAPTER 13

1492 คำ
CHAPTER 13: Impostor RAIZER JACK’s POV 3:27 in the afternoon ay nakarating na ako sa hospital ni Quinna. Talagang sinundo ko pa siya. Lumapit ako sa front desk para magtanong kung saang floor ba ang clinic niya. “Where’s the office of Dra. Nandezo?” I asked the girl. “Si Dra. Nandezo po, wait lang, Sir,” sagot niya at may tiningnan siya sa computer niya. “Sa 15th floor po, Sir. Wait... Raizer Jack Sanchez?! Ikaw po ’yan, ’di ba?!” What the fvck? Paano naman niya ako nakilala agad? Naka-disguise ako. Tsk. Nginitian ko na lamang siya saka ako umalis agad sa front desk. Bati ba naman sa hospital na ito ay kilala ako? Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang clinic niya pero nagtanong pa ako sa isang nurse kasi wala sa loob si Quinna. Nasaan kaya siya? “Dra. Nandezo, kasalukuyang nasa operating room po siya, pangalawang operasyon na po niya sa pasyente niya, Sir. Baka po bukas na siya makakalabas. May appointment po ba kayo kay Dra. Nandezo, Sir?” tanong sa akin ng babae. “Yes, saang room ba siya?” “Nasa 3rd floor po sir ng OR,” she replied. “Thank you,” sambit ko at sumakay ulit ako ng elevator. Pagkarating ko roon ay hinanap ko pa ang pangalan niya kung saan ang room na siya ang nag-oopera mismo. Grabe naman kuya hanggang bukas na siya makakalabas. “Here it is... Dra. Quinna Amera Nandezo,” I uttered. Umupo ako malapit sa bench. Sa kabilang upuan naman ay may mag-asawang nakaupo at nagdadasal. Siguro sila ang guardian ng pasyenteng inooperahan ni Quinna? Quinna is a surgeon and Neurologist doctor... I closed my eyes at naamoy ko ang bango ng hospital. Naalala ko pa noong nagising ako sa puting kuwarto na walang naaalala kahit pangalan ko ay hindi ko man lang matandaan. Natagalan pa noong naalala ko ang profession ko bilang isang singer at ilang memorya din ang bumalik sa akin. Iyong memorya ko na kasama ang pamilya ko at hanggang doon lang ang naaalala ko. Noon, I don’t want to remember anything about my past because I can create the new memories but when I met Quinna again... I wanted to remember her kung bakit kami naghiwalay noon at gusto ko rin na kung sino ba ang ama ng mga anak niya kasi... malakas ang kutob ko na alam ko kung sino ang ama nina Jacky at bakit nga ba Jacky at Jecky ang second name nila. Kung may asawa na siya o kasal man sila ni Quinna. Bakit Nandezo pa rin ang surname nila? Hindi kaya wala talaga siyang asawa at single mom lang siya? Haist, curious ako. Ano ba kasi ang nangyari? Hindi ko namalayan ang oras at isa pa nakaidlip ako. Nang sipatin ko ang orasan ay 7:30 na ng gabi. Napatingin ako sa mag-asawa nang bigla silang tumayo at sinalubong ang kalalabas lang na doctor. “Quinna...” I uttered her name. She’s so beautiful when she was wearing her doctor’s robe. Naka-light blue siya, may suot na surgical mask. “D-Doctora, kumusta po ang anak namin?” tanong ng babae na halatang nag-aalala siya. “Natagalan po kami sa operasyon dahil medyo nahirapan kami sa pagtanggal ng tumor sa brain niya but don’t worry, Ma’am. The operation is successful naman po. As of now po ay ililipat na muna namin siya sa ICU. Kailangan pa namin siyang i-monitor 24/7,” paliwanag niya, kahit halata ang kapaguran niya ay nakuha niya pa rin ang ngumiti. ”Thank you, doc. Thank you po talaga.” “Salamat ulit, doc. Hindi ninyo pinabayaan ang anak namin,” ani ng lalaki. “No problem, Sir. Responsibilidad po namin ang mga pasyente at ginawa lang namin ang kaya naming gawin and the rest is because of our God,” aniya at tinapik pa niya ang kaliwang balikat nito. “Maiiwan ko na po kayo,” paalam niya at saka siya tumalikod. Minasahe pa niya ang kanang balikat niya at napahinto siya nang makita ako. I smiled at her at mabilis naman niyang ginantihan pero isang pagod na ngiti naman iyon. "Hey... kanina ka pa?” tanong niya sa akin nang makalapit siya. “Yes, around 3PM,” sagot ko. “Bakit dito ka naghintay? You can stay inside my office naman,” aniya at hinila ko naman siya paupo. “Gusto kong makita ka after your operations and I admired you, sweetheart. You did a great job today. So, kumusta naman ang operasyon mo sa pasyente mo?” tanong ko at ako na ang nagmasahe sa magkabilang balikat niya. “Nakakapagod, medyo mahirap pero successful naman,” mahinang sagot niya. “Mahirap talaga ang maging doctor, hmm?” “Hindi naman, kung pangarap mo ay walang mahirap,” sagot niya at biglang kumirot ang sentido ko. “Gusto kong maging doctor pero mukhang mahirap yata iyon, eh.” “Hindi naman, kung pangarap mo ay walang mahirap.” “Katulad ng walang mahirap sa taong nangangarap?” sabi ko at automatikong napatingin siya sa akin. “Katulad na lang ng walang mahirap sa taong nangangarap?” “What?” gulat na tanong niya. “I remembered that line, sinabi ko na ’yon sa ’yo, ’di ba?” tanong ko. “P-Paano mo naman...” “At sa ’yo ko talaga iyon sinabi, tama ako?” pamimilit ko pa. Gusto kong sagutin niya ang tanong ko. “Ha? P-Paano kung hindi mo naman sinabi sa akin?” tanong niya. Para lang bumigat ang dibdib ko. Napahinto naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman, paano kung hindi siya? Pero bakit feeling ko siya nga iyon? “Nevermind, tara na at umuwi. Off mo na ba, girlfriend?” tanong ko at inakbayan ko siya. “Girlfriend?” “Yes, you’re my girlfriend now, kasi narito na ako sa hospital,” sambit ko at inalalayan ko siyang tumayo. QUINNA AMERA’S POV “Nababaliw ka na talaga. Hindi ako nakikipagbalikan sa ex ko,” nakataas ang kilay na saad ko pero nagkibit-balikat lamang siya. “Gusto kitang maging girlfriend ulit, eh. Please? Manliligaw ako kung kinakailangan,” sabi niya. “Parang noong isang araw lang ay ang snob mo sa akin, ah,” ani ko at tumango pa siya. “Naalala ko iyon. Basta gusto ko, eh,” aniya. Inilingan ko na lamang siya. Naglalakad na kami sa corridor ng hospital nang biglang napahinto si Raizer. “What’s wrong, Raizer?” tanong ko. “Mom...” sambit niya. Sinundan ko iyon nang tingin at nanlaki lang ang mga mata ko nang makita ko si Madame Sanchez kasama ang mga anak ko. God, bakit naman niya kasama ang triplets ko? Dumistansya ako kay Raizer ay malalaki ang bawat hakbang ko na nilapitan sila. Pero sumunod din agad sa akin si Raizer at hinawakan ang kamay ko. “Bakit mo kasama ang mga anak ko?” malamig na tanong ko. “Oh? Bakit ko nga ba kasama ang mga anak mo Dra. Quinna Amera Nandezo? Siguro nag-bonding kami ng mga apo ko, right Quinne?” tanong niya sa anak kong babae. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko... Paano niya nalaman? Paano niya nalaman na mga apo niya ang triplets? “Mom. What are you talking about?” gulat na tanong naman ni Raizer. Bumilis lang ang t***k ng puso ko. Dahil walang alam si Raizer tungkol sa mga bata. Hindi ba siya nag-aalala? “Surprise son. This is your children at itinago sa ’yo ng babaeng iyan ang mga anak mo,” sabi niya at nakuha pa niyang duruin ako. “What?!” pasigaw na tanong ni Raizer. Namanhid ang batok ko. Baka magalit siya agad. Goodness... “And surprise again son, inaangkin niya ang mga anak mo,” she added. Ano bang pinagsasabi niya? “What are you trying to say?!” Hindi ko na napigilan pa ang pagtaasan siya ng boses “Surprise, doc. Tapos na ang pagpapanggap mo bilang ina ng mga apo ko,” I don’t understand! Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ito? “Mom...” “Raizer, alam mo bang dinukot niya lang ang mga anak mo, kasi obsessed siya sa ’yo?” What? “Mommy.” Napatingin ako kay Quinne nang tawagin niya ako. “I’m with their biological mother, Raizer,” she said. Mula naman sa likuran niya ay may lumabas na kamukhang-kamukha ko. Wait, what?! Kamukha ko?! At sino naman siya?! “Raizer, I have proof na hindi siya ang tunay na ina ng mga anak mo! Impostor siya!” Napatingin ako sa kamay ni Raizer nang bigla siyang bumitaw. “Raizer...” I uttered his name. Baka kasi maniwala siya. Lumalayo kasi siya sa akin... “Mommy!” Si Jacky. It can’t be! paano ko to nangyari? Paano nila nalaman ang lahat? At sino ba ang babaeng kamukha kong ito? Sino siya? At bakit pinaparatangan ako na kidnaper at nang-aangkin lang ng anak ng ibang tao?
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม