Si Ara talaga ang nagpapagaan ng loob ko kapag may problema ako, kaya naman gusto ko ring magkaroon siya ng nobyo na aalagaan siya at kaya siyang protektahan. Iyong hindi siya sasaktan at paiiyakin. Naalala ko na naman ang ex niya na niloko siya. Pinagsabay sila ng pangalawang girlfriend na nagtratrabaho sa katabing building ng clinic ni Ara. Dalawa pa kaming nakakita sa kanila. Naalala ko pa kung paano nagkabukingan noong isang taon. Pinuntahan ko si Ara nang walang pasabi para umiyak dahil nanganganib na magsara ang kumpanya namin. First job ko iyon kaya malapit siya sa puso ko. Ako lang din ang sumusuporta sa pangangailangan ng mga magulang ko. May sakit pa ang Mama ko at walang permanenteng trabaho ang Papa ko. May edad na siya kaya nahihirapang humanap ng permanenteng pagkakakitaan s

